5: Groupings
Ariana's POV
Isang panibagong pagpapanggap na araw na naman. Ayokong magsinungaling kanila lola pero wala akong magawa. Lalo pa't madaldal si Lola, makwento si lolo. Kami na muna sigurong pamilya ang dapat lang na maka-alam. Ayaw ko ring madamay sila.
Bumangon na ako sa pagkakahiga dahil may pasok pa si Criana. Aaminin ko sa part na pagpasok ko ay medyo nasisiyahan ako. Para bang nabalik ako sa pagiging batang muli. Pakiramdam ko kasi ay lagi akong matanda, lalo sa pagkakataong ito.
Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos nito ay bumaba na ako sa kusina upang magluto. Nakita kong si Lola ay naghahanda ng makakain habang si lolo naman ay nanonood ng Hollywood movie.
"Hey Apo! Kumain ka na. Nagluto ang mamita mo ng bacon para sa iyo." Lolo Dominic said. Nakatingin pa ito sa akin at nakasandal ito sa sofa habang hawak-hawak ang remote control ng tv.
"Sabay-sabay na po sana tayo." Sabi ko at ngumiti. Tumayo naman si Lolo at naglalakad na papunta sa lamesa. Si lola naman ay dala-dala na ang makakain namin. Umupo na kaming tatlo sa upuan at nagsimula na kamimg kumuha ng kanin, ako ang pinauna nila. Nagsalita si lola.
"How was your first day, apo?" Sabi ni lola nang may ngiti sa mga labi.
Sa totoo lang, nakaka asar dahil nandoon ang walang kwenta kong ex, lola. Tapos may bf pa itong si Criana, alam niyo po ba iyon? May best friend pa syang, uh malandi? Super, lola.
"Okay lang naman po." Pagsisinungaling ko. Naisip ko tuloy kung legal ba si Criana at boyfriend niya kanila lolo? Bakit nililihim niya ito sa amin?
Mabilis akong kumain at nang ako'y matapos na ay magpaalam na ako kanila lolo at lola.
Nagulat ako dahil pagkatapos kong kumain, lumabas na ako. Sa labas, naroon ang lalaking kahapon ay nakita ko. Si Justin Karl.
"Hey babe!" Sabi nito at lumapit sa akin. Pagkalapit niya ay bigla niya akong yinakap at inakbayan.
"A-ah hey?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil hindi naman ako si Criana. Criana, kailan ka ba babangon sa pagkakahiga?
"I will help you." Nakangiting sabi nito sa akin.
"No, hindi na kailangan." Maiksi kong sabi.
"But I want to do this." Bigla niyang hinablot ang bag ko na para bang snatcher siya.
"Sabi ko hindi na kailangan" walang emosyong sabi ko.
"But I want to do it." Mahinang sigaw niya.
Hinayaan ko na lang siya dahil mukhang wala na talaga akong magagawa. Mukha na rin naman siyang nadismaya.
Sumakay kami sa colored black na sports car niya. Mukha talaga siyang mayaman. Hindi niya ako kinibo sa sasakyan at hinayaan ko lang siya. Ako pa ba eh hindi rin naman ako nagsasalita kung hindi kailangan.
"We're already here." Wala sa mood na sabi niya.
Ay sinasabayan ako. Akala naman niya, lalambingin ko sya.
Binuksan ko na lamang ang kotse at bumaba. Hindi ko ito sinara, bahala siya riyan. Kahit nga sa kanya ay hindi rin ako nagpaalam at basta-bastang umalis.
Hindi naman niya ako kikala, kaya pwede kong gawin kung ano talaga ang ugali ko.
Habang naglalakad ako diretso sa aking first class ay nasalubong ko si Dennise. Ang maingay at makulit na kaibigan ni Criana.
"Hi sizzy! What's up?" Maarteng sabi nito at bumeso. Iww.
"The same." Maiiksi kong sabi.
"Tara na we'll go on our first class." Masayang sabi nito at pinulupot ang kamay niya sa braso ko. Seriously?
BINABASA MO ANG
TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)
Teen FictionThree faces Three personalities Three bodies One heart Tripple Shots Si Ariana ay hinahabol ng mga terorista, sinundan siya ng kapatid niyang si Criana. Instead na siya ang mabaril ay si Criana ang nabaril dahil sila'y kambal. Graduating student si...