Chapter Thirty Four
"Mukha kang sira kakangisi jan." Sita ni Shinubo.
Nagbeautiful eyes pa ako sa kanya na lalong nagpasimangot sa kanya.
"Tss. Kaya ayokong mainlove. Magmumukha akong tanga."
"Asus." Pinadaan ko iyong hintuturo ko sa ilong nya. "If I know baka nililigawan mo na ngayon iyong mahinhin na babaeng nagpagawa ng stickers dito dati. Ano na nga palang balita dun?"
Hindi sumagot si Shinubo at pinagpatuloy lang ang pagdadrawing nya sa sketch pad nya. Binangga ko iyong balikat nya kaya napamura sya.
"Tangina!" Natawa ako sa reaksyon nya. "Lintek naman, Iara. Umalis ka na nga dito."
"Eh! Wala akong magawa. Wala ka bang costumer jan?"
"Mamaya pa."
"Balato mo na sakin."
Tinaasan nya ako ng kilay. "At pagpangit ang pagkakalagay mo?"
"Hindi yun pangit. Promise!"
"Whatever."
"Pst Iara, wala ka ba jang raket?" Singit ni Lala.
"Sa dance tutorial? Wala pa. By next week siguro."
"Text mo ko ha."
"Okay." Nag-ok sign pa ako at kumindat.
Hindi naman nagtagal ay dumating na iyong costumer ni Shinubo. Nakabantay sya habang nagtatattoo ako dahil hanggang ngayon wala pa ding tiwala si Shinubo sa akin.
My phone rang.
"Oh, mamaya mo na silipin. Papangit iyan." Binaligtad nya iyong cellphone ko.
Ngumuso ako. "Sungit ah."
"Concentrate, Iara."
So far so good, walang reklamo iyong costumer ni Shinubo, bagkus ay nakatanggap pa nga ako ng papuri.
"Kitams, bilib ka na sakin nyan, Shin?" Yumakap ako sa braso nya.
"Hindi pa din."
"Napaka nito. Parang hindi mo ako kaibigan ah."
Dinikit nya iyong five hundred sa noo ko. Two thousand kasi iyong tattoo.
"Ayun, may pangmeryenda na ako." Humilig pa ako sa balikat ni Shin. "Samahan mo ko."
"Bakit ba ako ang binubulabog mo? Bakit hindi si JM, boyfriend mo naman yun ah."
Dahil sa pagbanggit ni Shin kay Hayme, tyaka ko lang naalala na dalawang beses pala tumunog iyong cellphone ko kanina. Naku, patay ka, Iara.
Mabilis kong dinampot iyon at may dalawang misscalled nga. At tatlong text galing sa kanya.
Hayme:
Where are you?Hayme:
Busy?Hayme:
Text me when you have free time. Okay?Ako:
Nasa shop ako ni Shin.Naghintay ako ng reply pero wala. Siguro ay busy na iyon, hectic kasi ang schedule nya since indemand ang shooting sa movie na pinagbibidahan ni Laureen Ann. Wala namang kaso sa akin, puntahan ko nalang iyon doon sa location mamaya.
Ako:
Puntahan kita jan?Two weeks palang ang nakakalipas simula ng official na maging kami. At parang bago bago pa din sa pakiramdam, parang nasa alapaap nga ako. Palagi ko ding sinasabi kay Shin na huwag na nya akong gisingin if ever na nasa panaginip lang ako.
BINABASA MO ANG
Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)
RomanceLausingco Series # 5 "They say before you start a war, you better know what you're fighting for."