Halos hindi na naman siya makausap nang matino ni Bricks dahil sa nangyaring paghaharap muli nilang dalawa ni Sapphire. Lahat ng mga sinabi nito ay tumatak sa kanyang isipan, lalo na ang tungkol sa binata.
Paano nito iyon nasabi? Kilala ba nito ang binata? May basehan nga ba ang paratang nito na ginagamit lang siya ng lalaki? At kung totoo naman, para saan siya gagamitin nito? Para makakuha ng impormasyon sa kanyang ahensiya? O sa dating organisasyong kinabibilangan niya?
If it is the latter, then he won't be needing to squeeze more info about that because she has already told him everything that has to do with FLAW. There's nothing left, except the exact place of the island.
Hindi rin naman siya sigurado na kung naroon pa rin sa islang iyon ang pasilidad. Maaaring lumipat na ito noon pa dahil wala na siyang balita tungkol roon.
Kung tungkol naman sa SIATT ang tinutukoy ni Sapphire, alagad ng batas si Bricks at alam niyang alam nito na International Security Agency iyon. Sekreto lang ang organisasyon nila at walang nakakaalam niyon kaya't imposibleng gagamitin siya ng binata para doon.
She shook that ideas in her head. She doesn't want to doubt his presence in her life. His actions must mean something else and not because he was using her for something. He's a good man and she believes in him. He will never hurt her.
Siya pa nga ang mas maaaring manakit sa binata dahil siya ang may problema sa kanyang pagkatao. Siya ang may sekretong itinatago kaya't siya ang may kailangan rito. Ginagamit niya ito dahil ito lamang ang nakakapagpagaan ng kanyang nararamdamang bigat sa dibdib. Ito ang nagpapasaya sa kanya ngayon at nagpapalimot sa kanyang masalimuot na nakaraan.
Pero gaya rin ng sabi ni Sapphire, hanggang ngayon ay tanong pa rin niya sa kanyang isipan ang pagkakaroon ng karapatan na maging masaya. Sa dami ng kasalanan niya ay may pag-asa pa nga ba siyang mapatawad? Kaya nga ba niyang mabayaran lahat at mahugasan ang mga kamay na nabahiran ng mga dugo ng mga taong kanyang kinitil?
Sa huli ay wala rin siyang nakuhang sagot. Sa dami ng tanong niya ay napapagod na siyang isipin at maghanap ng kasagutan sa mundo.
Pagkatapos ng ilang araw ay nagpasya na silang bumalik sa States dahil pareho na nilang kailangang bumalik sa kanya-kanyang trabaho. Pero nangako sila sa isa't isa na magkikita pa rin sila kapag parehong maluwag ang schedule nila.
When she came back, she told Chief that she failed her mission, and that there was no single trace left by the people she was looking for. It was a dead end. They are back from scratch- which is not entirely true for her.
Sinabi lang niya iyon upang hindi na niya kailangan pang ituloy ang ipinapagawa sa kanya. Mas mabuting magfocus na muna siya sa paggawa ng antidote para sa drogang tinatawag na Crimson death. Dahil pag nagawa na niya iyon ay wala nang pupwedeng maipanakot si Weber at madidiin na din nila ito sa mga krimen na pilit nitong tinatakasan.
Kung kaya't iyon ang kanyang pinagkaka-abalahan ngayon. Simula nang makabalik na siya sa kanilang Main Headquarters ay nagbababad na siya sa kanyang laboratoryo para magexperimento na, gamit ang mga bulaklak na nakuha niya noon sa Canada.
Naka-focus siya sa kanyang ginagawa nang pumasok si Sniper. Bibihira lang ang may pumapasok sa kanyang laboratoryo dahil ilag sa kanya ang ilang mga agents roon. Tanging ang mga teammates lang niya ang paminsan-minsang bumibisita sa kanya para usisain ang trabaho niya o di kaya'y may kailangan sa kanya.
Suspendido ang dalaga dahil sa kapalpakan na nagawa nito noong nakaraang misyon nito sa Pilipinas. Kung kaya't hindi na muna ito nabibigyan ng solong misyon ni Chief at kadalasan na back-up na lamang muna ito sa ibang mga kasamahan nila na nasa field.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent Heartbreaker
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent Heartbreaker Name: Hyacinth Sabrina Evans Nickname: Yasi Codename: Striker Height: 5'7 ft Nationality: Filipino-A...