CHAPTER SEVENTEEN: Audition

81 108 0
                                    

CHAPTER 17: Audition

ARIANA'S POV

KUMAIN kami sa isang fast food dahil nga sa labis na pagkalam ng aking tiyan. Kumain ako ng burger, spaghetti, fries, at isang frappe. Siya naman ay burger at coke lang. Aga-aga nag coke.

"Ang aga-aga, soft drinks. Tss." Inis na sabi ko at natawa naman siya.

"Eh ikaw? Grabe ka naman, babe kumain. It looks like hindi ka pa nakakain mula kahapon ah?" Tumawa siya at napatigil naman ako sa pagkain.

"Ganon na nga." Pag-aamin ko.

"What? Mula kahapon?' Gulat na sabi niya.

"Nakakain naman ako ng almusal, kaso di na nasundan." Sabi ko at kinagat ang burger na hawak ko.

"Hey babe! Bakit ka nagpapagutom! Gusto mong magalit ako sa'yo? Bakit hindi ka nakakain kahapon?" Makikita mo talaga ang pagiging concerned niya sa akin. Hindi kay Criana pala.

"Eh kasi busy ako kahapon" Totoo naman eh. Nahuli na namin si Beryl.

"Dapat nagsabi ka sa akin." Sabi niya napatingin naman ako ng seryoso sa kanya.

"Hindi mo ako pinapansin." Iyon na lang ang sinabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain ulit.

"Sorry. It's because of I'm jealous. Sorry." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Nginitian ko na lang siya bilang pag sabi ng okay lang 'yun.

Isa pa, nakakagutom kaya. Ikakain ko na lang muna ito at mamaya ay marami pa kaming gagawin.

Pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami. Magkatabi kami ng upuan kaya dinaldal ko na siya.

"Oo nga pala, yung project natin? Paano mo nagawang mag-isa 'yun?" Tanong ko sa kanya. Napangiti naman siya.

"Hindi ko ginawang mag-isa 'yun." Sabi niya. "Tumulong sila."

"Weh? Ano namang tinulong nila?" Tanong ko.

"Si Angelina, siya yung nag provide ng ibang ingredients, si Jimmy, inutusan kong bumili ng lalagyanan ng perfume." Sabi niya ng nakangiti. Inakbayan niya ako.

"Anong ginawa ni Dennise?" Tanong ko. Ayos 'yun ah.

"Pinadesign ko yung bote sa kanya." Nakangiting sabi ni Justin.

Biglang may tumabi sa gilid ko. Akala ko noong una ay si Dennise, pero dahil sa pabango niya, nalaman kong siya si Jm.

"Congrats satin" sabi ni Jm hindi manlang niya tiningnan si Justin. Alam ko kung ano ang itinutukoy niya. 'Yung paghuli namin kay Beryl.

"Congrats sa inyo?" Tanong ni Justin ng nakakunot ang noo. Selos agad eh.

"Sa atin, yung sa perfume." Taray ni Jm ah? May naisip na palusot kaagad.

"Dennise!"

"We heart you Dennise!"

Ang ingay na naman ng mga estudyante dito. Iba talaga ang pagiging famous ni Dennise at Criana.

"Ahhh!" Tili niya. "Hi Jimmy!" Sabi nito at hinaplos ang braso ni Jm, pinagpulupot naman niya ang mga braso nila.

Tiningnan ko si Jm at para siyang natauhan sa tingin kong iyon. Makuha ka sa tingin duwag!

Inialis niya ang kamay ni Dennise.

"Hey b*ch! Wag ka ngang PDA?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inirapan pa siya.

"PDA rin naman 'yang si JK ah? Nagreklamo ba ako?" Napalag ka pa talaga, Dennise.

"Okay, tama na. Baka masira na friendship niyo." Sabi ni Justin at hinawakan ang kaliwa kong kamay at hinalikan ito.

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon