CHAPTER TWO: SCHOOL

155 148 3
                                    

CHAPTER TWO: School

Ariana's POV

"Woman like me, like a woman like me~" ano ba 'yun?

Ang ingay. Alarm siguro. Minulat ko ang mga mata ko at umupo. Saan kaya nanggagaling ang ingay na iyon? Tumayo ako at hinanap kung saan ba iyon nagmumula.

Huminto ako sa white table ni Criana at nandoon ang isang tablet na nag aalarm. 6:00am na pala.

6:00am
Hey Criana gurl, wake up na you, malelate kana kazEi. GoOd LuCK zha Firzz day mwah mwah!

Nakasulat iyon sa tablet niya. Yuck! Napaka jejemon talaga ng babaeng iyon. Pero teka, first day daw?

Mabuti naman para hindi ako mangapa sa lessons nila. Ano kayang course ang kinuha ni Cricri.

Pumasok na ako sa banyo at naligo. Nung nagbihis naman ako magsuot ako ng white f*cking drees. Sapatos naman, nagsuot ko na lang ang plain na black doll shoes niya.

Lumabas na ako sa kwarto ko, ni Criana pala at nakita ko sina lolo at lola na naghahanda ng agahan. Bumaba agad ako, dahil mukhang masarap ang pagkain. PG ako, hindi lang halata.

"Good morning Cricri!" Si lola ang nagsabi habang naglalagay ng plato sa lamesa. Hayst kailangan kong ngumiti dahil ganoon si Criana.

"Good morning Mamita dear." Nakangiti kong sabi. Umupo na agad ako sa wooden chair nila dito upang makakain na.

"Are you ready para sa first day of school mo? This is the last year of your college life. Are you ready para sa real life?" Nakangiting sabi ni Lolo. Nasa aking kanan siya at nagbabasa ng broadsheet.

"Ako pa?" Simple kong sabi at umupo sa upuan at kumuha na ng spaghetti. Ay oo nga pala! Dapat sweet si Criana. "Syempre kaya ko yan Papito! Mana yata me sa inyo!" Pambobola ko pa. Grabe ka Ari, di kita makeri.

"Ahh, yes naman apo." Kumuha na rin ng spaghetti si lola. "Very good 'yan apo."

Ano nga pala 'yung course ni Cricri?

"Mamita, ano nga pala iyong course ko? Hindi ko kasi maalala eh." Nahihiya ko pa kunwaring sabi. But the truth is makapal ang mukha ko, pero hindi sa pamilya syempre.

"Chemist ka apo, sa pagkakaalam ko. Dominic ano nga ba ang magiging trabaho niya?" Tanong ni Lola.

"Ang sabi mo sa akin ay gagawa ka ng mga capsule o gamot, perfume, or anything that will do on science. Hindi ba at balak mo rin ang mag doctor?" Tanong ni lolo.

Hindi ba't hindi ako si Criana? Hindi ko alam. "M-mahabang pag iistudy yun papito. I can't do that." Kaya hindi umaasenso si Criana eh. Ang haba ba naman ng pag-aaral. Patawa ba siya? Eh ako nga, tinapos ko agad eh. Nakagraduate naman pero Criminology and not chemist. Naipapasok ko naman ang mga natutunan ko sa eskwelahan ngayon sa trabaho ko. Well.

"Oo ano ka ba, hindi kailangan ni Criana maging doctor. Takot siya sa dugo hindi ba?" Inis na sabi ni lola. "Gagawa ka lang ng mga gamot, vitamins ganyan apo. Aaralin niyo naman iyon eh." Sinabi ni lola ng may ngiti sa labi.

Tama si lola, maaaral ko pa naman ito. 4th year college na pala si Cricri kala ko 1st, sabagay ako nga graduated na.

Sumubo na ako ng spaghetti at ngumiti sa kanila. Kakain muna ang PG nyong apo ah? Hehe.
-

Kasalukuyan akong nagdadrive ng white car ni Criana. Ang sosyal tingnan, pero hindi ko type. Huwag kayong mag-alala sakin, alam ko kung saan ako papasok, sinabi sa akin ni lola kaya't ginoogle ko. Success naman.

Socialist International College University. Pwede na. Binasa ko ang nakasulat sa arko ng school, pagkapasok mo sa blue gate.

Pumasok ako at pinark ko ang kotse ni Cri. Bumaba na ako at kabado pa rin, teka bakit ako kinakabahan? Sa school pa talaga ha? Pero sa mga pag atake ko sa kung saan saang sindikato wala akong kakaba-kaba.

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon