Everything comes with a price. Before she can have what she wants, she has to pay the amount first. And hurting herself by breaking her heart was one of it.
Ngayon lang ulit siya nakadama ng ganitong sakit sa kanyang puso. Huli niya itong naramdaman ay noong pinatay sa harap niya si Jade. Halos madurog siya noon dahil sa nangyari, ngunit nalampasan niya ang malagim na nakaraan dahil sa mga kasamahan niya.
Mas matindi ang sakit ngayon dahil siya lang magisa ang humaharap sa paghihirap ng kanyang puso. Wala siyang kaibigan na maaaring dumamay sa kanya dahil wala namang nakakaalam ng nangyari.
Bukod pa roon ay hindi naman siya namatayan, pakiramdam lang niya na para siyang namatayan. Mas mahirap kasi ngayon dahil siya ang nagpaalam at nakipaghiwalay. Kailangan niyang lumayo kahit ayaw niya para sa ikabubuti nito.
Alam niyang darating sa punto na maaaring magamit ang binata ng FLAW laban sa kanya. At iyon ang hindi niya gustong mangyari, ang madamay ito sa gulong dala-dala niya.
So even though it was fucking hurt, she did it. She let him go. Saying goodbye to him was the hardest and the most painful thing she had ever done. It was like killing herself by piercing her heart with a dagger.
Ang mga sumunod na araw sa kanya ay normal lang. Nagpaka-abala lang siya sa trabaho at mga misyon. Ni walang nakakahalata na may pinagdaraanan siya dahil sanay at magaling siyang magtago. Kung nakayanan nga niyang itago ang buo niyang pagkatao at ang madilim niyang nakaraan ay mas kaya niyang itago ang sakit sa kanyang puso.
Hindi tulad nina Archer at Sniper, na halatang may dinaramdam. Hindi kayang itago ng dalawa ang sakit na dala-dala dahil nakikita nila iyon mismo sa mga mukha ng mga ito. Hindi man sa kanila maamin ay halatang binago ng mga pangyayari sa kanya-kanyang mga misyon ang katauhan ng dalawa.
Nakabalik na din kasi si Archer galing sa misyon nito. At kagaya ni Sniper ay parehong may namagitan din rito at sa lalaking misyon nito. Talagang puro komplikasyon lang ang dulot ng pag-ibig kapag inihalo sa trabaho. Walang mabuting naidudulot.
Dahil kahit mismo si Hacker na seryoso dati sa trabaho ay nabihag din ng mahika ng pag-ibig, at ngayon nga ay parang baliw na patuloy sa paghahanap sa babaeng mahal daw nito. Na kahit pinapagalitan na ni Chief na siyang sarili nitong ama ay hindi pa rin nagpapa-awat ang binata na patuloy pa din sa ginagawa.
Kasalukuyan silang nasa headquarters na lima at naririnig niya na ipinapasama ni Einstein si Avi sa misyon ni Krae.
"Dagger will attend to this party and you will act as his fiancee who just came back from a vacation." Wika ni Chief.
"What party is this?" Si Archer.
"It's a party for the most influential businessman in the world. And for sure, a lot of guests will attend there. Even people with illegal businesses will show up. Sanford will attend for sure and we're looking forward for his associates too. That's your chance to get to know them and join their group." Si Chief na kay Dagger nakatuon.
"They are expecting me to attend. And Sanford told me himself that he will introduce me to his business partners. I'm gonna take that opportunity to get more info about them." Sagot ni Krae.
"Good. Just be careful you two." Payo ni Einstein. "If something goes wrong, retreat and don't do anything stupid. If you think that your mission has been compromised, just get out of there. Understood?"
"Yes, Chief." Sabay na sagot ng dalawa.
Narinig pa niya na inutusan din si Hacker na maging back-up para sa dalawa kaya't naka-ear piece ang mga ito upang marinig sa HQ ang mga mangayayari sa party.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent Heartbreaker
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent Heartbreaker Name: Hyacinth Sabrina Evans Nickname: Yasi Codename: Striker Height: 5'7 ft Nationality: Filipino-A...