Striker had spent time with Agent Larson and it was wonderful. She never thought that she can experience this kind of feeling with a man. Their intensity and passion for sex was out of control, and none of them wants to stop.
Dalawang araw na ang nakalipas, pero hindi pa din niya nagagawa ang kanyang misyon. Papaano niya magagawa iyon kung parati lang silang nakakulong sa kwarto na dalawa? Pareho silang ayaw magpaawat at pareho silang palaging sabik sa isa't isa.
Nakatanggap ng tawag si Bricks mula sa kakambal nito at pinadadalo ito sa isang party sa Maynila.
It is an award giving party for successful people with their international business, and Bridgette is one of those people. The woman wanted her twin brother to attend, and her too as his date.
Pumayag na lang din siya dahil pinilit na siya ng binata. Isa pa ay mas okay na din na lumabas siya ng bahay para masabing ginagawa pa din niya ang kanyang misyon.
Sa totoo lang kasi ay hindi na niya alam kung ano pa ang dapat niyang gawin. Papaano niya gagawin ang misyon niya na hanapin ang mga taong siya ring tinatakasan niya? Alam niya na sa oras na isiwalat niya ang kaalaman niya sa dating organisasyong kinabibilangan niya ay matutunton na din siya. At ang masama pa ay baka mapahamak pa ang mga taong mahalaga na sa kanya ngayon.
Nahihirapan siyang timbangin sa kung ano ang dapat piliin. Lalo na kung ano ang mas makabubuti para sa nakararami. Kung ang buhay lang sana niya ang nakataya ay hindi siya magdadalawang isip na sumugal, pero kung may ibang mga buhay pa ang madadamay ay iba nang usapan iyon.
Kaya't hangga't wala pa siyang naiisip na dapat gawin ay sasama na muna siya kay Bricks dahil gusto niya ang pakiramdam niya kapag kasama ito. Para bang walang problema siyang kinakaharap.
Sa isang mamahaling hotel sila nagpunta. Doon naka-check in si Bridge at sakto rin na doon sa penthouse ball room hall gaganapin ang party. Pinaakyat sila sa kwarto para doon sila magbihis. Ang dalaga na ang nagpahiram sa kanya ng damit.
It is a sexy but classy strapless lacy white Valentino mermaid dress in sweetheart neckline that enhances her cleavage.
"Wow, you're stunning!" Komento ng dalaga sa kanya nang maisuot na ang damit. "I didn't know that you'd be this hot, drop-dead gorgeous Goddess in this dress." At sabay ngiwi. "Mukhang malilintikan ako nito sa kakambal ko ah, dahil siguradong pagtitinginan ka ng lahat ng mga kalalakihan mamaya niyan."
Nasa kabilang kwarto kasi ang binata nagbibihis at binilan pa nito ang kapatid na huwag siyang pasuotin ng masyadong revealing dahil ayaw nitong pagpiyestahan siya ng mga mata ng lahat, lalo na ng mga kalalakihan.
"This is isn't too revealing." Sabi naman niya dahil hindi naman talaga at kaunting cleavage lang naman niya ang nakikita.
"You're right." Sagot naman sa kanya ng dalaga. "You know what, I like you." Biglang sabi nito na ikinalingon niya. "Not in a romantic way, okay." Agad na bawi nito. "I mean, I like you for my brother. I like who he is when he's with you."
Nang ngumiti ito sa kanya ay ngumiti rin siya ng kaunti pabalik. Natuwa siya sa sinabi nito, at kahit siya ay magaan ang loob para sa dalaga. Lumaki siya na ang kasama ay puro kababaihan kaya't alam niya at nararamdaman niya na madali itong pakisamahan.
"Well, we're not in some sort of a relationship." Aniya habang muling tinitingnan ang sariling kabuuan sa salamin sa kanyang harapan.
"For now." Sagot nito na hinawakan pa siya sa magkabilang balikat. "But eventually, you will be." At humalakhak pa ito ng kaunti bago hinawakan ang kanyang mahabang buhok. "This gown will suit you more if you wear your hair up." At akmang itataas na nito ang kanyang buhok ng kaagad niyang pinigilan.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent Heartbreaker
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent Heartbreaker Name: Hyacinth Sabrina Evans Nickname: Yasi Codename: Striker Height: 5'7 ft Nationality: Filipino-A...