Chapter Six
Wearing my avaitors, I'm confidently sitting here out the ministop. Hinihintay ko kasi sila Gray. Dito daw ang hintayan.
May iilang lumilingon sa akin, umirap ako. Alam na alam ko na iyon, agaw atensyon talaga itong buhok ko. I know, maganda kasi ako.
"Iara!" I heard Gray.
Tumayo ako at lumapit na sa kanya. I'm wearing black spaghetti strap and maong shorts na bitbit ang duffle bag ko. I waved at him.
"Sorry kung ang tagal. Anyway, this is Riva. Girlfriend ko." Inakbayan nya iyong babaeng katabi nya. "Babe, si Iara."
"Hi, nice to meet you." Kinamayan ko sya.
"Let's go, bumibili lang sila ng grocery para may stock tayo."
Sumunod ako sa kanilang daliwa at huminto sa van doon. Di ko actually inexpect na madaming kasama, akala ko sila sila lang. Pinakilala agad ako ni Gray sa ibang nasa loob ng van, I smiled.
Sinipat ko si James Michael sa loob kaso mukhang wala sya. Di kasama?
"Sino hinahanap mo?" Siniko ako ni Gray. "Si JM?"
"Ah, hindi no."
Kumibit balikat si Gray at inalalayan na akong sumakay sa loob. Di nagtagal ay dumating na sila Jasper dala ang maraming paper bags.
"All set?" Tanong ni Jasper na syang nakaupo na drivers seat.
"Wala pa si JM," Sabelle asked.
"He couldn' make it, ayaw ata syang payagan ni Michelle." Sagot naman ni Peevee.
"Who's Michelle?" Napatanong ako kay Lance.
"Dinedate nya."
Umarko iyong kilay ko. "Dinedate nya palang pero kung bawalan sya grabe?"
"Obssess na yun kay JM." Ani Gray na nakikinig pala sa usapan.
Sumandal na ako sa upuan ko at tumanaw sa labas ng bintana. A bit disappointed kasi wala si James Michael, ginandahan ko pa naman itsura ko ngayon. Oh well..
Almost four hours ang tinagal ng biyahe pero hindi ako naboringan dahil ang dami nilang pinagkwentuhan. Tahimik lang na nakikinig ako sa kanila at panaka naka'y sumasagot kapag kinakausap nila.
Napag alaman kong halos lahat sila ay blockmates nung college pa. Iyong iba ay reporter at director, may model din kasi may nakilala ako na nakasama ko sa shoot dati.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa Hacienda nina Jasper. Sa labas palang, damang dama na ang sariwang hangin ng probinsya. Ginawa kong photographer si Lance at willing naman sya.
Madami dami na akong picture, pinost ko iyon sa IG ko agad.
"Guys, tara na sa loob. Luto na tanghalian natin!" Sigaw ni Jasper mula sa loob.
"Iara, tara na." Si Lance.
"Sige, sunod ako."
Nagrecord lang ako ng video na pangpost sa IG story ko bago sumunod sa kanila. Binati kami agad noong mga katiwala nung rest house nila.
Typical na rest house iyong itsura ng bahay. All in all, maganda sya. Iyong dinning table nila parang sa palasyo, ang haba bes.
"San parents mo, Jasper?" I asked him.
"Canada, pati iyong dalawa kong kapatid. Napunta naman ako dun kapag vacation pero hindi ako talaga magstay dun ng matagal. I mean, nandito ang buhay ko sa pilipinas."
![](https://img.wattpad.com/cover/165128726-288-k749135.jpg)
BINABASA MO ANG
Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)
RomanceLausingco Series # 5 "They say before you start a war, you better know what you're fighting for."