30: SAVE BRIANA
ARIANA'S POV
Kasalukuyan pa rin kaming bumabyahe at hindi pa nararating ang aming destinasyon dahil may kalayuan pala iyon. Habang tumatagal ay mas lalong nagiging delikado ang buhay ni Briana. Tinitingnan ko ang mga gusali sa labasan. Tulog na ang mga kasama namin sa likuran. Kami na lang ni Theo ang gising dahil siya ang driver dito. Kanina pa pala siya nagdadrive, ako na kaya muna?
Hinarap ko siya at napansing seryoso siyang nagmamaneho. Gustong-gusto, gigil na gigil na talaga siyang makita ang kambal ko.
"Theo. Ako na muna ang magmamaneho. Matulog ka na muna." Sabi ko sa kanya. Hindi kasi ako dinadapuan ng antok.
Nilingon niya ako saglit at tumingin muli sa harapan niya. "I'm a gentleman, Ari. I won't let a girl drive for me." Pagod siyang tumawa.
"Ang gusto ko lang naman ay makapag pahinga ka na muna. Ako na muna dahil hindi pa ako inaantok." Sabi ko sa kanya. Alam kong pagod na siya, ayaw niya lang magsalita.
"It's okay. Like you, hindi rin ako makakatulog kung iisiping nasa panganib ang buhay ni Briana. Mahalaga talaga sa akin ang kambal mo." Seryosong sabi niya habang nagmamaneho. "I can't forgive myself if may mangyaring masama sa kanya."
Napabuntong hininga ako. Mukhang wala na akong magagawa. Tiningnan ko amg cellphone ko and it's already 2:00am. Pareho kaming wala pang tulog ni Theo. 10 pa kami ng gabi umalis. Binigay ni Dennise ang address kanina bago sya antukin. Tagong-tago talaga. Ganoon kaduwag si Amethyst.
"Matulog ka na muna. Baka mamaya ay antukin ka pa." Nakangiting sabi ni Theo. "Natulog ako kaninang 2 pm, sa tabi ni Briana kanina so don't worry about me." Sabi niya sa akin.
Kaya naman pala napasagot si Briana ay dahil napakabuting tao nitong si Theo at tunay na lalaki. May punto siya at dapat na matulog nga muna ako.
NAGISING ako nang maramdaman ko ang paghinto ng aming sinasakayan. Tiningnan ko ang bintana at napansin ang pagliwanag ng kalangitan. Anong oras na kaya?
"Ariana, nandito na tayo." Si Janelle ang nagsalita. Tiningnan ko sila sa rearview mirror. Mga nakaayos na sila. Si Dennise ay napansin kong nanginginig ang kanyang mga kamay. Si Ruby naman ay namamaga ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak. Nagtama ang aming mga mata at binigyan ko lamang siya ng malamig na tingin. Nailang siya kaya umiwas ito ng tingin.
"Lumaban na tayo." Utos ito na dapat nilang sundin. Maangas kong binuksan ang pintuan ng kotse at maingay itong isinara gamit ang patalikod kong pagsipa dito.
Isa-isa naman na silang bumaba. Maliban kay Ruby na palaging bantay sa amin at back up. Inayos na niya ang sarili niya sa loob.
Lumakad na kami papunta sa mansyong puti mula sa hindi kalayuan. Handa na akong lumaban, para kay Briana, kay Criana, sa akin at sa lahat.
-
Pumasok kami sa harapan ni Dennise, 'yung dalawa naman ay syempre sa likod. Hahanapin nila si Briana, kami ay guguluhin namin si Amethyst.
Kasaluluyan kaming nasa labas ng kwarto ni Amethyst.
"Ariana, I guess we've become friends so, Ariana my friend ako na muna ang papasok sa loob ah?" Sabi niya. Umiling naman ako.
"Hindi. Wala ka bang tiwala sa akin?" Sabi ko. Wala naman siyang nagawa kaya pinapasok na lang niya ako.
Malawak ang kwarto at kulay bloody red ang kwarto. Agad akong pumasok sa ilalim ng lamesa. Tiningnan ako ni Dennise at sinenyasan siyang manahimik. Aba may plano ako dito ah. Kinuha ko ang bag pack sa likuran ko at inihanda na ang 45 na baril ko.
BINABASA MO ANG
TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)
Teen FictionThree faces Three personalities Three bodies One heart Tripple Shots Si Ariana ay hinahabol ng mga terorista, sinundan siya ng kapatid niyang si Criana. Instead na siya ang mabaril ay si Criana ang nabaril dahil sila'y kambal. Graduating student si...