CHAPTER ONE: Imposter
Ariana's POV
Kakarating ko lang dito sa California. Bakit pa kasi kailangan ko itong gawin. Dapat nga ay hinuhunting ko ang mga terorista pero malakas daw ang pwersa nila according to Daddy.
~•~•~•~•
"Hindi nila ito pwedeng malaman dahil mas malakas ang pwersa nila sa ngayon. Isa pa, kilala ka na nila bilang Ariana Del Mundo" Seryosong sabi ni Daddy."Kaya dapat akong magpanggap bilang si Criana?" Naguguluhan kong tanong.
"Oo dahil ito na lang ang paraan. Ipapalabas na muna namin ng Mars Universe na patay na si AgentMariaA, which is you." Dad explained.
"Ano yun? Dad eh parang ipinalabas mo na talonan ako eh." Pagwawala ko. Umupo ako sa mahabang upuan dito sa may hospital.
"Anak, sige naman na, pumayag ka. Alam kong matalino at magaling ka pero sa ngayon, pwedeng ako muna?" Dad said. Nilapitan niya ako at hinawakan ang dalawang balikat ko. "Kapag gumising na si Criana, at maayos na ang lahat bibigyan ka namin ng greatest comeback." Sinabi ni dad at ngumiti. Napairap na lang ako.
~•~•~•~•Ayun ang nangyari. Nandito ako ngayon sa airport at hinihintay si Lola Mercedes. Nakaupo lang ako sa mga upuan habang naghihintay. Ano bang buhay ang meron si Criana. Kakakita pa lang kasi namin noon sa abandonadong lugar eh tapos 'yun pa ang nangyari. Hindi ko mga alam na nasa Pilipinas pa la ang iyakin.
"Criana my apoo~" si lola Mercedes habang humuhuni na parang ibon. Nang makita ko ay itinaas ang dalawa niyang kamay hanggang balikat at gumiling giling.
Hindi pa rin nagbabago si Lola. Nakablouse siya ng asul at nakapalda ito na abot hanggang tuhod at kulay brown ito. Pumuti lalo si lola. Kung titingnan mo ay parang 45 lang si lola but the real truth is 75 na siya.
Lumapit ako sa kanya at yinakap ko siya.
"Criana did you miss mamita?" Nakangiti pang tanong ni lola.
Ano? Bakit pati siya hindi niya alam na ako 'to si Ariana. Pero sana hindi niya nabalitaan ang fake news na patay na ako. Si Daddy talaga. Kung sabagay ay para sa proteksyon ko na rin ito. Pero paano ba ito?
"Y-yes Mamita!" Ginaya ko ang pagsayaw niya. "Masaya ako na nanditez na aketch." Pati na rin ang pananalita ni Criana. Whooh! Paano ba ito ang hirap.
"Good! Kailangan mo ng magpahinga dahil bukas ay papasok ka na sa school." Nakangiting sabi ni mamita ah este lola Mercedes habang naglalakad kami.
"Ano? Nag-aaral pa rin si Criana?" Gulat na tanong ko kay lola Mercedes.
"Bakit hindi mo alam. Ikaw si Criana, hindi ba?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Hayst. Kailangan ko ng sabihin ang totoo." Wala sa sariling sabi ko.
"Anong totoo?" Narinig pala ni lola.
Hindi niya pwedeng malaman na ako ito si Ariana tiyak na lagot ako kay Daddy.
"May amnesia po kasi ako eh?" What? Anong klaseng dahilan 'yan Ariana? Ginagamit ko ba ang utak ko?
"Amnesia?" Nagulat na rin si Lola tiningnan noya ako at huminto kami sa paglalakad.
"Minor lang naman po. Kilala pa kita m-mamita. Lahat po kayong kamag-anak ko." Para hindi na siya magtaka. Naisipan kong isingit ang words ni Criana. "Very very light lang naman po. Nadulas kasi ako sa floor ng bathroom doon kala Daddy eh."
"Ah sige. Ipahinga mo na lang iyan sa bahay. Patay sa akin iyang Daddy mo at pinababayaan ka. Palibhasa at mahal na mahal si Ariana, ikaw ang pinababayaan?" Sabi ni lola at niyakap ako. Nako lola kung alam mo lang, pinagtitripan ako niyan ni Daddy.
Pero sorry din pala Daddy kasi matitikman mo ang sermon ni lola cedes.
-
"Welcome back, dear apo kong paborito!" Sabi ni lolo at niyakap ako. Si lolo mukha na talagang matanda hindi na nakapag tataka. Tatlong taon ko na rin silang hindi nakikita.
