CHAPTER 8: Third You
I always say what I'm feeling, I was born without a zip on my mouth~(woman like me: little mix)
Alarm ng cellphone ni Criana. May jogging pala kami ni Justin. Pagkatingin ko sa aking cellphone ay nandoon ang pangalan ni Justin
Babe Jus is callin'
Nakalagay sa screen. Sinagot ko naman ito.
"Hey babe! Look at your window." Ang sabi niya kaya naman ay hinawi ko ang kurtina ni Criana na kulay puti at nakita ko si Justin na nakangiti. Naka pang sports attire ito dahil naka jogging pants at parang sando at ang ganda pa ng sapatos. May dala itong mountain bike.
"Saglit." Sabi ko sa telepono.
123 lang ang aking ligo, nakakahiya kung paghihintayin ko si Justin ng matagal. Pagkatapos ko maligo ay binuksan ko ang closet ni Criana. May pang sports attire sya like sports bra and leggings but no, I don't want to wear that sports bra. Makikita lang ang cleavage ko. Magsusuot na lang ako ng T-shirt.
Pagkababa ko ay wala pang gising. Obviously dahil napaka aga pa. Nag-iwan na lang ako ng sticky note sa ref, "Nag-jogging ako!" Iyan ang nilagay ko.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Justin na nakaupo sa may sahig namin, nasa gilid niya ang bike. Napatingin ito nang lumabas ako.
"Hey babe!" Masigla niyang sabi sa akin. Tumayo pa ito.
"Oy." Sabi ko. Ano bang dapat kong sabihin?
"You... are not wearing sports bra? Why? Labahan ba?" Tanong niya. Hindi siya makapaniwala sa suot ko.
"Hindi, ayoko lang. Malamig." Dahilan ko na lang. Pero yung totoo? Masyado kasing sexy tingnan.
"Last time kasi, hindi mo nalabhan and nainitan ka sa suot mong shirt, kaya ako na ang naglaba ng mga sports bra mo." Sabi niya. Seryoso? Ginawa niya yun para kay Criana?
"Seryoso? Naglaba ka?" Grabe. Kakaibang adiksyon na ito ah. Masyado na yata siyang lulong kay Criana.
"Yes. Because you're lazy, babe." Natatawang sabi niya.
Si Criana, oo. Ako, hindi. Baka hindi mo alam kung gaano ako ka hard-working para lang ma achieve ko ang pagiging top secret agent. Pero lahat ng iyon, ay nabalewala.
"Hey babe! I'm just kidding. But it's true, HAHAHA." Sabi pa niya. Tumawa na lang din ako. "Bike na tayo." Sabi niya.
Isa lang naman ang dala niyang bike, wala rin naman akong nakitang bike dito sa bahay namin, maglalakad na lang siguro ako.
"Hey babe? Angkas na!" Sabi pa niya. Itinuro pa niya ang bike niya at pinaangkas niya ako sa bike niya.
"Seryoso? Sa tingin mo kaya tayong dalawa diyan?" Natatawang tanong ko. Sa bigat ko ba naman eh.
"Yes babe. One thing, you're not heavyweight." Nakangiting sabi niya. Baka magsisi siya sa sinabi niya.
Umangkas na ako sa bike, dahil wala naman akong choice. Maiiwan niya rin ako kapag naglakad lang ako. Unang pedal pa lang niya sa bike ay nahirapan na siya. Oh kala mo ah? Hahaha.
"Babe, you gain weight. A lot." Sabi ni Justin. Natawa naman ako.
"Baka naman kasi mahina ka talaga." Sabi ko. Umaandar kami kaso mabagal. Sobrang bagal.
"What? Babe ah? Ako talaga sinabihan mo niyan? Eh binubuhat nga kita dati eh. Pinapasan pa kita." Natatawa niyang sabi.
"Pero nahihirapan ka na ngayon." Sabi ko at tumawa. "Ako na nga lang ang aangkas sa'yo." Sabi ko at prineno ang bike.
BINABASA MO ANG
TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)
Teen FictionThree faces Three personalities Three bodies One heart Tripple Shots Si Ariana ay hinahabol ng mga terorista, sinundan siya ng kapatid niyang si Criana. Instead na siya ang mabaril ay si Criana ang nabaril dahil sila'y kambal. Graduating student si...