CHAPTER TWENTY-NINE: Amber

58 69 0
                                    

29: Amber

Ariana's POV

"Dennise?" Gulat na sabi ko. Napatayo ako at nilapitan siya.

"C-criana... I know where to find your sister, Briana." Naiiyak na sabi niya.

"I am Ariana but wait, you know? Paano mo nalaman?" Tanong ko. Napataas ang aking kilay.

"Uhm... sorry." Nanginginig niyang sabi. Pinagdikit niya ang mga daliri niya at nanginginig ang mga ito at kinakabahan. "Ariana, sasamahan ko kayo ni Criana sa mansyon ni ate." Sabi niya at nakayuko.

"Ate?" Pagtataray ko sa kanya. Tinaasan ko ulit siya ng kilay.

"Mansyon ni ate Moira. Ni Amethyst. Sumama na lang kayo sa akin, please." Nanginginig pa siya.

Hinawakan niya ang braso ko at tinabig ko iyon at nagulat siya. Nanlaki ang kanyang mga mata at napanganga siya sa ginawa ko. May mga luhang nanunuyo sa kanyang mga pisngi.

"Isa kang La Bamba?" Gulat na tanong ko sa kanya. Kumunot ang mga noo niya.

"Hindi!" Inis niyang sigaw. Siya pa ang may ganang mainis ah? Ang kapal rin ng isang 'to ah!

"Eh bakit sabi mo ate mo si Amethyst?" Galit nang sabi ko sa kanya. Dinuro ko pa siya. Hayop siya! Kaibigan na rin ang itinuring ko sa kanya at napamahal na ako sa kanya. Naging matalik ko pa siyamg kaibigan dito sa U.S.

"Yes she's my ate! A-anak kasi ako sa labas, kaya hindi ako La Bamba. Iba ang surname ko kasi iba ang tatay ko. Teka nga, why ba ako nag-eexplain sa iyo? Where's my siz--" hindi na siya natapos dahil isang malakas at malutong na sampal ang dumapo sa kanyamg pisngi. Ako ang sumampal sa kanya.

"Umayos ka!" Seryosong sabi ko sa kanya.

Tiger look siyang tumingin sa akin. "How dare you do that to me! Hindi mo ako kila--" pinutol ko ulit siya.

"Kilala kita! Kilalang-kilala kita! Akala ko kilala kita!" Dinuduro ko ulit siya. "Ngayong fourth year ni Criana sa college? Ako 'yun! I lived her life kasi na comatose siya. We were friends! Sobrang totoo ang lahat ng pinakita ko sa'yo tapos..." hindi ko rin naman siya masumbatan kasi hindi niya ako pinakitaan ng masama. "Ahhh!" Napasigaw na lang ako at umupo. Hawak-hawak ko ang aking ulo.

"What? Ikaw kasama ko buong school year? Sabi ko na eh! May duda na talaga ako! Pero hindi iyaniyan ang importante ngayon! Ang importante ay mahalaga!" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa katangahang huling sinabi niya. "Ang importante ay si Briana!"

Bigla akong nabuhayan sa sinabi niya. Ang kapatid ko nga pala! Napatayo ako nang wala sa sarili. "Tara na, lumarga na tayo!" Sabi ko at biglaang tumayo.

"Nasaan muna si Criana? I want to talk to her." Nanginginig na sabi niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Talagang hindi siya mapakali.

"Let's go. Puntahan natin siya." Iyon na lang ang sinabi ko at lumakad na kami.

-

" 'Yung plano ah? Are we clear?" Tumingin ako sa rearview mirror upang makita kung sang-ayon ba sila. Nasa harapan kasi ako ng kotse ni Theo, si Theo ang nagdadrive.

"Yes. Itatama ko na ang mga pagkakamali ko." Sagot ni Ruby, seryoso ito at sigurado siya sa kanyang sinasabi. Katabi nito si Dennise at sa tabi ni Dennise ay si Janelle na nasa kaliwa.

"Me too. That's why I am here." Sabi ni Dennise habang nakatingin sa kawalan. Nag-usap sila kanina ni Criana pero hindi ko alam dahil silang dalawa lang naman ang nag-usap.

"So ito 'yung plano guys ah? Theo, find Bri at the guest room of Amethyst. Dennise will go and distract her sister and the bodyguards. Ariana will follow you and Emma will just stay here..." tumingin siya kay Ruby "like you always do. 'Yung mga earphones, okay?" Tumango naman kami sa kanya. "I'll be with Theo. Ililigtas namin si Briana." Confident na sabi niya. That's my best friend.

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon