CHAPTER 20: Criana's comeback
ARIANA'S POV
Sem break na namin, ngunit imbes na magpahinga ay parang hindi ko magagawa. Nandito kami ngayon ni Justin sa ere, oo, lilipad kami patungo sa Pilipinas dahil ito ang gusto niya. Ang bilis ng mga pangyayari, ngayon buking na nila akong lahat. Aaminin ko, masakit. Lalo na't napapalapit na sila sa akin.
'Yung project namin nila Briana? Ayun iniwan ko na muna. Sila na daw muna ang bahala at intindihin ko muna ang personal na problema ko. Nagpapasalamat ako dahil doon, lahat sila'y nakakaunawa. Maging si Briana.
'I'll sleep. Wake me up if we're already in the Philippines." Sabi ni Justin sa kanan ko. Tumango na lang ako at tumingin muli sa bintana.
Kung tutuusin napakalapit ko ngayon sa bughaw na langit ngunit parang ang layo ko pa din. Sa dami ng kasalanan ko, saan kaya ako mapupunta kung mamatay ako ngayon? Kaya hindi pa ako pwedeng mamatay ngayon eh, hindi pa ako nakakabawi. Hindi pa healthy ang kaluluwa ko. Magpapatanda pa ako.
Kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Sa totoo lang, natatakot akong umuwi. Makita si Brina. Malaman niya ang totoong nangyari. Naduduwag ako.
MAKALIPAS ang ilang oras ay nakalapag na kami sa airport. Si Justin? Tulog pa rin. Ilang araw na siguro itong puyat. Umiiyak din ba ang isang ito? Ang mga mata niya, ang nagsasabi. Halatang-halata. Pakiramdam ko'y kasalanan ko.
"Nandito na tayo." Panggigising ko sa kanya. Sabay kalabit. Ngunit hindi pa rin siya nagigising. Hinampas ko siya nang malakas sa braso niya.
"Aray!" Agad siyang napaupo. "Are we in the Philippines?" Tanong niya. Tumango ako.
Bumiyahe na kami patungo sa penthouse ko. Dito ko na muna siya patutuloyin pansamantala. Ako? Uuwi na lang muna ako. May bahay naman kami eh.
"Ilapag mo na lang ang mga gamit mo diyan." Sabi ko sabay turo sa kabilang kwarto. Tatlo kasi ang kwarto ko dito. Yung una ay kwarto ko talaga, yung pangalawa, guest room, yung panghuli ay secret room ko. Alam niyo na agent. Hindi mo mapaghahalataang kwarto nga iyon.
"Okay then. Let's go. Pumunta na tayo sa hospital." Sabi niya. Mukhang nakapag recharge talaga siya ng todo.
"Magpahinga muna tayo sandali--" hindi niya ako pinatapos. Ayoko kasing umalis muna. Wala pa akong kain, ewan ko siya kung meron na. Isa pa, panibagong araw na. Maliligo muna ako.
"Let's go. I want to see Criana." Matigas na sabi niya.
"Maliligo muna ako." Ayokong umalis ng mabaho. "Today is Sunday, wala pa akong ligo. Ikaw din." Mataray na sabi ko.
Naguluhan naman siya sa araw. Inamoy niya ang sarili niya.
Nauna muna akong maligo. Nanonood muna siya ng TV sa may sala ko. Kinuha ko na ang aking iPad at niyakap ko. Namiss ko ang gadget kong ito na naiwan ko. Agad akong nagpatugtog ng mga paborito kong kanta habang naliligo.
[MAGBALIK BY: CALLALILY]
Nagsimula na itong tumugtog at binuksan ko na ang shower ko.
"Ahhh! ANG LAMEEGG!" Masayang sabi ko. Oo, sinadya ko talagang malamig. Ayoko kasi ng mainit pakiramdam ko'y isa akong sanggol kung gayon. Ngunit ang lamig talaga eh bakit ba. Wala akong paki sa magiging reaction ni Justin. Hindi ko na kailangang magpanggap dahil alam na niya ang totoo.
[Wala nang dating pagtingin
Sawa na ba saking lambing
Wala ka namang dahilan
Bakit bigla na lang nang iwan?]Dinadama ko ang tugtog. Ang saya. Nararamdaman kong nasa Pilipinas na ako. Nakakamiss, kung pwede lang ay hindi na ako babalik sa America.
BINABASA MO ANG
TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)
Teen FictionThree faces Three personalities Three bodies One heart Tripple Shots Si Ariana ay hinahabol ng mga terorista, sinundan siya ng kapatid niyang si Criana. Instead na siya ang mabaril ay si Criana ang nabaril dahil sila'y kambal. Graduating student si...