Chapter Eighteen

2.6K 62 39
                                    

Chapter Eighteen

I was smiling fake infront of this businessman. Grinab ko na kasi itong raket namin ni Bev ngayon. Pero hindi ko naman alam na matatagalan ako pakikipaglandian dito sa business man na ito. Masyado syang madaming sinasabi.

"You look so bored?"

"No. Nakikinig naman ako,"

Sumulyap ako sa phone ko at nakita kong pasado alas sais na. Nabuhayan lang ako ng loob noong magpaalam saglit itong business man, I forgot his name.

Ginawa ko na ang dapat. Nakabalik din naman sya at nag aya nang pumunta daw sa penthouse nya. Kakasakay palang namin ng sasakyan nya nang umepekto na ang gamot.

Tulad nang nakagawian, kinuha ko ang lahat ng pera nya at cellphone, tapos ay dali dali akong pumunta sa tagpuan namin ni Bev.

"Nagmamadali ka?"

"Late na ko sa lakad ko. Shems."

Hinubad ko na iyong contact lens ko at wig. Nagre-touch din ako ng make up ko at inayos ang suot kong off shoulder dress na hapit sa katawan ko.

"Di na ko sasabay sayo ha. Ingat ka." I blew a kiss at Bev.

Bitbit ko iyong heels ko at pouch bag ko habang tumatakbo. My phone beep.

JM:
Nasan ka na?

Pumara ako ng bus at nakipagsiksikan talaga ako para lang makarating sa rotondo pero puro puno ang bus. So ang ending nagtaxi na ako. Pinunasan ko ng wipes iyong paa ko bago ko sinuot ang heels ko. Inayos ko din ang sarili ko at nagspray ng perfume.

JM:
Dapat dinaanan nalang kita sa bahay mo.

Ako:
Malapit na ako, sorry Hayme.

Natanaw ko na iyong escape nyang itim kaya pinahinto ko na si Manong. Nag abot ako ng two hundred at bumaba na. Lakad takbo ang ginawa ko palapit kay Hayme na nakakunot na ang noo.

Geez. I am half an hour late.

"Hayme, sorry talaga." Sabi ko.

Umayos sya ng tayo. Hinalikan ko agad sya sa pisngi nang makalapit ako sa kanya. I took a deep breathe too.

"It's okay, sabi mo kasi may emergency." Pinasadahan nya tingin ang kabuuan ko bago umiwas. "Halika na, kanina pa ako tinetext ni Shin."

Mabilis lang din naman syang nakapagmaneho, nakarating kami sa Lausingco Hotels. Umawang bibig ko sa nakita ko ngayon. Buti nalang pala naka-formal ako sa raket namin.

Hayme streched his hand for me. Hinawakan ko iyon. Noong ngumiti sya, kaagad na nagtumbling ang puso ko. Men, kahit ano atang isuot nyang damit, bagay sa kanya.

Hindi mapakali iyong mata ko, lalo na nung nakapasok na kami sa mismong loob ng Lausingco Hotels. Giniya nya ako sa may function hall doon. Pinagbuksan naman sya noong mga bellboys doon.

Madaming tao sa loob at lahat sila naka-formal attire. Halos malula pa nga ako dahil puro sosyal ang nandito. Di ko sila ma-reach.

"Hayme," I pulled his sleeves. "Pamilya mo lahat yan? Ang dami."

He chuckle. "Nope. Iyong iba, close friends lang at business partners."

"May mga gwapo ba jan? Ipakilala mo nga ako."

Kumunot ang noo nya. "Ssh. Behave, Iara."

Ngumuso ako. Napaka-KJ. Kitang kita ko si Shinubo mula dito sa kinatatayuan namin. I gave him small waved, tinaasan nya ako ng kilay at walang dalawang sabi na lumapit sa amin.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon