CHAPTER 32: YES OR YES
Theo's POV
Nag-aayos ako ngayon ng damit. Nagsuot lang ako ng gray V-Neck and ripped jeans na black. Hinanda ko na rin ang mga bulaklak na ibibigay ko at kandila. Pupuntahan ko lang naman ang first love ko sa memorial park ngayon. Talagang clinear ko ang schedule ko bago tuluyang iwan ang United States.
Kung tatanungin ninyo ang lahi ko ay tatlo eh. My father is half Korean and half American. My mother is a half blooded Filipina but they didn't know. Half Spanish din kaya halo-halo na. Pero sa Pilipinas ako lumaki.
Paglabas ko sa aking condo ay sumakay na ako sa kotse. Oras na para magpaalam ako sa first love ko. Sayang at sandali lang ang oras na magkapiling kami.
[HALIK SA HANGIN BY: KZ TANDINGAN]
[Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Sandali lang nabuhay ang pusong ito
At ngayon nagdurugo
Dahil nga ngayon wala na ako doon
Sa piling niya mayroon
Pag-asa pa ba
Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya]Nakakabakla kasi naiiyak ako. Pinahiran ko ang pisngi ko dahil may mga luhang unexpected na lumuha. Bakit kasi 'yung mga doctor, hindi nakagawa ng paraan.
Sana ngayon, buhay pa siya. Sana ngayon matagal pa kaming magkakasama.
Pagkababa ko sa kotse ko ay pumunta na agad ako sa puntod niya. Ang alikabok na kaya pinunasan ko ang puntod niya at sinindihan ang kandila.
In Loving Memories of...
Ayokong ituloy eh... nakakaiyak.
"Alam mo? Salamat kahit na saglit lang tayo nagkasama. Ikaw naman kasi, ang aga mo namatay eh." 'Yon lang ang nasabi ko at umiyak na lang ng umiyak.
May narinig akong mga yapak mula sa likuran. May babaeng papalapit dito dahil yapak iyon ng isang high heels.
"Hindi man lang kita nakilala, Tita." And that voice... that rough voice. It's Briana.
Hinarap ko siya at sa aking pagharap sa kanya ay nakita kong humahangin ang unat na unat niyang buhok. Nagparebond na kasi siya. Nakasuot siya ng golden dress na kanyang paborito at itim na boots.
"Kamusta, Theo ko?" Tanong niya. Walang akong oras na hindi sinayang at yinakap ko na agad siya. Nabigla naman siya sa ginawa ko at yinakap na rin ako.
"Ang tagal mong nawala." Sabi ko at umiyak sa balikat ko. Kumalas na siya sa pagkakayakap at ganoon din ako.
"Ang OA mo, kahapon kaya nagkita tayo. Syempre matagal talaga ang pagpaparebond Theo, ano ka ba?" Inis na sabi niya at pinulupot ang kamay sa braso ko. "Tita Felice oh! 'Yung anak niyo, ang OA." Sabi ni Briana at tumawa
Napatawa ako. It's good to see her smile, laugh and be happy. I may be the happiest man alive, if she'll marry me. In love na in love ako sa babaeng 'to eh.
"Magpapaalam lang sana ako sa nanay ko, bago tayo umuwi sa Korea bukas." Sabi ko sa kanya at ngumiti. Tiningnan niya ako sa mata at ngumiti rin siya.
"Annyeong haseyo!" Bati niya sa akin. Natawa naman ako at ngumiti sa kanya. I like her big eyes, pinkish lips and all about her.
"Marunong ka ba mag Korean?" Hamon ko sa kanya. Sinapak naman niya ang dibdib ko, okay lang matigas naman ang dibdib ko. "Ouch!" Hindi pa rin pala okay. Si Maria Briana Del Mundo pala ang kaharap ko.
BINABASA MO ANG
TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)
Teen FictionThree faces Three personalities Three bodies One heart Tripple Shots Si Ariana ay hinahabol ng mga terorista, sinundan siya ng kapatid niyang si Criana. Instead na siya ang mabaril ay si Criana ang nabaril dahil sila'y kambal. Graduating student si...