Roses 38

346 6 0
                                    

Past
Chapter 38

3rd person's

Mabibigat ang hakbang ng hari palayo sa kwartong iyon. Gulat parin ito. Pakiramdam nito ay napakabiglaan ng lahat. Ni wala man lang siyang nagawa.

Hindi nito alam ang magiging reaksyon matapos makita ang buong pamilya na walang buhay. May nararamdaman itong sakit ngunit hindi ito sapat upang masira siya.

Simula palamang ng una ay wala nang pakealam sakaniya ang pamilya niya. Tila naggagamitan lamang ang lahat ng kapatid at magulang nito. Kaya hindi ganoon kasakit ang nararamdaman ng Hari dahil kahit kailan ay hindi naman ito nakaramdam ng kahit anong apeksyon galing sa pamilya.

Masakit parin ang loob nito matapos iwan si Roseanne sa pangangalaga ni Deeona at Aldois. Pakiramdam nito ay hindi parin sapat ang dalawang yun upang maprotektahan ang babaeng mahal niya, ngunit wala itong magagawa kundi magtiwala nalamang.

Dahil hindi pwepwedeng siya mismo ang sumama kay Roseanne. Mas lalong mapapahamak si Roseanne kapag natagpuan ito ni Evanor. Kaya sa abot ng makakaya nito ay ilalayo niya si Evanor mula kay Roseanne.

At isa pa sa pinagaalalala ng hari ay kung magkita man si Ray at Roseanne.

"Roseanne.." bulong nito.

Derederetsyo itong naglakad papunta sa hagdan pababa ng palasyo. Lalabas ito ng palasyo upang harap harapang puntahan si Evanor.

Napakagulo ng paligid. Totoo nga na may isang gera na nagaganap.

Dumating ang mga taga Mainland at Southland ng may mga dalang mga kakaibang gamit pang gera. Malalaking canon. Iba't ibang klase ng mga armas.

At habang papalabas si Feitan ay nakasalubong nito si Chain na may akay akay na isang sugatan na reaper.

"Mahal na hari!" Gulat na wika ni Chain nung nakita nito si Feitan. Naramdaman agad nito ang madilim na aura na dinadala ng Hari. Agad ito yumuko bilang pagpapakita ng galang.

"Galing po ako sa bayan at gaya ng hula mo kamahalan. Nagtraydor nga ang Mafia na pinamumu--" natigil sa pagsasalita si Chain nung nilingon ito ng Hari. "--n-nuan.." wala sa sariling tuloy nito sa gustong sabihin.

"Save all the innocent peoples out there in the battlefield. Lay your life for our people, Chain." Wika ng hari saka nagpatuloy sa paglalakad papalabas ng palasyo.

"Yes! Your highness!" Sigaw ni Chain ng may ngiti sa labi.

Eto ang pangarap ni Chain. Ang mapaglingkuran ang haring iniidolo niya.

Lumaki ng magisa si Chain sa Deathland. Araw araw ay nakikipagsapalaran ito sa madugong pamumuno ni Salvador. Lahat ay maaring mamatay noon. Walang ligtas sa kamay ni Satanas.

Pero noong siyam na taong gulang ito ay kinupkop siya ng kinikilala niyang si Ate Marsya. Tumira ito sa bahay ni Marsya kasama ang apat na babaeng kapatid ni Marsya. Naging masaya ang buhay ni Chain. Nagkaroon ito ng kinikilalang pamilya.

Pero dahil sa walang batas ang Deathland ay nasawi si Marsya at ang apat nitong kapatid sa kamay ng isang sakim na Gang Leader noong labing isang taon na si Chain. Nirape nito si Marsya at ang mga kapatid nito hanggang sa iniwan nalamang ito sa daan upang mamatay mag isa.

The Blood Above The Roses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon