TRIPPLE SHOTS PROLOGUE

376 185 3
                                    

PROLOGUE

ARIANA'S POV

Binibilisan ko ang takbo para hindi ako mahabol ng mga taong gusto ako, kaming saktan. Hindi ito pwede, hindi ako pwedeng mamatay. May misyon pa ako. MAY MGA MISYON PA AKONG KAILANGANG TAPUSIN!

Nandito kami ngayon sa abandonadong lugar at ngayon ko na sana mababawi ang mga dyamanteng ninakaw ng mga Terorista ngunit sa kabobohang pagkakataon nahuli ako. Bakit kasi maputi akong tao?

Nagtago ako sa isang malaking kahon, laman nito ang mga baril pero ayos lang, hindi naman ako nito papatayin kung walang kakalabit. May mga maliliit na butas sa kahon, sapat na upang makasilip ako sa labasan at malaman kung may kalaban bang paparating.

*BANG!*

Isang malakas na putok ng baril ang aking narinig. Ano ang nangyari? May kakampi ba akong dumating? Dahil sa pagkaka alam ko, mag-isa akong sumugod dito.

Sinilip ko ang aking baril kung mayroon pang bala ngunit wala na. Kumuha nalang ako ng isang shotgun kung sakali mang may umatake sa akin mula sa likod, kailangan kong malaman kung ano ang nangyari.

Mula sa aking pinagtataguan, kumanan ako dahil may daanan doon. Pagkakanan ko ay nagulat ako sa aking nakita.

"Briana? Criana?!" Gulat kong sigaw. Wala akong paki kung marinig ako ng mga terorista. Papatayin ko sila. Nilapitan ko ito upang malaman kung sino siya.

"A-ako this si Criana. Ano ba you? A-ahh!" Mahinang sabi niya habang hinahawakan ang tagiliran niya.

"Ano ka ba? Ano ang ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ko siya makilala noong una. Gimagaya noya kasi ang suot ko eh. Long sleeves na crop top na black, shorts na black pati ang sapatos ay black, same as mine. Pati ba naman 'yung buhok ginaya eh. Gray tapos naka high-ponytail pa.

May tama siya ng baril sa tagiliran niya, mukhang siya ang binaril kanina. Nako, ang kambal ko.

"Cricri, kaya mo pa ba? Dalhin kita sa hospital ah?" Sabi ko at agad na pinasan siya. K-kahit ang b-bigat. Whooh! Ang hirap huminga.

"Malamang. A-alangan naman sa m-morgue agad. Jusko, Let me live for a while." Nagawa pa talaga niyang magbiro ano?

"Teka? Nasan ba ang mga terorista? Baka pati ako mamaya ay mabaril na rin hindi ako makalaban." Kabado kong sabi. Maglalakad na sana ako kaso naalala ko ang mga tinataguan ko kanina.

"Wala na sila. They left na kasama ang mga shining diamonds. Sayang hindi pa ako naka n-nakaw k-kahit isa." Hirit pa niya.

"Tumigil ka nga!" Nagsimula na akong maglakad upang makalabas na dito. Mamatay na lang ito, kasosyalan pa rin ang iniisip, magnanakaw pa nga. Kaya siguro ay nabaril. "Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?" Pagtataray ko.

"O-obviously, ginaya kita para lituhin ang mga teroristang monkey. Kaso ligwak! Nabaril agad ang lola mo." Sabi pa niya.

"Ang bigat mo! Bawas-bawasan mo pagkain mo pag gumaling ka na." Pagtataray ko ulit.

-

Pagdating ko sa hospital ay agad na siyang isinugod sa Emergency Room, nagmamadali sila at si Criana ang inuna dahil agaw buhay na nga ito.

Pagkatapos nito ay tinawagan ko si Daddy.

"Yes hello? Anak? Succesful ba ang---" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Daddy pumunta ka sa Perpetual Hospital, si Criana nabaril." Walang emosyon kong sabi. Teka hindi sa hindi ako nag-aalala ngunit ganito talaga ako magsalita. Hindi nagbabago.

"What? Okay I'll be there." Daddy said. Oras na para tawagan si Mommy, pero nasa Korea pala siya, mag-aalala lang. Si Daddy na lang ang bahalang magsabi sa kanya.

Pumunta ako sa simbahan ng hospital at nagdasal.

Lord, wag muna ngayon, kailangan pa namin siya.

Simple kong dasal. Huwag muna sana kuhain si Criana, iiyak talaga ako.

Isang ala-ala ang bumalik sa aking isipan noong kami ay 13 gulang

~•~•~•~•

Umiiyak si Criana dahil iiwanan namin siya ni Briana sa bahay nina Lola Mercedes at Lolo Dominic sa America

"Uy mga sizzy! Why ganitez namern? Iiwan niyo ako here huhu!" Iyak niya talaga.

"Choose, you will be going with us, work and will be a spy, haha. No! You are not going there! Don't sacrifice yourself in this work. I know that we need to be spy but, except you. You will be the last one to die in our family!" Mataray na pagkakasabi ni Briana.

Ayaw kasi namin siyang pasamahin dahil tiyak na ikamamatay niya. Si Criana ay malakas lamang manakit gamit ang mga salita niya, ngunit mahina pa siya. Hindi katulad namin ni Briana.

"Oo. Wag ka ng umarte." Maiksi kong sabi. Baka umiiyak na naman ang iyakin na ito.

"Your name shouldn't be Criana, it should be Cry-ana!" Sabi ni Briana at tumawa.

"Ehhh! Eh you! Bagay sa'yo first letter ng name mo, B for Brat-ana dapat. Spoiled brat ka kasi!" Laban ni Criana kahit na umiiyak na.

"What about Ariana?" Tumimgin sa akin si Briana at Criana.

"Ariana, A bagay para sa Ate. Ate niyo ako hindi ba." Ngumiti ako sa kanila. Hindi sila kasama sa mga taong itatrato ko ng cold.

"Hindi! A is for Aswang. Right ba Briana?" Natatawang sabi ni Criana. Ayun! Atleast tumawa na siya.

"Oh yes! HAHAHAHAHA!" Kung makatawa itong dalawa akala mo wala ng bukas eh.
~•~•~•~•

Importanteng mga alaala ito para sa akin dahil pagkatapos ng araw na ito kami ay naghiwahiwalay na.

Lumabas na ako ng hospital at nakita ko na si Daddy na malungkot ang mukha. Nako, hindi ito pwede.

"Ariana, ang k-kapatid mo..." naiiyak na sabi niya.

"Daddy ano? Sabihin mo." Sigaw ko dahil ayaw kong marinig ang sasabihin ni Daddy kung ito ay malungkot na balita.

"Na c-comatose sya." Umiyak pa si Daddy.

Hayst. Huminga ako ng maluwag. Akala ko ay patay na eh, comatose lang naman pala. Oo, alam kong critical rin 'yun pero mas okay na iyon kaysa sa namatay. May tama rin pala ng baril ang kanyang ulo.

"H-hindi ito pwedeng malaman ng mga terorista na buhay ka pa." Ano ang dapat kong gawin? "Magpanggap ka muna bilang siya. Si Criana."

#

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon