Warning: There are violence and some disturbing scenes that may not be suitable for you. Please read at your own risks.
They were all so keen on listening to what Jade has to say about escaping from the prison island they are in.
Yes, it is dangerous and they might get killed in the end but that's the risk they are all willing to take in order for them to get away from that hell place.
Bukas ng gabi nila balak gawin ang pagtakas, at isasabay nila iyon sa pag-alis muli ni Jade upang magsagawa ng panibagong misyon. May nakilala raw ito na handang tumulong para pabagsakin ang organisasyon ng FLAW. Iyon din ang tutulong sa kanila para maibalik sila sa kanya-kanyang pamilya nila.
Sinabihan na din nila ang iba pang mga kasamahan dahil hindi nila pupwedeng iwan ang mga ito roon. Lahat naman sila ay iisa ang gusto- ang makaalis na roon. Kung kaya't kahit alangan sila ay isasama nila sina Onyx sa pagtakas.
Mas madali kasi silang mahahalata dahil lahat na sila mawawala at tatakas. Kaya kailangan nila na mag dobleng ingat para maisagawa ang plano.
Kinabukasan ay umakto lang silang normal buong araw . Sinunod lang nila ang schedule ng mga training at mga subject na dapat pag-aralan. Pagdating naman sa gabi ay ginawa nila ang nakatokang trabaho sa kanila. At bago sila bumalik sa kanilang trabaho ay nakita nilang nag-aayos na ng gamit si Jade dahil maya-maya pa ay aalis na ito para sa misyon.
Tinanguan lang sila nito at ganoon din ang ibinalik nila. Dahil sa mga trainings nila ay natuto na silang makipagusap kahit mga mata lang ang gamit. At sa pag-uusap na iyon ay nagka-intindihan na sila na tuloy na tuloy na ang plano nilang pagtakas.
Pagdating nila sa loob ng kwarto ay nagsipag-ligo na sila at nagpalit na ng damit. Ngunit nagkunwari lang silang matutulog na. Dahil sa pagpatay ng ilaw sa kwarto ay kaagad silang nagkumpulan na. Nagsesenyasan sila kung ano ang dapat gawin.
Katulad ng mga dating kasamahan na nagtangkang tumakas ay doon din sila dumaan sa air-vent. Siya ang unang pinaakyat bago nagsi-sunod ang iba. Dahan dahan silang gumapang hanggang sa makalabas sila sa pinakadulo ng air-vent, na nasa may bubong ng gusaling iyon.
At dahil nasa ibabaw sila ng bundok ay mas madali lang silang makakapagtago sa mga naglalakihang puno roon. Umiiwas sila sa mga CCTV katulad ng bilin sa kanila ni Jade.
They were trying so hard to avoid making unnecessary noises as much as possible. So that they won't catch any attention from the guards and from the noise detector around the place.
Dahan-dahan nilang tinahak ang daan pababa ng bundok para makarating sa dalampasigan kung saan naghihintay sa kanila ang maliit na speedboat na gagamitin ni Jade.
Habang pababa sila ay di naiwasang makagawa ng ingay ang isa sa kanila kaya't kinailangan nilang dumapa at magtago dahil nakaagaw sila ng atensyon mula sa isa sa mga guwardiya nila roon.
Nagkatinginan sila ni Ruby na nasa kabilang dako at sinenyasan niya ito na tumahimik at huwag gumalaw para hindi makagawa ng ingay. Naroon na kasi sa pagitan nila ang mga paa ng guwardiya na halatang naghahanap sa kung saan nanggaling ang narinig na paggalaw. Kahit ang bibig niya ay tinakpan niya upang hindi marinig kahit ang simpleng paghinga niya.
Palingon-lingon pa rin ang lalaki hanggang sa may lumitaw na isang squirrel sa may puno at nakagawa iyon ng kakaibang ingay. Saka lamang umalis ang lalaki nang inisip na siguro na doon nanggaling ang narinig kanina.
Nang mawala na sa paningin nila ang guwardiya ay kaagad na silang bumalik sa pagtahak sa daan. Kailangan din kasi nilang magmadali dahil may oras silang sinusunod.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent Heartbreaker
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent Heartbreaker Name: Hyacinth Sabrina Evans Nickname: Yasi Codename: Striker Height: 5'7 ft Nationality: Filipino-A...