The Prince
Chapter 193rd person's
"Did you find the information Dill?" Tanong ni Onda na kasalukuyang nakaupo sa paborito nitong upuan habang nakataas ang mga paa nito sa kaniyang lamesa.
Hawak hawak nito ang isang litrato habang may ngising nakasilay sa mga labi nito.
"Yes. But in exchange we have to serve the source of information" wika ni Dill saka umupo sa sofa na nakapwesto sa harap ng lamesa ni Onda.
"What?! Who is it?!" Malakas na sigaw nito at biglang napatayo. Ayaw nitong inuutus utusan ito dahil gusto nitong siya ang sinusunod. Inutusan nito si Dill na kumuha ng impormasyon tungkol sa tinatawag nilang Leon. Dahil sa unang kita palamang ni Onda dito ay nagkainteres na ito dahil sa ugaling ipinakita ng binata noong unang beses silang nagkaharap ni Onda.
"The First Prince of the Mainland, Prince Evanor Zenoir" wika ni Dill kaya biglang napaupo si Onda at muling sumilay ang ngisi sa labi nito. Akala nito ay isang mababang tao lamang ang naguutos sakaniya pero nung napagalam nitong isang prinsipe ang mismong nagutos sakaniya ay hindi nito napigilang makaramdam ng tuwa. Dahil mukhang ang pamilyang Zenoir na mismo ang lumalapit sakaniya.
Si Onda ay anak ng isang journalist na nagmumula sa Diavanna, La Angèlo; isang nasyon na nagmumula sa kabilang parte ng mundo. Dahil sa isang balita balitang mayroong kakaibang nagaganap sa tinatawag nilang Lost Side o Phantomland ay ginawa ni Onda at ng kaniyang ama ang lahat upang makarating si Onda sa Mainland. At doon rin nito nalaman ang tungkol sa pamilyang Zenoir at ang tradisyon na mayroon sila.
Anim na magkakapatid ay binigyan ng tigiisang nasyon. Ang tradisyon na bawat isang hari ay kailangang bumuo ng isang pamilya na may limang prinsipe at prinsesa. Ang ikatlong anak ay magiging Hari o Reyna ng lugar na kinagisnan. Pagpatak ng edad na labing tatlo ay kokoronahan na ito bilang isang opisyal na Hari o Reyna at magsisimula nang mamuno sa lugar na iyon hanggang sa magkaroon ito ng limang anak at hanggang sa magtuloy tuloy ang tradisyon.
Nalaman ni Onda ang tungkol sa tinatawag na Deathland kung saan pinapatapon ang lahat ng nagkakasala at habang buhay na paparusahan doon base sa mga sala na nagawa ng bawat indibidwal.
At ang nakakuha ng atensyon nito ay kung bakit anim ang bilang ng mga prinsipe at prinsesa na mayroon ang deathland samantalang ang lahat ng pamilyang Zenoir na nasa ibang mga kaharian ay may mga saktong bilang ng mga anak.
Dahil sa pagkauhaw nito sa katotohanan ay pumatay ito kahit labag sa kalooban nito. Hindi lang isa ang napatay nito kundi sandamakmak na tao. Naging isa siyang mass murderer at pinadala sa Deathland ng may puting mata. Hindi rin biro ang naranasan nitong pagpapahirap upang makarating sa Deathland at muntik pa nito itong ikamatay.
At isang laking pasasalamat kay Dill dahil natagpuan nito ang kawawang Onda na tumakas pala sa palasyo dahil kamatayan na agad ang bumungad sakaniya pagkadating sa Deathland.
Ngayon ay nabubuhay na ito bilang isang Mafiosa.
"So what's the catch?" Tanong ni Onda saka pinagsaklob ang mga daliri nito nakangiting tumingin kay Dill na may ngisi narin sa mga labi.
"It's positive. That prostitute is the prince's little brother" wika ni Dill kaya mas lalong lumaki ang ngisi ni Onda at unti unti itong tumawa na para bang nakahuli ng napakalaking isda. Tumayo ito habang nakataas ang parehong mga kamay.
BINABASA MO ANG
The Blood Above The Roses (Completed)
General FictionW A R N I N G This story is disturbing and dark. This is not child friendly. This contains violence, sexual abuses, dark mentality and other issues that may offend others. ▪▪▪ --Blessing Potterhood's life is equivalent to a mere bug's life. Doing h...