Chapter Ten

2K 87 0
                                    

Warning: There are violence and some disturbing scenes that may not be suitable for you. Please read at your own risks.

Days turned to weeks and then it turned to months. It passes by so quickly that it was already two years since she has arrived at that horrible place. But for her and the rest of the other girls, every moment feels like an eternity of hell on earth.

They doesn't have any break from their training. They have to get better and better each day because the tasks- it gets harder every passing day.

Habang tumatagal siya roon ay mas lalong namumulat siya sa kakaibang paraan para manatiling buhay. Wala na talaga siyang matandaan sa kanyang kabataan, maski na ang sariling pangalan. Dito na nga siya marahil nagkaisip sa loob ng pasilidad at dito na rin niya natutunan ang maraming bagay.

At the age of six, she was already taught how to fight and protect herself using her knowledge in some martial arts. They mastered first the basics in Karate and Kung Fu.

Iba na talaga siya kumpara sa isang normal na bata. Na imbes mga laruan gaya ng manyika at lutu-lutuan ang kanyang nilalaro at hinahawakan ay mga baril, kutsilyo at iba pang mga sandata para sa pagpatay ang hawak na niya ngayon.

Maaga silang gumising ng araw na iyon. At nakapagtataka na matagal ang oras nila sa pagkain ng almusal at hindi pa sila tinawag para magensayo sa labas. Mas lalo tuloy siyang kinakabahan kapag ganito kaluwag ang pagbibigay sa kanila ng oras. Ibig sabihin kasi niyon ay may nag-aabang na mabigat na ensayo o pagsusulit mamaya.

Lumipas ang ilang saglit bago sila pinapila at pinapunta sa isa sa mga training room doon. Pagpasok nila ay may tig-iisang mesa silang lahat roon. At sa ibabaw niyon ay may mga kulungan na ang laman ay mga kuneho.

"Find your place." Sigaw sa kanila ng isa sa mga trainer nila roon.

Kaagad naman silang nagsi-takbuhan upang hanapin ang pangalan nila sa ibabaw ng mesang naka-assign sa kanila. Nasa pangalang hanay sila ni Twenty Two, samantalang si Twenty Eight ay nasa pang-apat na kasunod si Seventeen na nasa pinakalikod at si Twenty Six ay nasa pinaka-harap.

Alam niyang kinakabahan ang bunso nila dahil lumingon pa ito sa kanila na tinanguan lang niya upang maiparating rito na ayos lang at huwag itong matakot. Nabaling lang ang tingin nila sa harap nang bumukas ang pintuan at iniluwa roon si Madame Pearl kasama si Jade bilang kanang kamay nito at si Aquamarine naman bilang kaliwa.

"Okay girls, grab your bunnies and hold them tight so they won't jump off." Utos sa kanila ni Madame.

Lahat naman sila ay agad sumunod at inilabas mula sa kulungan ang mga hayop. Napangiti siya dahil mukhang maamo ang napunta sa kanya. Hinahaplos niya ito habang yakap niya, at halatang nagugustuhan naman iyon ng kuneho. Pakiramdam niya ay nagawa na niya ito noon, ang magkaroon ng alagang hayop na ikinasaya niya.

"So how do you find your new pet?" Tanong sa kanila ng ginang.

Kanya-kanya silang sagot at lahat ay pawang masaya at tuwang tuwa dahil sa mga magiging alaga nila. Si Twenty Six nga ay humahagikgik pa sa pagkakayapak sa sarili nitong alaga. Nag-iisip na siya ng pangalan na maiibigay rito nang muling magsalita si Madame.

"I'm glad that you liked them." Nakangiting wika nito na biglang naglaho. "Now, I want to see how are you gonna torture them slowly, until they ran out of breath."

Lahat sila ay natahimik at napaawang ang mga bibig dahil sa narinig. Napahigpit ang pagkakayakap niya sa kuneho na para bang mapoprotektahan niya ito sa kung ano man ang susunod na mangyayari doon.

S.I.A.T.T. Series Book 5: The Silent HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon