27: Not Yet Done
Ariana's POV
Namutla ako sa sinabi ni Jm. Para akong binuhusan ng malamig na tubig na naglalaman ng napakaraming yelo. Hindi ito pwede. Anong good bye ang pinagsasasabi niya.
"Hindi! Hindi, HINDI!" Sabi ko at mahinang tinulak si Criana para makalapit kay Jm na ngayon ay naghihingalo na.
"Ouch! B*tch!" Inis na sabi niya sa akin dahil napaupo siya sa labas at walang nakasalo sa kanya kawawang Criana.
"Ano ba?" Inis na sigaw ko kay Jm. Hinawakan ko ang kwelyo ng barong niya. "Umayos ka nga! Hindi ako nakikipag biruan sa'yo ah!" May lumandas ng mga luha sa aking pisngi.
Mahapdi sa mata, dahan-dahang tumutulo sa aking pisngi ang mainit na luha mula sa aking mga mata. Parang may bumabara sa aking mga lalamunan at ilong dahilan kung bakit nahihirapan akong huminga. Wala akong maintindihan sa kanila. Tinitingnan ko lamang ay si Jm na naghihingalo at pilit na sinasabihan siyang lumaban.
"Tabi! I can handle this!" Nabalik ako sa huwisyo nang marahas akong pinatabi sa gilid ni Criana. Pinunasan ko ang aking mga luha. Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng luha para sa kanya. Agad namang lumapit sa akin si Janelle. Nasa labas kami ngayon at pilit niya akong pinakakalma. Hinahagod niya ang aking likuran. Napatakip ako sa aking bibig.
"Yeoboseyo? Yeoboseyo?" Pilit na naghahanap ng signal si Ruby sa aking gilid. Hindi na rin siya makalma dahil hanggang ngayon ay wala pa si Briana at Theo.
Mula sa makapal na usok, nakita ko ang sumisigaw at ang pawisang si Theo. Nagkaroon siya ng dugo sa gilid ng kanyang ulo ngunit hindi niya iyon iniinda. Napababa ang tingin ko sa kanyang buhat na si Briana at ito'y walang malay. Nakapang bridal style ang kanyang pagbuhat sa kakambal ko.
"Briana!" Malakas na sigaw ko at lumapit sa kanila. Sa aking paglapit ay mas lalong naging malinaw ang lahat. Maputla na si Briana at mukhang malala na ang lagay. "Naku po!" Kabadong sabi ko at napahawak sa aking dibdib.
Ang hirap huminga sa sitwasyon ngayon. Ipinasok na ni Theo si Briana sa kanyang kotse at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay.
"I-I f-found her unconscious." Nahihirapan pa si Theo sa pagsasalita. Nanginginig ang kanyang mga kamay at pinagdikit ang dalawang mga palad niya.
"D-dalhin na natin agad siya sa hospital!" Pumiyok pa ako. Pumasok na si Ruby sa driver's seat ni Briana at si Theo ay dito na rin sasakay.
"Ariana, pwede bang ikaw na ang magdrive sa kotse ko? Nasa kabilang street ko pinark." Sabi ni Theo at inihagis sa akin ang susi niya. Sinara na niya ang pinto ng kotse at binuksan ang bintana.
"Ano? May dala akong kotse." Nanginginig na sabi ko.
"Walang magdadrive do'n please. Kukuhain ko iyon mamaya sa'yo pagdating natin sa hospital." Sabi niya at umandar na ang kotse na sinasakyan nila.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko at hindi na rin ako mapakali. Lumapit ako kanila Criana at napansing medyo naging maayos naman na ang lagay ni Jm dito. Binuksan ko ang pinto ng kotse kung saan dapat na sumamay si Janelle.
"Janelle, ikaw na ang magdrive ng kotse ko, ako ang magdadrive sa kotse ni Theo dahil si Briana ay nawalan ng malay. Pupunta na tayo sa NYC medical center." Sabi ko at inihagis ko naman sa kanya ang susi ng kotse ko.
"Ano? Si Briana ay nawalan ng malay?" Nagulat pa si Criana. "Hindi pwede!" Sabi niya at pinakakalma ang sarili. Kunot noo ko siyang binalingan.
"Pwede! Nawalan na nga ng malay eh!" Sabi ko at nang maayos na nakapasok na si Janelle ay padabog kong isinara ang pintuan.
BINABASA MO ANG
TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)
Teen FictionThree faces Three personalities Three bodies One heart Tripple Shots Si Ariana ay hinahabol ng mga terorista, sinundan siya ng kapatid niyang si Criana. Instead na siya ang mabaril ay si Criana ang nabaril dahil sila'y kambal. Graduating student si...