Naiiyak ako pero pinipigilan ko. I'm not that type of person pero si Criana oo iyakin. Pwede naman sigurong umiyak ako diba?
"Lolo?" Iyak ko kunwari para ayos ang pagpapanggap. Nakakaguilty kasi sarili kong pamilya niloloko ko.
"Lolo? You are calling me papito, you forget?" Nagulat si lolo Dominic. Okay lang yan lo, kahit ako nagulat eh.
"Ah, she has amnesia. Hayaan mo muna siyang magpahinga sa kwarto niya." Sinabi ni lola. Sinamahan niya ako sa kwarto ko daw.
"Amnesia?" Nagulat si lolo. Kalokohan ko rin naman kasi eh.
Hindi na namin siya pinansin ni lola, si lola na bahala sa kaniya.
Pumasok kami sa isang kwarto na kulay white at purple. Napaka girly naman nitong si Criana.
"Sige na po Mamita, keribels ko na this." Ginaya ko ang accent ni Iyak.
"Okay apo. Bukas ba kaya mo ng pumasok?" Tanong ni Lola.
Kayanin mo. Buhay ni Criana ang nasakripisyo dito. Huwag naman sana pati pag-aaral niya.
"Oo naman lola. Ako pa ba?" Kaya mo yan, Ari.
"Good. Well sleep for now." Sabi ni lola at lumabas na sa kwarto ni Criana.
Ang ganda rin naman. White and purple ang theme, 'yung kama ayun queen size at grabe ang daming unan. Sampu. 'Yung sapin naman sa kama, kulay purple din. Guess what? May mga posters siya ng Little Mix. Fangirl huh?
Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa kwarto ni Cri, kamukha ko talaga siya. Nagkulay ako ng black, gray kasi ang buhok ko, at pinagupitan ito hanggang balikat. Ganito daw kasi talaga ang buhok ni Criana.
Nakasuot ako ng damit na white, V-neck na shirt, pants na black at naka tacked in. Ngumiti ako sa salamin at boom! Ang pangit ko na, kamukha ko na si Criana. Ang pangit kaya niya. Hindi I mean maganda siya kaso naasar ako sa presence niya.
-BEEP BEEP-
May tumatawag sa cellphone ko. Iyong cellphone ko talaga na hindi ko kasama noong hinunt ko ang mga terorista. Five years cellphone ko. Tiningnan ko ito at...
'EOMMA'
Hayst. Si Mommy na pala ito. Alam na kaya niya ang nangyayari? Sana oo dahil wala ako sa mood mag explain. Umupo ako sa kama at sinagot ito.
"..." Hinihintay ko siyang magsalita. Siya ang mauna.
"Hello, anak? Nabalitaan ko ang nangyari." Sabi ni Mommy.
"Then?" Sabi ko. Para ituloy niya ang sasabihin niya, hindihindi ako bastos ganito talaga ako. Alam iyon ni Mommy, nanay ko siya eh.
"I'm going to the Philippines. Aalamin ko ang lagay ni Criana." Sabi niya mula sa kabilang linya.
Humiga ako dahil sa pagod na rin. Ang lambot ng kama ni Criana ah? In fairness.
"K." Sabi ko para malaman ni Mommy na agree ako sa kanya.
"I'm with Briana." Sabi ni Mommy. Oh, yung brat na iyon.
"Pakisabi na huwag niyang sirain ang plano namin ni Daddy. Baka mamaya magpakita siya sa mga terorista at masira ang pagpanggap kong patay." Sabi ko.
"Oh look at you, Ari, dapat nga mag-alala ka sa kapatid mo cause look! Pwedeng siya ang mapagkamalang ikaw at siya ang patayin." Pagtataray ni Mommy.
Edi maganda. Charot. "Mom eh agent din siya. Siya si AgentMariaB at kilala na siya so hindi na siya mapapatay." Pagpapaliwanag ko. Nakakainis mahal na mahal niya talaga ang brattitude na 'yun.
"Iyon naman pala eh. Edi pwede rin siyang magpakita sa terorista kasi may pangalan rin siyang pang agent unlike Criana." Sabi ni Mommy. Tingnan niyo, ipinaglalaban niya ang paborita niyang anak.
Pinatayan ko na siya. Bahala siya. Kahit naman anong sabihin ko, hindi ako papakinggan eh wag na lang magsalita.
#
BINABASA MO ANG
TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)
Teen FictionThree faces Three personalities Three bodies One heart Tripple Shots Si Ariana ay hinahabol ng mga terorista, sinundan siya ng kapatid niyang si Criana. Instead na siya ang mabaril ay si Criana ang nabaril dahil sila'y kambal. Graduating student si...