Chapter Thirty Nine

2.6K 78 25
                                    

Chapter Thirty Nine

Tila napipilan ako ng tumayo si Tita Anne Marie at nakangiti sa akin. Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Tita?"

"Kumusta ang pakiramdam mo? Nakita kitabg pumasok sa botika. Ayos ka lang ba?"

"Kayo po iyong sponsor ko?" Sa wakas ay nasabi ko din.

Mas ngumiti sya sa akin at tumango.

"Maupo ka muna. Kumain ka na ba?"

"Paano po?"

Kung ano ano ang naiisip ko ngayon. Madami eh. Bakit nya ako tinutulungan ng ganon? Ano ko ba sya?

"Iara, hija..."

"Paano po?"

Tanga na siguro ako kasi pumapasok sa isip ko na baka sya ang totoo kong magulang. Paano yun? Magkapatid kami ni Hayme?

Hinawakan ni Tita ang kamay ko.

"Ang totoo nan, Iara. Kaibigan ako ng Papa mo. Matalik na kaibigan. Hindi lang kaibigan dahil iyong Papa mo, iyong sundalong nagligtas sa amin ni JM sa binggit ng kamatayan. Si General Arturo Smith ang tatay mo. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan sabihin sayo ito, but I think you should know about this."

"Meron po ba kayong picture?" Hindi ko na halos masundan ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Yes. I have." May kung ano syang kinuha sa bag nya at nilapag sa lamesa.

Bumagsak ang tingin ko doon at kumabog ang dibdib ko. Ito iyong first time na nakita ko ang itsura ng tatay ko. And from the looks of him, xerox copy nya ako. Kaya siguro ganoon nalang talaga ang inis ni Mama kapag nakikita nya ako.

"Nung una, hindi kami masyadong nagkakausap. Hanggang sa matapos nya akong tulungan noon, lumipad kami pabalik ng Pilipinas. One month bago yun, sabi nya nandito sya kaya bilang sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya. I wanted to treat him as my family. He saved me and JM. Nalaman ko din na nagka-affair sya dito, since he's bound to marry his fiancee he left in states. Sa maikling panahon na iyon, kita ko ang saya sa mukha ng ama mo. But he has to cut ties to your mom dahil kahit anong gawin nyang takas, kailangan nya pa ding pakasalan iyong babae doon.

I watch your mom from afar, and discovered that she's pregnant a month after Arturo left. Naputol lang ang pagsunod sunod ko sa Mama mo ng dumating ang problema sa amin ni James. Pero nandon ako lagi, tinutulungan kita. Until James told me to stop. Kasi ayos ka na daw pero hindi ko kayang hindi ka tulungan."

Huminto sya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. My eyes stuck in the picture.

"May balita pa po ba kayo kay Papa?"

"Iara, Arturo died already. Siguro fifteen years old ka na noon. Araw araw kong kinekwento sa kanya na may anak syang babae dito at kamukhang kamukha nya pero ayun nga may pamilya na sya doon na kahit gustuhin nyang puntahan ka, hindi nya magawa. So I offered him something. Na ako ang magdadala sayo sa kanya... nakaplano na lahat. Magpapakilala ako sayo at dadalhin sa kanya pero hindi na sya nakauwi ng buhay galing sa gyera. Hindi ko kinaya na iyong tinuring kong Kuya ay wala na."

Tumulo na ng tuluyan ang luha ko. Iyong pag asa kong makakasama ko pa ang tatay ko ay parang bula na pumutok.

"Nangako ako sa puntod nya na hindi kita papabayaan. So as a sponsor, I did my best to help you. Dumating sa point na gusto ko nang manghimasok sa buhay mo pero buhay mo yan. Hindi mo ako kaano ano. Kaya alam mo bang sobrang natuwa ako nang makita kita sa bahay. Naisip ko, maayos na itong batang to. I even tried to steal you away from your mother pero nakita ko na kahit ganoon, mahal na mahal mo ang Mama mo but it's too much, Iara."

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon