Chapter Twenty Five

1.9K 92 0
                                    

She thought that she was always well prepared in whatever comes in her way. But this moment was like a bomb that exploded right in front of her face.

Is this for real?

She asked at the back of her head before heading out of their building instantly.

Kailangan niyang malaman ang totoo. Kailangan niyang makakuha ng kasagutan sa mga tanong na nag-uumpisang magsi-buo sa kanyang isipan. At iisa lang ang makakapagbigay linaw ng lahat ng iyon- walang iba kundi ang binata lang mismo.

She's pushing the idea away of him being the intruder. It's impossible. He's an FBI agent and a good one and she saw that.

Ngunit paano kung ang lahat ng ipinakita nito sa kanya ay pagkukunwari lamang? Na sinadya nitong magkakilala sila, magkalapit at magkamabutihan upang makakuha ng mga impormasyon sa kanya?

She shook her head to erase those ideas because she doesn't want to think bad about him. She can't think of him that way. She can't. Because if she will, then she will treat him as an enemy. And if he is indeed an enemy, then she will have to take him down.

Mabilis niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan pauwi ng bahay. Kailangan niyang makalipad agad pabalik ng Pilipinas, at ang pinakamabilis na paraan ay gumamit ng isang military turbojet plane.

Pagkarating niya ng bahay ay kaagad niyang hinanap ang ama-amahan na si Harold. Dahil dati itong military colonel ay may mga koneksiyon ito sa US army kaya't matutulungan siya nito sa kanyang binabalak.

"I've already contacted the airbase and they agreed to help you." Anito habang naghihintay ng paliwanag mula sa kanya.

"Thank you." Anas niya at saka nilingon ang ginang na walang imik simula kaninang dumating siya. "I'm sorry but this is a classified matter and I cannot disclose any information with you. I hope you understand."

"Of course we do, honey." Wika ni Cynthia na lumapit pa sa kanya upang pisilin ang kanyang mga kamay. "I'm just a little worried about you, but I'll be fine. I'm used to this kind of scenario during Harold's time in the military."

"Thank you again for understanding, but I really have to go now, I'm in a hurry." Aniya sabay bitbit na sa kanyang maliit na duffel bag.

Nagdala lamang siya ng pampalit na damit at mga armas dahil hindi niya alam kung ano nga ba ang madadatnan niya sa pupuntahan. O mas tamang sabihin na kung sino ang maaabutan niya roon. Isa nga bang kakampi o kaaway?

"Just take care of yourself and if you need anything, you can always count on us." Si Harold at iginaya na siya palabas.

Muli na naman niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan papunta sa military base ng US army. Pinapasok naman siya at itinuro na sa kanya ang jet plane na kanyang sasakyan.

"Airman First Class Argus Lowry, will be your pilot." Wika ni Chief Master Sargeant Taylor, na siyang kaibigan at koneksiyon ng kanyang ama-amahan roon. "If you still need more assistance from the US air force or the army, just let me know."

"I will. Thank you Sir." At sumaludo pa siya.

Sumakay na siya sa loob ng military turbojet at tahimik na siya sa buong durasyon ng kanilang lipad. Mabuti na lang din at tahimik na tao si Argus at iba pang mga sundalo na kasama nila kaya't wala siyang naging problema rito.

"I've got a clearance landing on Sangley Point Airport in Cavite. It is the closest one to your pin location." Wika sa kanya ni Argus.

S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon