CHAPTER 12: Tayo Na Lang Dalawa
ARIANA'S POV
KANINA pa tawa ng tawa si lolo dahil tinitingnan ko siya ng masama. Nalaman niya na kasing alam ko na ang panlolokong ginawa nila sa akin.
"Sorry apo huh? I hope that you won't mind it. C'mon, sasabihin rin naman namin iyon sa iyo, ang kaso lamang ay humahanap kami ng tyempo. Another, your Dad wants this game. Tama nga s022iya, hindi ka pa ganoon kagaling." Sabi ni lolo. Inirapan ko na lang siya. Eh basta! Naiinis pa rin ako, pero hindi sa kanila, sa katangahan ko.
"But she's the best agent in this generation." Pag depensa ni lola sa akin.
"Sige na nga, ibibigay ko na iyon kay Ariana at mukhang napipikon na ang aking apo eh." Nambola pa si lolo.
Okay kaya mo 'to Ariana. Sabihin mong ayaw mo nang magpanggap bilang si Criana at... hindi magpapanggap ka pa rin pero babalik ka sa Mars Universe.
"Babalik na ako sa pagiging agent!" Proud na sabi ko at napatayo pa sa kinauupuan ko. Nandito kasi kami ngayon sa kitchen at kumakain kami ng agahan. Napatingin naman sila sa akin nang gulat.
"Apo, wag ka namang padalos-dalos sa desisyon mo." Sabi ni Lolo. Samantalang nanahimik lang si lola at hinihintay ang explanation ko. Katapat ko ng upuan si lola at nasa right side ko si lolo.
"Tama na ang pagpapanggap kong ito. Ay hindi, ipagpapatuloy ko ang buhay ni Criana. Kaso sasabihin ko nang buhay pa ako. Kikilos na ako. Pakiramdam ko kasi, nabubulok na ako." Pag-aamin ko.
Sabay pa silang nagbuntong-hininga.
"I bet you have decided, okay then." Sabi ni lola mercedes na ikinangiti ko.
Pagkatapos kong kumain ay inihanda ko na ang kotse ni Criana sa pagpasok. Mabuti na lang at hindi ako sinundo ngayon ni Justin, bakit kaya? Anyways di naman ako papasok sa school, sa Mars Universe US.
Iniistart ko pa lang ang kotse at biglang tumawag sa akin si Dennise. Hayst. Ano naman kayang kailangan nito sa akin?
Sinagot ko na ito.
"..." syempre, sya muna ang dapat na magsalita.
"Hello?" Ayan. Very good. "Hello Cricri?" Ulit-ulit?
"Ano?" Tanong ko sa kanya.
"Anong-ano? Nasaan ka na? May exam pa tayo ngayon sa major subject, Sis? Lutang ka again?" Sabi niya.
Ay shems oo nga pala! Hindi dapat akong mawala doon dahil wala nang special treatment.
"I'm on my way." Sabi ko at binabaan siya.
Sabi ko nga papasok muna ako eh, mamaya na lang ako pupunta sa Mars Universe.
-
"Kaloka ka Sis! Bilisan mo at malelate pa tayo!" Sabi niya habang nakapulupot ang braso sa akin.
Ang bilis ng lakad namin, ang sakit na nga raw ng paa niya dahil sa mabilisan naming paglalakad. Pero ako? Well, sanay ako riyan.
"Madali lang naman 'yung exam." Confident na sabi ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong iyon kahit na ang totoo ay hindi ako nakapag review.
"Well good luck to the both of us. Where nga pala si boyfie mo?" Tanong niya.
"Ewan." Walang ganang sabi ko. Sino ba naman ang gaganahan hindi ako nakapag review. Tapos wala pa siya.
"Hindi ko pa nakikita eh. Maybe he's wala here." Sabi niya.
"Absent?" Tanong ko.
"Kayo mag couple diba? Siya ang tanungin mo." Inis na sabi niya. Sus! Inggit lang 'to wala siyang jowa eh. Ako rin naman, wala.
BINABASA MO ANG
TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)
أدب المراهقينThree faces Three personalities Three bodies One heart Tripple Shots Si Ariana ay hinahabol ng mga terorista, sinundan siya ng kapatid niyang si Criana. Instead na siya ang mabaril ay si Criana ang nabaril dahil sila'y kambal. Graduating student si...