Chapter Six

2.5K 120 2
                                    

This was the truth at the core of her existence. The pure rotting emptiness and the loud silence inside her have managed to create a defense mechanism so she wouldn't feel anything again. It had been there all along.

If a person is deluded, they just need to wake up and then they can escape. But if someone is so much awake like her, where can they escape? Where can she go and hide from this emptiness inside her? She doesn't want  to feel complete. She only need to stop the feeling of being empty.

Nakabalik na siya sa kanilang ahensiya at ipinagpaliban na muna niya ang gagawing series of test para sa antidote dahil may panibagong misyon na ibinigay sa kanya si Chief. Kailangan niyang pumunta ng Pilipinas dahil siya na lamang ang bakante ngayon sa kanilang grupo.

Si Sniper kasi ay sa HQ lang muna nila dahil sa pagkakasuspendido nito noong nakaraang buwan. Si Hacker naman kasi ay kailangan nila for back-up. Pagkatapos sina Archer, Ryder at Dagger naman ay mga nasa misyon.

Inakala nga niya na magbabakasyon si Archer ngunit nakakuha ito ng panibagong misyon pag-uwi sa Pilipinas.

Kasalukuyan silang nakikinig sa kay Chief na ipinapaliwanag ang kanyang magiging misyon.

"This was taken last night at the victim's private party." Ani Chief na ipinapakita sa kanila ang isang video sa screen. "Look closely. You can see here that these men wasn't aware of anything unusual around them. They continued drinking and laughing without noticing that someone was about to attack them." At pagkatapos ay bigla na lang may mabilis na umatake sa mga lalaking nasa video. "The attacker was hired as an escort service for those men."

She was struck in her seat as she watches how the woman in the video maneuvered her body to kill those men. She knew very well of that move because she has done it before. It was one of their trademarks in the organization she was once with.

"I cannot ID her because she was turning her back at the camera. It looks like she knows where to angle her body so that the CCTV won't catch her face."
Ani Hacker na patuloy sa pagtipa sa keyboard. "I really cannot identify her, she left no trace in the crime scene. This one is a pro."

"Sa tingin mo, itong babae rin ba na ito ang bumaril sa akin noon?" Tanong naman ni Sniper kay Hacker.

"I'm not sure." Sagot ng binata. "They are a highly trained assassin, and they are very good at what they do."

"That's why we need to find them." Muling singit ni Chief. "We need to track this hired killers to know who paid them to do those killings. I'm sure they have a list of names of their valued customers."

Nakatulala na lang siya sa screen dahil ang dami nang pumapasok sa kanyang isipan. Walang kaalam-alam ang kanyang mga kasamahan na dati siyang parte ng grupong iyon. Hindi naman sa ayaw niyang malaman ng mga kasamahan niya ang totoong pagkatao niya, ngunit may dahilan kung bakit ayaw niya.

Malaki at mabigat na grupo ang babanggain nila. Sa totoo lang ay wala silang magiging laban dahil halos hawak ni Weber ang ibang mga nakaupo sa pwesto, gayun din ang ilang mga kapulisan.

Hindi siya natatakot na mahuling muli ng mga dating kasamahan at maparusahan o mapatay. Hindi siya natatakot para sa kanyang sarili, kundi para sa mga taong importante na rin sa kanya ngayon. At iyon ang mga kaibigan niya at ang dalawang taong umampon sa kanya.

Alam niyang idadamay lahat iyon ni Weber kung kaya't hanggang ngayon ay hindi pa din niya kayang sabihin ang totoo sa lahat. Kahit kay Chief ay wala siyang sinasabi, kung kaya't patuloy pa din itong nag-uutos ng mga misyon para mahanap ang dating organisasyong kinabibilangan niya.

Ang tanging ginagawa na lang niya ay tumutulong sa mga misyon at ang pagpipilit niya na makagawa ng antidote panlaban sa drogang na-imbento ng Weber Corp. Alam kasi niya na baka gamitin din ni Joshua ang serum laban sa kanila pagnagkataon. At sigurado siya na kapag nagka-ganoon nga ay kakailanganin niyang kalabanin ang mga dating kasamahan na itinuring na niyang mga kapatid.

S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon