She immediately took off after she received the call. She didn't even bother to say a proper goodbye to Bricks and to his twin, Bridge. Her teammate needs her now, and she will never hesitate to help them.
Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan papunta sa lugar kung saan nakarehistro sa kanilang tracker. Ipinadala sa kanya ni Hacker ang lokasyon ni Archer na binabagtas ang daan paluwas ng Maynila galing sa Batangas.
Sa may boundary ng Laguna at Batangas banda huminto ang tracker ng dalaga kung kaya't mas minadali niya ang pagmamaneho dahil malapit lang naman iyon sa Tagaytay kung saan siya nanggaling.
Pagkaparada niya ay kaagad siyang bumaba ng sasakyan at nilapitan ang sasakyang lulan ng kaibigan. Luminga muna siya sa paligid bago kinatok ito upang pagbuksan siya.
Inalalayan niya ang babae at paupong isinandal sa malaking puno sa may tabi. Mukhang bahagya na itong nanghihina dahil sa labis na pagdurugo ng sugat nito. Kailangan na niyang turukan ito ng serum na ginawa niya bago niya lilinisin at tatahiin ang tama ng bala sa may baywang nito
"Do you have some shot in there to make me numb?" Tanong nito sa kanya na hindi na lang niya sinagot.
Dahil siguro sa panghihina ay hindi nito namalayan na tinurukan na niya ito ng serum upang mabawasan ang sakit at mapabilis ang pagbalik ng lakas nito. Yun nga lang ay mawawalan ito ng malay maya-maya na siyang reaksyon ng droga sa katawan ng tao.
Isa siguro iyon sa ipinagpasalamat niya na natutunan sa loob ng pasilidad ng FLAW, ang paggawa ng serum para sa kanilang mga agents. Mabisa ito at talagang malaking tulong sa kanila.
Napahiyaw ito ng kaunti sa sakit ng sinimulan na niyang tahiin ang sugat. Marahil ay hindi pa gaanong umeepekto ang droga kung kaya't ramdam pa din nito ang karayom na tumutusok rito.
Nang matapos na siya ay napapansin na niya na pumupungay na ang mga mata nito at halatang tinatamaan na ng gamot. Ngunit imbes na magpahinga ay nagpumilit pa itong tumayo at magmaneho.
"Let me do it." Wika ng lalaki na siyang kliyente ni Avi.
"I-I can.. do it." Pilit nitong sabi. "Thanks Striker. See you again." Baling nito sa kanya na tinanguan lang niya.
Kaysa panoorin ang mga ito na nag-aagawan kung sino ang magmamaneho ay tumalikod na siya para bumalik sa kanyang sasakyan. Naririning pa niya ang bahagyang pagtatalo ng dalawa na binalewala lang niya. Hindi pa siya nakakaalis nang matanaw niya sa side mirror ang pagkawala ng malay ni Archer at ang pagbuhat ng lalaki rito para maisakay sa sasakyan. Alam naman niya na nasa mabuting kamay ang dalaga kung kaya't hinayaan na lang niya.
Nasa daan na siya nang maisip ang sinabi ng binata sa kanya kanina. She is his future, and that changes something deep inside her. Ngayon, may nararamdaman na siyang iba, hindi na lang kahungkagan. At kung dati ay gusto niyang makaramdam ng kahit ano, kahit sakit, para lamang may maramdaman siyang iba, ngayon ay tila natatakot na siya.
Before, she was begging to feel anything, rather than the emptiness inside her. That she even thought pain is more likely better than not to feel anything at all. But now that she feels something, something more powerful and more alive, she's starting to get scared. She's terrified for what's going to happen next.
Natatakot siya dahil kakaiba iyon at hindi pa niya iyon naramdaman noon. Parang mali na tama. Parang dapat na hindi.
But being an agent and a former assassin, she's a risk taker, and she's willing to take the risk, if that's what it takes to be with him. And if this the one chance that she's looking for her entire life, then she's gonna make it count.
![](https://img.wattpad.com/cover/162709717-288-k828503.jpg)
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent Heartbreaker
Ficción GeneralWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent Heartbreaker Name: Hyacinth Sabrina Evans Nickname: Yasi Codename: Striker Height: 5'7 ft Nationality: Filipino-A...