CHAPTER 23: Ace
ARIANA'S POV
Tama ang sinabi niya dahil dinala niya nga talaga ako sa planeta namin. Sa Mars Universe. Napairap na lang ako sa kanya.
"Ang sweet ah?" Inis na sabi ko.
Nakahinto ngayon ang kotse niya sa tapat ng main entrance ng Mars Universe.
"I know the whole truth. You're a great secret agent. Many idolizes you but many hated you too. Like Briana, even if she is your twin sister." Mahabang sabi nito habang nakatingin sa kawalan.
"It's okay. Ayos naman na kaming dalawa." Nakangiting sabi ko.
"Pero hindi naman talaga tayo diyan pupunta. Ano naman ang gagawin natin diyan? Pupunta tayo sa pinaka magandang restaurant sa buong mundo." Proud na sabi niya.
Pinaandar na niya ulit ang kotse niya at sobrang bilis nito. Nakarating na kami sa isang restaurant na sa labas pa lang ay talagang napaka ganda.
Hindi mapigilan ng panga kong mahulog bigla. Ito ang unang beses ko dito.
"I want our first date to be special, Ari." Sabi niya dahilan upang lumingon ako sa kanya. Tinawag niya akong Ari. Hindi rin ito ang unang beses na date namin.
"Nakapag date na tayo dati." Pag papaalala ko sa kanya.
"I know. Pero hindi ko pa alam dati ang real name mo." Ngumiti siya. "Let's go." Sabi nito at bumaba sa kotse niya. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto pagkalabas niya.
Nagsimula na kaming pumasok sa loob. Pagkapasok namin ay hindi ko pa rin mapigilan mamangha dahil sa kakaibang mga disenyo sa loob nito. Nagmukha akong ignorante pero ang totoo ay hindi naman talaga.
Umupo kami sa isang reserved seat at halatang pinaghandaan niya talaga ito ah.
Kinuha niya ang menu at nagsimula ng mamili ng pagkain. "What do you want to eat?" Tanong niya sa akin at tiningnan ako.
Ang mga mata niya na naman. Kulay hazelnut brown tapos nakakakilig na ewan. Parang kinukuryente ako na hindi. Ang hirap magpaliwanag.
"K-kahit ano. Hindi ako maselan." Iyan na lang ang sinabi ko.
"C'mon. Please order." Sabi niya sa akin.
Nagbuntong hininga ako at kinuhaang menu. Ang kulit niya naman! Badtrip! Napairap ako sa kawalan.
"So that is Ariana? Ayaw mamili ng order sa menu?" Natatawang sabi ni Justin. Napatingin naman ako ng gulat sa kanya. "I saw you rolled your eyes." Nakangiting sabi niya.
Umirap ulit ako. "Ang kulit mo kasi, kahit ano nga. Nakakatamad kayang mamili ng pagkain kasi nakakagutom dahil may mga pictures 'yan." Paliwanag ko na ikinatawa niya.
Oo nga naman, nakakatawaang paliwanag ko. Nakitawa na rin ako sa kanya.
-
Dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain. Ang dami naming order at talagang nakakatakam ito. Umorder kami ng pizza, pasta, lasagna, burger, and of course rice and fried chicken. May ice tea din kami as drinks.
"May I ask you some questions?" Tanong niya habang nakatitig sa akin. Naiilang naman akong umiwas ng tingin sa kanya.
"Oh?" Simple kong sabi habang naglalagay ng kanin sa plato ko.
"Ganito na lang. I'll ask you a question and then you will ask a question too. To be fair. Is that ok?" Tanong niya pagkatapos ay kinagat ang burger na hawak niya.
Napa thumbs up naman ako gamit amg dalawang kamay ko. "Okay na okay. Sige start ka na." Sabi ko pagkatapos ay kumuha ng pizza.
"After all this sh*ts, what is your plan?" Diretsong tanong niya at hindi rin ako nakahandang sumagot dahil hindi ko rin alam.
BINABASA MO ANG
TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)
Novela JuvenilThree faces Three personalities Three bodies One heart Tripple Shots Si Ariana ay hinahabol ng mga terorista, sinundan siya ng kapatid niyang si Criana. Instead na siya ang mabaril ay si Criana ang nabaril dahil sila'y kambal. Graduating student si...