Roses 3

853 20 2
                                    

Haven and Claude
Chapter 3

3rd Person's

Namumuo parin sa katawan ng Hari ang galit at inis na kanina pa nito tinitimpi. Pilit nito itong kinakalma. Hindi rin nito maintindihan kung bat ito nagagalit. Kung ano ang dahilan ng pag kainis nito. Kung ang dahilan ba nito ay misteryosong mga mata ng bilanggo na iyon.

Mas lalong napuno ng inis ang sistema ng Hari nung naramdaman nitong may sumusunod sakaniya. At kilala na nito kung sino ito.

"Claude" wika nito sa malalim na boses kung kaya't nakangising lumabas sa pinagtataguan nito ang isang lalaki na nakasuot ng kulay puting tailcoat na sinusuot lamang ng mga noble sa panahon nila.

Nakasuklay patalikod ang kaniyang kulay blonde na buhok, naiiba sa lahat ng magkakapatid. Ang mga kamay nito ay nakalagay sa bewang nito at tuwang tuwa na tinitignan ang Hari na nakasuot ng damit na ginawa lamang para sa Hari. Makikita mo ang inggit at galit na nakabahid sa kaniyang kulay asul na mata.

"Yes, your highness. Pfft! Ang pangit! Di bagay sayo Feitan. Di dapat ikaw ang naging hari ng lugar na to. Wala kang kwenta. You need God-- no you need to die. You bring mischie--" naputol ito sa pagsasalita dahil sa sinabi ng Hari na siyang nakapagpawala ng boses niya. Napatitig ito at hindi makapaniwala sa sinabi ng nakababatang kapatid.

"Luhod" wika ng Hari saka itinapat sa harap ng sapatos nito ang gintong baston na siyang pag aari ng Hari. Hindi parin makapagsalita ang kaninang nakangising si Claude.

"Lumuhod ka Claude. Halikan mo ang aking paa" Wika ng Hari sa striktong boses. Hindi na kinaya ng Hari ang inis na nararamdaman at binuntong nalamang ito sa nakakatandang kapatid.

"Ayoko. Mas matanda ako sayo, Feitan" Nagangat ng tingin si Claude at dahil duon ay nagsalubong ng tingin ang Hari at si Claude. Nababahiran ng takot ang kulay asul na mga mata ni Claude habang ang kulay itim naman na mata ng Hari ay napupuno na ng galit. Napakadilim nito na oras na makasalubong mo ito ng tingin ay tiyak mapapaluhod ka.

"Sinong nagsabi na pwede mong salubongin ang tingin ko, Claude? Luhod! Halikan mo ang sahig!" Sigaw ng Hari na umalingawngaw sa buong daanan. Agad na naalarma si Francine na kanina lang ay naglalakad ng nakangisi. Napatakbo ito at napangisi lalo nung naabutan nito ang Hari at si Claude. Nakayuko si Claude at akala mo'y aso na sobrang bait.

"P-pero Feitan--" natigil nanaman ito sa pagsasalita nung malakas itong hinatawan ng baston sa tagiliran nito. Napasigaw si Claude at napaluhod. Gumuhit ang isang nakakalokong ngisi sa labi ng Hari nung nakita nitong umuubo na ng dugo ang kapatid.

"Wag na wag kang sasagot saakin Claude. Wag na wag mo akong titignan sa mata. Tandaan mo, Hari mo ako. Igalang mo ako, Claude" wika ng Hari saka inapakan ang ulo ni Claude kaya napahalik ito sa kulay pulang carpet. Dumating ang panganay sakanilang magkakapatid. Nakalugay ang kulay itim nitong buhok kaya'y natatakpan nito ang isang mata nito. Nakaguhit sa labi nito ang isang ngisi. Nakasuot ito ng kulay asul na tailcoat na gawa ng pinakamagaling na mananahi ng palasyo. At hawak nito sa kaliwang kamay ang isang libro na kanina'y binabasa nito.

"Anong nangyayari dito, Mahal na Hari?" Nakangising tanong ni Felix na inilagay ang kanang kamay sa tiyan saka lumuhod bilang pagbibigay galang sa Hari. Lumingon ang hari patalikod at dun nakita si Felix na nakaluhod.

Hindi sinagot ng Hari ang nakakatandang kapatid sapagkat tinawag nito ang isa sa mga Guards nito.

"Francine, dalhin mo sa kwarto si Claude. Felix, sabihin mo sa ating ina ang ginawang kasalanan ni Claude" wika ng Hari sa strikto at seryosong tono. Lumuhod at yumuko agad ang dalagang si Francine at yumuko naman ang kanina pang nakaluhod na si Felix.

The Blood Above The Roses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon