Scars have the strangest power in reminding us that our past is real.
Yasi told herself as she was running her hand on the scar on his left shoulder. She got that from the fight when they attacked Weber and his organization. It's been months since it happened and there's been so many changes in her life and the life of all the agents of SIATT.
Mabilis ang naging mga pangyayari ng gabing iyon. Nagpakamatay si Joshua Weber dahil ayaw nitong magpahuli ng buhay sa kanila. Samantalang nakatakas naman ang kapatid nitong si Madame Pearl at ang tatlo pang mga alipores na bumubuo sa organisasyon nito. Kaya patuloy pa rin sila sa pagsasagawa ng manhunt at tumutulong pa din ang mga kapatid niya sa FLAW na sina Amethyst, Emerald at Ruby.
Nagpakalayo na din muna si Sapphire para ayusin ang sariling buhay. Ngayong malaya na ito mula sa kinalakihang samahan ay maaari na itong mamuhay ng normal at malayo sa madugong nakaraan. Dahil sa ginawa nitong pagtulong sa kanila ay hindi na ito isinama ni Chief sa dapat arestuhin na mga tauhan ng FLAW.
Hiling niya na sana ay pare-pareho na silang lima na magkaroon ng simple at tahimik na buhay. At sana gaya din niya ay mahanap na din ng mga kapatid niya ang mga tunay nitong pamilya.
Thinking back from her past, she cannot believe how everything changed so fast. Before, she was just a soulless murderer and a human weapon who does the killing for an evil man. Then she became an agent with a mission to renew herself by saving innocent lives. And now, she was back to where she belongs, to the family she was once taken away from.
Inalala niya ang lahat ng nangyari sa isip habang nakatingin siya sa puntod ng kanyang Ate Kassie.
"I wish things went different and maybe none of this would have happened if I had listened to you, Ate." Aniya habang lumuluha. "I'm sorry."
Hindi pa rin niya maiwasan na sisihin ang sarili dahil sa mga nangyari noon na naging dahilan kung bakit sila narito ngayon. Ngunit wala nang magagawa ang paninisi niya dahil hindi na niya maibabalik pa ang kahapon.
Naramdaman naman niya ang paghagod ng isang palad sa kanyang likuran. Nilingon niya ang may-ari niyon at mapait na nginitian.
"Stop crying. I'm sure your sister doesn't want to see you cry. Ngayon ka lang nakadalaw sa kanya kaya mas gusto niya na makita kang nakangiti." Wika ni Bricks sakanya.
Muli niyang nilingon ang lapida kung saan naka-ukit ang pangalan ng kapatid. Pinigilan na niya ang sarili na umiyak at nag-alay na lamang ng dasal para rito.
"I am known as Hyacinth now but in my heart, I will still be the Baby Kamila of the family." Mahinang sabi niya.
Hindi na niya pinabalik sa dati ang kanyang pangalan at hinayaan na lang siya ng ama at kuya niya na dalhin ang ginagamit ngayon. Nagkakilala na rin ang mga ito at ang mag-asawang kumupkop sa kanya na sina Harold at Cynthia.
Masaya siya na mayroon na siyang dalawang pamilya na matatawag. Wala na siyang mahihiling pa sa buhay dahil nasa maayos na ang lahat para sa kanya.
"And you are still my Baby Yasi." Singit naman ni Bricks sa kanya.
Kararating lang nila galing sa airport dahil dadalo sila sa mga kasal nina Archer at Ryder na sabay gaganapin bukas roon sa San Ignacio. Imbitado silang mga ka-team at iba pang mga naging malapit sa dalawa sa ahensiya kaya't kinuha rin niya ang pagkakataon na iyon upang madalaw na rin ang puntod ng kapatid.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent Heartbreaker
Narrativa generaleWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent Heartbreaker Name: Hyacinth Sabrina Evans Nickname: Yasi Codename: Striker Height: 5'7 ft Nationality: Filipino-A...