CHAPTER NINETEEN: Justin's Confession

90 101 1
                                    


CHAPTER 19: Justin's Confession

Justin's POV

We all clapped after Criana's performance. Tbh, this is the first time that I heard her sang a Tagalog song. This is the first time I saw her used a guitar and she is so look so expert with it. Sa pagkakatanda ko, she wants to learn that before, bago pa kami mag break. Nagpapaturo siya sa akin, but to be honest ang hirap niyang turuan. She is a smart student, pero pagdating sa ibang bagay, hindi. Ayaw niya kapag tinuturuan siya ng ibang tao, gusto niya sariling sikap.

Kaya laking pagtataka ko kung paano siyang matutong mag gitara. The way she sang, it looks like hindi niya iyon boses. Tbh, nalilito ako kung sino ba talaga siya.

Isa pa, kung nagka amnesia siya, bakit naalala niya ang mga chords ng kinakanta niya. One more thing, ang hirap ng strumming pattern. Hindi agad iyon natutunan lalo na sa katukad ni Criana.

Rock? I don't remember her na kumanta siya ng ganyan. Tagalog? I also don't. Mas madalas pa nga akong mag Tagalog than her, kasi gusto kong maimpress sila mamita tapos ngayon kakanta siya ng Tagalog at rock? Alam ko lang na fan siya ng LittleMix

Naalala ko pa nga noong muli kaming magkita, after naming mag break up, noong malaman kong nagka amnesia siya.

~•~•~•~•

I'm so sick of this fake love
Fake love fake love
I'm so sorry but it's fake love
Fake love fake love~

Someone is calling on my phone. I hope that this is Criana. Hopelessly, I looked at my phone. It was mamita.

Wait, why the heck is she calling? Is there an emergency? Hindi sa ayaw ko siyang tumawag pero parang masama ang kanyang pagtawag. Another reason why it's bad because I am drunk. Galing ako sa inuman. Ikaw ba naman iwan ng taong mahal mo sa ere eh. Hindi ka ba mag eemote?

"Mamita?" Pilit kong inayos ang boses ko.

"JK, I have bad news for you." I knew it. Kaso bakit naman siya tatawag ng 3 f*cking AM?

"Mamita what is it?" Pagod kong sabi. Nahihilo pa talaga ako eh.

"Criana was shot." Dahil sa sinabi niya ay napatayo ako. "In her head." Nanginginig ng sabi ni Mamita.

"What? Why the heck? Where is she?" Nag-aalalang sabi ko. Naluluha ng sabi ko. Napatayo ako sa pagkakahiga. Nagbihis ako at balak ko na sana siyang puntahan.

"She's in the Philippines. She was supposed to enjoy the vacation there with her family but this accident." Naluluha ng sabi ni Mamita.

And at that moment, nanlumo ako. Dahan-dahan akong napaupo sa sahig.

AFTER a week, I received a message from Mamita, she told me that nandito na sa States si Criana. Dapat pupunta ako para kamustahin siya. Dapat aalamin ko na ang lagay niya, kung okay na ba siya o hindi pa rin. Dapat ay nasa tabi na niya ako ngayon but I ended up going to school alone. Bahala na.

Pagdating sa school, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ibang tao na siya. Oo, siya si Criana. Oo may amnesia siya. Pero wala akong nararamdamang pagmamahal sa taong nasa harapan ko ngayon. Siguro ay dahil nga nagbreak na kami, pero sa oras na ito ay kailangan akong nasa tabi niya. Kailangan kong palakasin ang loob niya.

Oo mahal ko si Criana pero bakit walang spark akong nararamdaman sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Bakit ganoon? Babawi ako. Ipaparamdam ko sa kanyang mahal ko siya, at iibigin ko siyang muli. May papatunayan ako sa kanya.

Nakalimutan na niya ako eh. Nakalimutan na niya ang pagmamahalan namin, pati ang break up. Kaya gagawin ko ang lahat para ibigin niya akong muli.

Ngunit sa paglipas ng mga panahong kasama ko siya? Pakiramdam ko ibang tao ang nasa harapan ko. Parang hindi siya si Criana. Kapag ba nagka amnesia ka kahit 'yung hand written mo mag-iiba? The way she walk, she talk, she act, ibang-iba talaga eh.

