CHAPTER EIGHTEEN: Ariana

83 109 0
                                    

CHAPTER 18: Ariana

ARIANA'S POV

"25, next."

Kabado akong tumayo. Grabe ah? Dito pa ako kinabahan. Mamaya pa daw iaannounce kung sino ang mga pasok, kapag tapos na kaming lahat. Amg dami namang alam.

Kinakabahan akomg lumapit paakyat sa stage. Wala akong kahit na ano, ipapahiya ko lamg si Criana eh. Paglingon ko sa kaliwa ko ay mayroong isang lalakimg may hawak ng electric guitar. Kung sinuswerte ka nga naman oh. Hahaha.

"May I borrow your guitar for a while?" Tanong ko sa lalaking pormang rockstar ang datingan.

"Woah! Look guys! It looks like Criana will play a guitar for audition." Sabi niya at iniabot ang electric guitar niya.

Ay hindi, ihahampas ko 'to sa ulo mo. Obvious ba?

Umakyat na ako sa stage at nakasabit na ang gitara sa leeg ko.

"Go Yana!" Sigaw ni Jm. Napatingin ako sa kanya. Loko talaga 'to, patay siya kay Justin ko. Kay Criana pala, sorry.

"Go Cricri!" Sigaw ng crowd kasama si Dennise.

"Marunong pala siya mag guitar?" Gulat na sabi ni Dennise. Ngayon mo lang narealize? Kanina ka pa sumisigaw.

Tumalikod muna ako dahil nahihiya ako. Nag istrum ako na ako at nagpalakpakan sila.

Okay, oras na para si Ariana ang humarap. Itinanggal ko amg tali pagkatapos kong mag strum.

"Whoooh Rock N Roll!" Sigawan ng mga crowd.

"Hey babe, nice one!" Sabi ni Justin.

"San darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawa
Kung lumisan ka, wag naman sana
Ika'y kumapit na, nang di makawala" Dahil sa tagalog kong lyrics ay napatigil sila dahil hindi nila ako naintindihan

"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo’y magiging ikaw
Wag mag-alala kung nahihirapan ka
Halika na, sumama ka
Pagmasdan ang mga tala
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo'y magiging ikaw" Nagpalakpakan sila.

Nag istrum pa ako ng pang malupitan para talagang humanga sila.

"Limutin na ang mundo
Nang magkasama tayo
Sunod sa bawat galaw
Hindi na maliligaw" Minsan lang naman ito eh, minsan lang ako magpakita ng talento kaya't lulubus-lubosin ko na.

Palakpakan na may kasamang hiyawan ang naganap. Isinisigaw nila ang pangalang Criana Del Mundo. Gusto ko sanang sabihin na 'everyone, my name is Ariana not Criana' kaso wag na lang.

Kung makapalakpak ay akala mo naiintindihan nila ako. Nakanganga nga lang sila sa akin eh.

"Mundo'y magiging ikaw." Pagtatapos ko ng performance ko. Nakatingin ako kay Jm at nginitian siya, ngunit sumulyap rin ako kay Justin at napangiti siya. Nawala ang ngiti ko. Naguguluhan na ako.

BRIANA'S POV

"EVERYONE let's all celebrate for the victory of the Genius5 + 1" Nagpalakpakan naman sila sa sinabi ni Agent hero.

Nandito kami ngayon sa Mars Universe, VIP only. Kasama ako, si Janelle, si Ruby at syempre si Theo.

"And Beryl is now dead because of Briana!" Masayang sabi ni Theo. Sinimangutan ko siya. "Hoy! Diba best friends na tayo?"

"Of course not!" Inis na sabi ko sa kanya. "Feeler!" Sabi ko at mukha naman siyang napahiya. Nakonsensya tuloy ako. Yes, I have that.

"May we call on AgentMariaB on the stage for her award for killing Beryl." Sabi ni Agent Meteoroid. Pangalawa kay agent Hero.

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon