Chapter Nine

2K 85 4
                                    

Flashback

She's crying silently together with the other girl beside her. She knows that they both can't see anything because they were blind folded.

"Let's hold hands." Bulong niya sa katabi.

Agad naman itong humawak sa kamay niya. Halos magkasing-laki lang ang kanilang mga kamay kung kaya't alam niyang hindi naglalayo ang kanilang edad na dalawa.

Naguguluhan siya. Wala siyang maintindihan sa nagyayari. Ang ingay lang na nagmumula sa elisi ng helicopter ang bukod tanging naririnig niya. Ni hindi niya alam kung ilan ba silang sakay roon at kung saan ang kanilang patutunguhan.

Nang maramdaman niya ang paglapag nila sa lupa ay humigpit ang hawak niya sa kamay ng katabi at ganoon din ito. Kinakabahan siya at mas lalong lumalakas ang kanyang pag-iyak, kung kaya't sumabay na din ang katabi niya sa kanya.

"Stop crying!" Sita sa kanila ng isang babae na kasama nila sa loob. "If you don't  stop, I will punish you and you won't like it."

Nanlamig ang katawan niya sa takot kung kaya't impit na naman ang kanyang iyak.

Narinig niya ang paghina ng tunog ng elisi at ang pagbukas ng pintuan. May humawak sa kanya at binuhat siya para siguro bitbitin sa kung saan ito pupunta. Nang ilapag siya sa lupa ay tahimik lang siya habang pinakikiramdaman ang paligid.

Ilang saglit pa ay tinanggal na ang piring niya sa mga mata at nang idilat niya ay hindi siya kaagad makakita dahil sa liwanag na nagmumula sa araw. Nasa labas sila at ramdam niya ang malakas na hampas ng hangin sa kanyang katawan.

When she tried to open her eyes and focused it towards her surroundings, she saw that there were several armed men surrounding them. Then she saw a woman in front of her, she's beautiful but she looks so scary because she wasn't smiling at all.

"Now listen to me very carefully, you two." Sabi nito na nagpalingon sa kanya sa kanyang tabi. Nagkatinginan sila ng isang batang babaeng mukhang kasing edad lang din niya. "I know that you are still unable to understand what was happening here, but you will be enlightened as the day goes by." At saka ito humakbang papunta sa kanila.
"You were among the chosen ones. You both are special, and you have a higher purpose that you need to do when you grow up." At ngumiti ito sabay haplos sa kanilang mga mukha. "In this facility, we will train you on how to become the best among the rest. You will not be just an ordinary girls, you will be my precious gems." At pagkatapos ay tumingin ito sa mga armadong lalaki at saka tinanguan ang mga ito. "It's time for them to meet the others."

Kaagad namang may humawak sa kanyang braso at saka siya hinila. Halos makaladkad siya dahil sa marahas nitong pagkakahila sa mumunting katawan niya. Nang marating nila ang paanan ng bundok ay mayroong kweba roon at pagpasok nila ay may isang elevator roon.

Paakyat sila at hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa itaas. Pagbukas ng pintuan ay bumungad sa kaniya ang mga puting pader. Nasa loob marahil sila ng isang malaking gusali. Maraming mga pintuan silang dinaanan at nang makarating sa dulo ay doon sila ipinasok at iniwan.

Agad namang tumabi at humawak sa kamay niya ang kasamang batang babae kanina pa. Nagulat sila pareho dahil may ibang mga batang babae rin ang nasa loob ng kwartong iyon at nakatingin sa kanila.

"Kayong dalawa lang ang dala nila?" Tanong ng isang batang babae roon na tinanguan lang niya.

"Ssssshhhhh! Stop talking or else we will all be punished!" Sabat naman ng isa pa.

Malawak ang kwarto at may tig-iisang kama silang lahat roon. Kung bibilangin niya ay lampas dalawampu na siguro silang lahat, at halatang hindi naglalayo ang kanilang mga edad. Hindi pa rin niya alam kung bakit sila naroon at kung ano ang kanilang gagawin roon.

S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon