CHAPTER THIRTY-THREE: I Love You, The End

136 69 4
                                    

CHAPTER 33: I Love You, The End

ARIANA'S POV

NANDITO ako ngayon sa swimming pool ng mansyon namin sa Pilipinas. Matagal na kasi akong umuwi dito, since nakarecover na si Briana.

"Ariana, anak! Mamaya ay nandito si Criana at Jm." Balita sa akin ni Daddy, tumango na lang ako.

I don't feel to talk right now. As always naman eh, wala lang akong choice.

"Iniisip mo si Justin?" Tanong sa akin ni Daddy and with that question, he caught my attention. "Wala na, pianapatay ko na." Sabi ni Daddy.

Ay pota! Mabuti nga at nagpapahinga lang ako dito sa salbabida at hinahayaan itong lumutang na lang eh. Bumababa ako sa salbabida at umahon na sa swimming pool. Papalapit pa lang ako kay Daddy ay may nakahanda na siyang pang shield sa akin at iyon ay ang tablet niya, nag lalaro pa kasi ng games ang matandang ito.

"Hindi na ma'am joke lang po." Sabi ni Daddy sa akin. Ngumisi ako.

"Too late, Daddy." Sabi ko at itinulak siya sa swimming pool namin. Pati ang tablet niya ay nabasa dahilan kung bakit ito nasira. Masisira pa lang pala, I'm too excited.

Hinampas-hampas niya ang tubig at naghihingalo siya. Naglalangoy aso siya. My dad is handsome but not cool. He's so annoying.

"Lintink ka, Ariana!" Sabi niya habang inaabot ang salbabida to save his life. My dad can't swim. "Yung tablet ko pag hindi gumana patay ka sa akin! Maraming files 'yon!" Galit na sabi niya.

Sarkastiko akong ngumiti at kinuha na ang twalya ko. I am wearing a wet tshirt and wet shorts, galing kasi ako sa pool diba? One thing, I'm not wearing swim suits.

Pumasok ako sa kwarto at nagbihis na ng damit. Pagkalabas ko ay sinalubong ako ng yaya naming si Aling Ana

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa paglapit niya sa akin.

"Nandito po kasi ang boypren niyo." Nakangiti niyang sabi. Napangisi na rin ako dahil syempre, excited. Nakasuot ako ngayon ng black v-neck at black shorts. Parang tumalon ang puso ko dahil sa sinabi ni Aling Ana.

Nagmadali akong pumunta sa may entrance namin at nakita ko si Criana. Napangiti siya nang makita niya ako at tumingin ako sa kasama niya at nakita ko si Jm, nakangiti rin sa akin.

"Ariana!" Sabi ni Criana at niyakap ako. "Dito na ako titira!" Excited na sabi niya at ipinakita ang mga maleta niya. "Si Dadeh?" Humiwalay siya sa pagkakayakap.

"Nasa pool's area, pasok." Nawalan ang excitement na nararamdaman ko kanina lang. Akala ko ba si Justin? Ay wait... did aling Ana thought that Jm is still my boyfriend? Holy crap! 'Yung unanong 'yon talaga...

"May pagkain ba? Nakakapagod ah? Tapos ang magaling na Dadeh! Hindi kami sinundo!" Pagrereklamo ni Criana at binato ang handbag na hawak niya sa may sofa namin.

"Tamad eh." Panggagatong ko sa galit niya kay Daddy.

"Ikaw rin eh! Hindi mo rin kami sinundo eh, tamad ka rin!" Inis na sabi sa akin ni Criana. "Kakain na ako, Aling Ana." Sabi niya. Ngumiti si Aling Ana sa amin bago umalis ngunit sinamaan ko siya ng ngiti.

Si aling Ana ay maliit na babae ngunit bossy siya. Nakakainis. Minsan mabait, minsan nakakaasar. Noong una mabait ako sa kanya eh, kaso kahit na mabait ang ipakita mo, masama ka pa rin. Edi tnigilan ko na ang pagiging mabait. Favorite alaga kasi niyan si Criana.

"What did you expect?" Walang ganang sabi ko at humikab. Umupo ako sa sofa samantalang dumiretso naman siya sa kusina.

"Ariana, musta?" Nakangiting tanong ni Jm. Pinilit kong ngumiti ngunit mapait pa rin ang naging ngiti ko. Hindi dahil bitter ako sa kanila ni Criana, ngunit dahil hindi siya si Justin.

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon