CHAPTER 7: Date With You
Ariana's POV
Nandito kami sa kotse ni Justin, sa sports car niya. Habang pinapatakbo niya ang kotse, ang isang kamay niya ay nakahawak sa akin. Ganito ba talaga siya ka sweet?
Kahapon ko palang ito nakikilala ah? Tapos iba na ang nararamdaman ko dito? Bakit kaya tumitibok ang puso ko dito? Siguro dahil kinakabahan ako, oo. Wala ng ibang dahilan iyon. Imposible namang ma-in-love ako sa taong ito dahil kahapon ko pa nga lang nakikilala eh. Hindi naman totoo ang love at first sight, duh? Hibang ka? Tsaka isa pa, may girlfriend yung tao. Kambal ko pa, hindi lang kapatid.
"Hey babe, you okay?" Tanong niya. Kanina pa kasi ako tahimik at iniisip ang pagtibok ng puso ko. Isa pa 'tong kamay niya parang nangunguryente, hindi ko maipaliwanag.
"Yes. Wala namang dahilan para hindi ako maging okay." Sabi ko. Kahit na meron naman talaga.
Una, yung buhay ni Criana, still, unstable pa rin ang lagay niya.
Sunod si Briana, kamusta na kaya siya. Mas lalo kayang siyang nagalit sa akin dahil sa nangyari? Alam kong malaki ang inggit niya sa akin, pero kapatid ko pa rin siya.
Yung buhay ko, saan na 'to patungo? Grabe nagpapanggap ako, hindi naman ako ganito. Ay ganito pala ako, kasi spy eh diba?
Pero iba na 'to. Kapatid ko na mismo ang ginagaya ko.
Hayst. Sasabog na ako."Here we are. Please, don't think too much, sasakit lang ang ulo mo." Sabi ni Justin at hinalikan ang noo ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Halik ito ng halik eh.
"Sige. Bumaba na tayo" ang sabi ko. Ayaw ko namang buksan pa niya ako ng pinto ano, wala naman akong kapansanan.
Pagkababa ko ay nandito kami sa isang mall. Hindi ko alam ito dahil hindi naman ako taga dito.
"Let's go in." Nandito pa kasi kami sa parking lot. Nagsimula na kaming maglakad papasok. Hinawakan niya ang kamay ko at hinayaan ko na lang siya. Since ako nga kunwari si Criana.
Sa labas pa lang ay nakaka mangha na ang mga disenyo. Mapaghahalataan mo talagang mga mayayaman lamang ay may kakayahang makapasok dito eh. Well I mean makabili, pwede naman sigurong tumambay dito? Black and gold ang theme, nakakasosyal tingnan hindi ba? Pagkapasok namin ay mga kamangha-manghang tanawin ang aming nakita. Sabagay, magpapasko na nga dahil ber-months na. Yes, September na ngayon eh. September talaga ang pasukan nila. So weird.
Mga kumikislap-kislap na christmas lights, blue and white na ang theme. Ano 'to frozen? Red and green na lang sana. Much better. Yung mga escalator ay may design na pang christmas. Tapos sa pinakagitna ay may white christmas tree at ang laki nito. May mga props pang regalo kunwari at malaking upuan na kulay pula at naroon si Santa Claus at marami ang nakapilang bata sa kanya. Napangiti ako dahil may pumasok sa aking alaala. Noong ako'y labing dalawa pa lamang.
~•~•
Nandito kami ngayon sa Mall of Asia, pasko ngayon. Mas pinili naming gumala kaysa manatili sa bahay. Pagkatapos naming mamasko magkakapatid ay gumala kami. Kasama namin sina mommy at daddy.
"Mga anak, picture tayo doon oh sa Santa Claus." Ang sabi ni daddy.
Mayroon kasing Santa Claus dito na Amerikano at marami ang nakapilang bata para sa picture taking. Ang ganda mg view at talaga namang na stuck ang mga mata ko dito.
"Pakainin mo muna ang mga anak mo, mabubusog ba sila sa picture." Umirap pa si mommy. May point nga naman si mommy, nagugutom na kaya kami. Pero mas gugustihin ko munang magpapicture. Remembrance din para sa araw na ito.
"Mommy! Let's magpapicture na po muna. Baka po later mas long pa po yung pila eh so please, please." Sabi ni Criana.
"Dad! We should eat first. My stomach already hurts. I want to eat. That Santa can wait." Sabi ni Briana.
BINABASA MO ANG
TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)
Teen FictionThree faces Three personalities Three bodies One heart Tripple Shots Si Ariana ay hinahabol ng mga terorista, sinundan siya ng kapatid niyang si Criana. Instead na siya ang mabaril ay si Criana ang nabaril dahil sila'y kambal. Graduating student si...