Wag sana. Kasi kung hindi man siya si Criana? Kung isa man siya sa kambal nito, wala na ako. Nahulog na ako sa kanya. Kasi 'yung pagbabagong iyon ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Ayaw ko na. Ayaw ko nangmalamang hindi siya si Criana.

I prayed many times that I wish na 'yung Crianang kasama namin ay si Criana talaga. Sana nga nagkakamali lang ako. I shouldn't fall for other people because Criana is my destiny. Lalo na siguro sa kapatid niya, kambal pa. Hindi talaga pwede.

Until this f*cking day come.

"Ariana?" Natutulala kong sinabi sa harap ng mga kasama niya.

Kahit siya ay nagulat rin. Gulat na gulat. Namutla nga siya noong nakita niya ako, as if she saw a ghost.

"Let me explain." She said but I already walked out.

There's no need to explain. I already know it. I just can't accept it. Pagkalabas ko ay sumalubong sa akin si Dennise.

"Oh what happened? Naibigay mo na ba sa kanya yung wallet na nahulog niya?" Tanong ni Dennise. Hindi ko siya pinansin. "Wow. Nice talking." Inis na sabi niya.

"Ikaw na magbigay." Hinagis ko sa kanya ang wallet ni Criana. No ni Ariana.

Umuwi na ako ng bahay at walang ganang pumasok kinabukasan. Kailangan eh, hindi na pwedeng umabsent dahil sa kaartehan dahil graduating ako.

"Justin, can we talk?" Tanong ni Ariana. Walang emosyon akong tumingin sa kanya. Nandito kami ngayon sa hallway.

"After class." Sabi ko at tumango naman siya. Nagtabi pa rin kami sa klase kahit hindi kami okay. Wala kaming kibuan hanggang matapos ang 1st subject. Pareho kaming walang klase pagkatapos, 1hour pa bago ulit kaya nagpasya kaming mag-usap sa labas.

"I would like to apologize, nagpanggap ako." Sabi niya. Nandito kami sa malapit na coffee shop sa labas ng university.

No words came out from my mother f*cking mouth . I just looked at her. Dumating na ang order namin.

"Wala akong planong lokohin ka o kahit sino man sa inyo." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Pero naloko mo na kami. Kahit hindi mo iyon plinano, naloko ko mo kami.

"Ang nais ko lang ay makapag tago muna pansamantala. Dapat rin akong mabuhay bilang si Criana, para makagraduate siya." Sabi niya sa akin, hindi pa rin ako nililingon at uminom lang ng kape.

She can graduate alone. Without your mother f*cking help. But where the hell is she?

"Where is she?" Seryosong tanong ko. Umaasang ayos lang siya.

"N-naka comatose siya. Sa Pilipinas." Tuluyan na siyang naluha.

Napahawak ako sa noo ko ng marinig ko ang simabi niya. Unti-unti na rin akong naluluha. Malaki ang kasalanan ko kay Criana, dumagdag pa itong pagmamahal ko kay Ariana na talaga namang maling mali.

"Alam na ba ito nila Mamita?" For sure mag-aalala sila ng sobra kapag malaman nila 'to.

"Oo. Lately lang din nila nalaman. The reason why umuwi agad sila ng Pilipinas. Hindi na nila nasabi sa iyo. Huwag ka sanang magalit sa kanila." Paliwanag niya.

So pati 'yung mga grandparents nila niloko niya? Anong klaseng babae ba siya? Pero diba kilala niya si Uncle? So alam 'to ni Uncle Theong

"Alam 'to ni uncle Theong?" Tanong ko. Pati sa kanya tuloy ay nagsisimula na akong magalit. Nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Sino yun? Uncle na nga Tiyong pa?" Seriously? Is she joking around? It's Theong but yes it's pronounced as chong.

"Theo Villa." Inis na sabi ko. Hindi niya ba ako narinig noong binati ko si Uncle? That day.

"Ah. Oo. Pero hindi niya alam na kasama ka sa naloko ko." Napayuko ulit siya.

F*ck these agents. Hindi ko naman nilalahat. Silang dalawa lang.

"Okay." Iyon na lang sinabi ko kahit hindi talaga okay 'yun. "Let's visit Criana." Nagulat siya sa sinabi ko. Nabulunan siya sa iniinom niya. "Let's go on the Philippines." Pagtatapos ko sa usapan namin.

#

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon