Chapter Twenty One

2.4K 63 4
                                    

Chapter Twenty One

Palalim palang ang inuman nang maalala ko bigla si Mayami. Tumayo ako bigla dahilan ng paglingon nila sa akin.

"Oh bakit?" si Gray.

"Kailangan ko na palang umuwi."

"Maaga pa, Iara." Si Lance naman.

"Eh kasi iyong bisita ko sa bahay, nakakahiya naman sa kanya."

Hinawakan ni Hayme iyong siko ko. "Sinong bisita?"

"Si Mayami. Pagod yun for sure, galing trabaho kaya kailangan ko nang umuwi. Bawi ako next time." I blew them some kiss.

"Ingat ka."

"Ihahatid na kita." Baritonong boses ni Hayme.

"Babalik ka, JM?" Si Jude.

"Oo. Ihahatid ko lang si Iara."

Niyakap ko si Sabelle at Riva bago ako kumaway sa kanila. Humawak sa siko ko si Hayme habang naglalakad kami.

"Mr. Director, hindi mo naman na kailangan akong ihatid. I can manage."

Gumapang ang kamay nya mula siko ko papunta sa baywang ko.

"Para hindi ka na hassle sa pamasahe."

"Oy. Sige na nga, di na ako papakabebe." Natawa sya ng bahagya at pumisil sa baywang ko.

Mabilis lang kaming nakarating sa apartment dahil wala masyadong traffic ngayon. Pasado alas siete y media palang at nakita kong patay pa ang ilaw sa bahay.

"Wala pa pala si Mayami. Naku, wala pa namang cellphone iyon." Sabi ko sa sarili ko. Pumitik ako at kinapa sa bag ko iyong cellphone ko.

Nagkaroon ako ng mini heart attack nang hindi ko nakapa iyong cellphone ko. Tarantang kinapkapan ko iyong sarili ko bago nanlalaki iyong mata ko na bumaling kay Hayme.

"Phone ko? Naiwan ko ata kina Lance."

"Nasa akin." Aniya sabay labas niyon sa bulsa nya.

"Ay. Nagdududa. Ikaw lang talaga, Mr. Director." Tukso ko pa at inabot iyong phone ko. "Shit ha. Nagkamini heart attack ako."

"Baby doll, can I have some coffee?"

"Sure. Dito na tayo sa loob at wala pa naman si Mayami."

Binuksan ko iyong bahay at hinila sya papasok. Hayme's watching me, I can feel it. Gumawa ako ng coffee at chocolate drink for me at naglabas ng cookies.

"Taga san nga si Mayami?"

"Lucena daw." Sagot ko. "Hindi pa sya pala-kwento sakin but I think sooner or later, magiging buo na tiwala nya sakin."

"I see. She looks fragile."

"Mismo. Kaya nga sobrang naawa ako sa kanya noong nasa baguio ako. So my instict told me to comfort her."

He casually nodded. "Huwag lang sana syang magsinungaling sayo."

"Malaki ang galit mo sa mga taong sinungaling no?"

Kumibit sya at uminom ng kape. "Ayoko lang ng ganun. Pakiramdam ko kasi hindi sapat iyong tiwala kaya bakit kailangan pang magsinungaling?" Aniya.

"Siguro kasi baka may pinoprotektahan lang kaya nagagawang magsinungaling."

"Still. You can say the truth but still choose to lie."

Napasimsim ako sa tasa ko. He hates liar.

"Baby doll, I hope you won't lie to me." Sabi nya na titig na titig sakin.

"O-oo naman no."

Lumunok ako. Ngayon palang, alam ko sa sarili kong nagsinungaling na ako sa kanya.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon