Chapter Sixteen

2.1K 106 1
                                    

Hyacinth hugged herself when a cold breeze filled the air. She just finished reminiscing her past and she wasn't sure if she did the right thing in sharing it with Bricks.

Her dark past and the things she did before was still etched deeply into her soul. She couldn't wash away the stains of guilt and regrets for everything that has happened. Especially for those lives who were sacrificed just so she can have one.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kayang maging masaya at mamuhay ng normal dahil sa tingin niya ay wala siyang karapatan para doon. Naniniwala siya na dapat pa rin niyang pagbayaran ang lahat ng mga ginawa niya kaya't hindi siya pinapatahimik ng kanyang konsensiya.

Sa tuwing nagkakaharap o nagkakausap sila ni Chief o ni Hacker ay hindi niya maiwasang kasuklaman ang sarili. Siya ang dahilan kung bakit namatay si Stephen, at walang kaalam-alam ang lahat tungkol roon. Madalas nakikipagtalo siya sa kanyang isipan kung sasabihin ba niya ang totoo, lalo na sa kaibigang si Stewart. Pero paano niya gagawin iyon? Paano niya sisimulan?

Alam niya na hanggang ngayon ay pinipilit pa rin nitong alamin ang totoong pumatay sa kapatid nito at kung ano ang dahilan. Gustuhin man niyang tulungan ito ay nauunahan siya ng pag-aalinlangan, lalo na't mabubuksan din ang tungkol sa kanyang totoong pagkatao. At iyon ang ayaw niya, dahil kapag nagkataon ay baka madamay pa ang lahat kapag natagpuan siya ng dating organisasyong kinabibilangan.

Ayaw niyang may masaktan na naman o may magbuwis ng buhay ng dahil lang sakanya. Kung kaya't mas minabuti niya na umiwas na lang sa mga kasamahan at mas madalas na mag-isang magkulong sa kanyang laboratoryo. Tutal naman ay sanay na siyang mag-isa at sarili lang ang iniisip.

Hindi siya makapaniwala na sa tagal ng panahon na wala siyang pinagsabihan tungkol sa kanyang nakaraan ay mabilis niyang nailahad ang lahat sa binata sa kanyang tabi. Pakiramdam tuloy niya ay may binuksan siyang pintuan sa kanyang kalooban para makapasok ito. Pero sa huli ay mas pipiliin niyang muling isara iyon at ikandado, para na rin sa sariling kaligtasan nito.

"Wow.. that was a hell of a story." Komento ni Bricks pagkatapos ng ilang saglit na pagkakatahimik niya nang matapos na siya sa pagkukwento.

Hindi na niya ito nilingon pa upang makita ang reaksyon nito. Sapat na ang mabibigat nitong paghinga na basehan na nahihirapan itong namnamin ang kanyang kwento.

Sino nga ba naman ang kakayanin ang kwento ng buhay ko diba? Wala!

Wika niya sa isip habang tinatanaw pa din ang malawak at makukulay na tanawin ng Maynila mula sa kinaroroonan nila sa itaas. Natatandaan niya noon na dagat lang ang natatanaw niya sa isla at ilang beses niyang pinangarap na sana ay magbago iyon. At heto na nga siya ngayon, iba na ang nakikita, ngunit may kulang pa din.

"So... you never went back to that island and  they have never found where you are right now?" Tanong nito na inilingan niya.

"They never run after me because they already killed the people who could've helped me expose them. It was like they have sent me a warning which I took. Besides, they knew that I couldn't get back to my family because I can't remember anything, I can't remember who was I before."

Muli siyang nagbukas ng panibagong lata ng beer at saka niya tinungga iyon. Kahit nakaka-tatlo na siya ay wala naman nagbago sa pakiramdam niya. Kahit taon na ang lumipas na hindi na siya umiinom ng alak ay mukhang sanay pa din ang katawan niya doon.

"If only you can remember a bit about your past, even just your name, then it would be easier for me to help you." Anito na nagpalingon sa kanya rito. "But I'll try to dig up some info about that damn org and maybe I can find something that's related to your family."

S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon