Her short-lived dream was through but she will treasure that first experience till death. Maybe in the next life time, she can meet him again and exchange names with him.
Kung naging iba na lang sana ang buhay niya ay hindi niya iniwan ang lalaking nakatalik niya noong isang gabi. Susundin niya ang sinabi nito na mag-uusap sila pagkagising para pormal na magpakilala sa isa't-isa. At magiging masaya siya dahil wala siyang itatago rito tungkol sa kanya.
Subalit hindi ganoon ang kasalukuyang buhay niya ngayon. Isa siyang masamang tao na walang pangalan at walang nakaraang maalala. Hindi siya karapat-dapat na kilalanin ng lalaki dahil sigurado siyang matatakot ito sa kanya kapag nalaman nito ang tungkol sa kanyang pagkatao at sa kanyang mga nagawa- at mas lalo na sa kanyang mga gagawin pa.
Ngayon na ganap na silang mga 'Gem' ay mabibigyan na sila ng mga misyon na kakailanganin nilang gawin sa loob lamang ng itinakdang oras. Susundin nila iyon nang hindi kinikwestiyon ang dahilan.
"Now that you're all a certified Gem, remember everything that we've taught you." Boses ni Madame Pearl na nagmumula sa itaas kung saan ito nakatayo at nakatingin sa kanila sa ibaba.
Nakahilera silang lahat at direcho lang ang kanilang tingin sa salaming nasa kanilang harapan. Doon kita nila ang kanilang mga sarili at kitang-kita na niya kung gaano na sila binago ng lugar na iyon.
Simula sa mga iyaking mga bata hanggang sa mga wala nang kinakatakutan na mga babae na handang gawin ang lahat ng iutos ng organisasyong kinabibilangan-kahit pa ang pagpatay. Ganoon na sila kaiba sa dating sarili.
They are not weak girls anymore, they are certainly far from that. They are far more powerful than ordinary women, they are better. Better in everything. And everyone should be afraid of them- especially men.
"Never assume that your target is the only target. Follow the trail wherever it leads you, and sacrifice whatever it is to be sacrifice." Patuloy ng ginang. "Serve well and with honor."
Pagkatapos ay isa-isa na silang binigyan ng mga folder kung saan nakalagay ang kanilang mga misyon. At ang unang target niya ay isang businessman na taga Russia na kailangan niyang mapatay na hindi halatang sinadya, sa loob lamang ng limang araw.
Lahat sila ay isinakay na sa chopper para ihatid sa airport para magkanya- kanya na silang punta sa mga bansang paggagawaan nila ng mga misyon. Ito na ang unang araw nila para gawin ang lahat ng mga natutunan sa isla. Ito na rin ang unang araw sa maraming taon na magdadaan upang marating nila ang katapusan. Ang katapusan ng serbisyo nila sa FLAW.
Iyon na lang ang iniisip nilang lahat. At lahat sila ay handang maghintay para sa araw na palalayain na sila at hahayaang mamuhay ng normal. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata upang namnamin ang bawat segundo bago niya isagawa ang unang misyon niya.
Hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyari dahil basta na lang niyang natapos ang kanyang trabaho. Sa pangalawang pagkakataon ng pagkitil niya sa isang buhay ay unti-unting may nababawas din sa kanya at alam niya na balang araw ay magigising na lang siyang ubos na ang kung anumang mayroon siya sa kanyang pagkatao.
Naging matulin ang paglipas ng panahon at sa dalawang taon ay nasanay na sila sa mga ginagawa. Hasa na siya sa pagiging mahusay na mamamatay-tao. Sa edad niyang bente anyos ay hindi na niya mabilang sa kamay ang mga napatay niya.
Tama nga si Aquamarine na darating din ang araw na kaya na niyang pumatay kahit pa nakatitig siya sa mga mata ng kanyang biktima. At darating din ang araw na wala na siyang mararamdamang konsensiya at pagsisisi.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent Heartbreaker
Fiction généraleWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent Heartbreaker Name: Hyacinth Sabrina Evans Nickname: Yasi Codename: Striker Height: 5'7 ft Nationality: Filipino-A...