CHAPTER TWENTY-EIGHT: Old Friend

60 77 0
                                    

28: Old Friend

ARIANA'S POV

Pagkababa ng tawag ay hinarap agad naming lahat si Ruby. Umiyak ito nang malakas at inalo siya ni Janelle. Hindi namin alam ang kanyang dahilan kaya nagsalita na si Criana.

"What's the matter? What's your relationship to her?" Tanong ni Criana habang naglalakad-lakad sa harapan ni Ruby.

Suminghot muna ito bago sumagot. Ngunit naunahan siya ni Jm. "Old friend, hindi mo ba narinig si Amethyst kanina?"

Nanlaki ang mga mata ni Criana sa sinabi ni Jm. Sinugod nito si Jm at sinapak sa tamang baril niya, mahina ngunit masakit iyon para kay JM.

"Aray! You dangerous f*ckin' woman!" Inis na singhap niya. Tumawang parang baliw na lang si Criana.

"She was my best friend back then." Nanginginig niyang simula. Tumingin ito sa akin. "She was my schoolmate when we are high school, she was your classmate, Ari, right?" Sabi niya sa akin.

Nagulat akong alam niya, ngunit nanatili akong matatag na nakaupo dito. Tumango ako sa kanya.

"I am already part of Mars Universe that time. Her father, Requile, siya pa ang leader noon nila at hindi pa siya part nila, hindi pa niya alam." Sabi ni Ruby. "Then I was assigned na bantayan siya, kasi nga baka alam niya. But I was wrong. Sa akin niya nalaman ang tungkol sa pamilya niya." Humikbi siya.

"So you're saying that you studied in the Philippines ." Sabi ni Jm at tumango-tango. "Tapos sinasabi mong hindi ka marunong mag Tagalog? Bakit?" Sumigaw na si Jm.

Hala oo nga 'no? Walang hiya! Pinagtitripan niya kami simula pa lang noong una.

"You b*tch!" Inis na sabi ko at sinugod siya. Sinampal ko siya ng sobrang lakas at sinabunutan ko siya. Naramdaman ko ang paghawak ng braso sa akin ni Janelle.

"Tama na 'yan!" Awat sa akin ni Janelle pero walang makakapigil sa akin.

"Hindi! Anong ibig sabihin nito? Magsalita ka!" Inis na sabi ko sa kanya. "Are you spy? What are you?" Inis na sabi ko sa kanya. Binitawan ko na sita para makapag salita ng maayos.

"Of course she's a spy. We're all spy." Nakuha pa talagang magbiro nitong si Criana ah.

Humihikbi ito nang binitawan ko na siya. Napatayo siya at umayos na sa pagkaka-upo. Nakita ko si Criana na naka sabunot na lang sa kanyang mga buhok.

"I am not a spy. She was just my friend. Kahit hanggang ngayon, kaibigan pa rin ang tingin ko sa kanya. Ayaw ko syang masaktan." Paliwanag niya habang umiiyak.

"You're a spy b*tch! That's our work." Si Criana ulit.

"Eh bakit kailangan mong itago na marunong ka mag Tagalog? Pinadugo mo nang husto 'yung ilong ko ah!" Sigaw niya. Seryoso iyon pero parang nakakatawa. Kayo na ang humusga.

"Ayaw ko kasing malaman niyong galing ako sa Pilipinas eh. Bumabalik ang lahat ng alaala ko kay Amethyst, she's Moira by the way." Paliwanag niya.

"I know it b*tch! She was my classmate." Natatawang paliwanag ko. Sarcastic iyon ah? Hindi 'yung dahil natutuwa ako sa kanya.

"I want to protect her. Kasi alam mo naman 'yung ugali niya. She's a b*tch but innocent before. Pero ngayon wala na. I want to protect her before, pero hindi na ngayon. Hinding-hindi." Paliwanag niya habang umiiling.

"Okay fine. But don't you think na pagkakatiwalaan ka pa rin namin katulad ng dati." Pagtatapos ko ng usapan at lumabas sa kwartong iyon.

Padabog kong sinarado ang pintuan. Lumabas ako at nagpahangin. Kailangan ko ng preskong hangin para makahinga.

-

Bumalik ako sa loob ng hospital. Hindi muna ako pupunta sa kwarto ki Jm, sa kwarto na muna ni Briana since ayaw ko pang makita ang masikreto at pekeng si Ruby. Isa pa, gusto ko ring makita ang lagay ni Briana. Nag text sa akin si Theo.

Theo Villa:
Briana's room is number 350.

What? Mahal doon ah? Wala akong budget.

Ako:
Expensive doon diba?

Sayang ang pera. I mean mas marami pang pwedeng pagtuonan ng pera kaysa sa 500k pesos(kung icoconvert) a day na room ni Briana, right. I have a reason. 'Yung kwarto naman ni Jm ay 20 thousand pesos a day lang. Alam kong mahal pero mura kung icocompare at pwede naman sa regular room lang si Briana. Mahal talaga sa hospital na ito.

Theo Villa:
I'll pay the bills.

Hindi na ako nagreply. Dumiretso na ako sa elevator at pinindot ang 5th floor kung saan nandoon daw si Briana. I wanna make sure if she's already fine.

Suminghap ako at naglakad na papunta sa room 350. Binuksan ko ang pinto at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang walang tao sa loob. Wala akong nakitang Briana kaya agad kong dinial ang number ni Theo.

"Yes hello? Why?" Tanong niya. May bumusina akong narinig, ibig sabihin ay nasa labas siya.

"Where is Briana?" Tanong ko at hindi na mapakali.

"I already told you. Room-" hindi ko na siya pinatapos.

"No! Wala siya dito. Sa room 350 wala talaga." Kinakabahang sabi ko.

"What? I'll be there." Iyon na lang ang simavi niya at pinatay na ang tawag.

We are clueless. We don't know where Briana is. Lumapit ako sa kama at may nakita akong sulat.

'Go find your sister b*tch' iyon ang nakalagay sa sulat na alam kong para sa akin dahil may nakalagay na To: Ari at Love: Ame. It's from Amethyst. Umirap ako at mabilis na lumabas. Nakabangga ko naman si Theo.

"Sana ay hindi ko pala siya iniwan." Wala sa sariling sabi niya habang tulalang nakatingin sa kama. Sinapak ko ang dibdib niya.

"Dapat talagang hindi. Saan ka ba galing?" Bwiset kong tanong sa kanya. Sinasapak ko pa rin siya.

"I just bought some foods for her." Sabi niya at nabitawan ang plastic na kanyang dala-dala. Napaupo ako at hindi ko na mapigilang maluha.

I know that I am not emotional but Briana is my sister. My twin sister. Ayaw kong may mangyaring masama sa kanya.

Akmang tatakbo si Theo ngunit hinawakan ko ang kanyang mga paa.

"Where are you going?" Pigil ko sa kanya.

"Titingnan ko ang cctv. Titingnan ko kung sino ang may pakana nito at sisiguraduhin kong wala siyang kawala sa akin." Sabi niya at dahan-dahang inalis ang kamay ko sa paa niya.

Naiwan akong tulala ngayon sa loob ng kwartong 350. Wala nang tigil ang lumalandas na mainit na luha sa aking mga pisngi. Nagulat ako nang may nakita akong boots sa aking harapan, senyales na mayroong tao.

Tumingala ako at nakita ko ang napaka unexpected na tao habang lumuluha. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang aking makita si

"Dennise?" Gulat na sabi ko.

#

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon