Chapter Thirty Eight

2.3K 65 6
                                    

Chapter Thirty Eight
(Part 1)

Pagkababa ko ng taxi ay nakita ko si Joan sa labas ng apartment ko, katabi ang magaling kong nanay.

"Bakla, anyare sayo?"

"May nangyari lang. Anong meron?"

"Tangina, Iara. Hindi mo pa ba natutubos ang bahay natin?"

"Ma, binayaran ko iyon ng kalahati."

"Pinuputakte na ako ng bangko. Akin na pang bayad, aba balita ko maganda trabaho mo dito at iyong mayaman mong nobyo."

Sinapo ko ang noo ko. "Bumiyahe ka dito ng ganitong oras para lang sabihin sakin yan?"

"Bilis na." nilahad nya pa iyong kamay nya.

"Nakikita mo ba iyong itsura ko, Ma!? Nakikita mo? Galing ako sa party kung saan pinahiya ako! Pinamukha sa kin lahat ng ginawa ko! Iyong mga pikit matang trabaho na ginawa ko nang dahil sayo! Ano ba naman iyong intindihin mo muna ako ngayon!"

"Hoy Iara, hindi ko kasalanang ginawa mo ang mga trabaho mong iyan ha. Ako ang dapat mong intindihin dahil ako ang nanay mo. Pasalamat ka pa nga na binuhay kita."

"Salamat dahil binuhay mo ako. Pero ni minsan hindi ko naramdaman na tinuring mo akong anak. Kasi Ma, sinong magulang ang ibebente ang anak para lang may pangbayad sa utang nya sa sugal?! Sino! Ayaw kitang sisihin kung bakit naging ganito ako pero Ma! Masakit. Ang sakit pa din na hanggang ngayon hindi ko matanggap na ganoon mo nalang akong binenta."

"Huwag mo akong husgahan ha. Para din naman sa iyo iyon."

"Ma! Hindi ikaw ang nagdusa. Ako eh! Ako."

Napaluhod na ako at tinago ang mukha sa palad ko. Iyong iyak ko, iyak ng isang taong hindi na kaya pa ang mga pinagdadaanan nya. Hindi na din ako makahinga.

"Halika na, Joan. Bumalik na tayo sa baguio. Wala din naman pala akong makukuhang pera dito."

"Iara,"

Umiling ako kay Joan. "Hindi. Huwag ngayon bakla."

Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot kay Joan para may pamasahe sila.

"Maghahanap ako ng pera."

Umismid si Mama. "Huwag na. Nakakahiya naman sayo."

Umayos ako ng tayo. Tinalikuran na ako ni Mama at hindi na nilingon.

"Sige na, Joan. Mag iingat kayo."

Ilang minuto akong tumitig sa bulto nina Mama bago ako dahan dahan na lumakad papasok sa bahay. Napaiyak na naman ako sa likod ng pinto.

Wala na. Tapos na ang masayang araw mo, Iara.

"Iara?"

Hindi ako kumibo nang makinig ko iyong malamyos na boses ni Mayami. Patuloy lang akong umiiyak.

"Iara.."

The door softly open and it revealed Mayami's worried face.

"Ako lang mag isa." Aniya at lumuhod sa tapat ko. Sinapo nya iyong mukha ko. "Inaway ko si Jun Prado. Wala syang karapatang ipahiya ka ng ganun. Pwede ka nyang kausapin ng maayos."

"Hindi mo na dapat ginawa yun. Tanggap ko naman iyong mangyayari. Tama sila."

"Pero hindi ka dapat pinahiya ng ganun. Oo, masama iyang trabaho mo pero naisip ba nila ang dahilan kaya mo nagawa iyan? Hindi."

Huminga ako ng malalim at tumitig kay Mayami. Nagtatalo ang isip ko kung itatanong ko ba si Ha--James Michael pala. Kaso huwag nalang.

"Sinampal ko din si James Michael. Ano? Wala ba syang gagawin?"

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon