Safe and Sound
Chapter 393rd person's
Pinaghalong lungkot at galit ang nararamdaman ni Roseanne sakaniyang kinikilalang kapatid. Matagal na nitong alam ang katotohanan sa kapatid nito. Na ilang beses siyang tinangkang patayin ng kapatid nito. Pero nagbago ang lahat nung nakigulo sa usapan si King August. Nung sinabi ni King August na gusto nitong pakasalan si Roseanne.
Nagkaroon ng pag asa noon si Roseanne na baka sakaling mapapalapit siya sa kapatid at matututunan na siyang mahalin nito.
Pero hindi. Ang akala niyang biyaya ay isa palang bangungot. Ang pagiging fiancè niya sa Hari ay ang mas nagdala pa sakaniya sa bangungot na kinakatakot nito. Pero dahil dito ay nakilala niya si Feitan. Ang munting prinsipe na mahilig sa rosas.
7 years ago
"August! Kausapin mo naman ako!" Malungkot na wika ni Roseanne dahil hindi ito kinakausap ni August.
Nilingon lamang ito ng malungkot ni August na parang may nagpipigil sakaniya na kausapin si Roseanne.
"R-roseanne.. patawad" malungkot na wika ni August saka tinalikuran si Roseanne. Mas lalong nalungkot ang mukha ni Roseanne. Kasalukuyang pagtitipon ng mga susunod na hari at ng mga kasalukuyang hari dito sa palasyo ng Mainland.
At nung naguusap ang mga hari ay sinundan nito si August kaso nga lang ay patuloy parin itong hindi kinakausap ni August.
"Duwag! Ni hindi mo man lang kayang suwayin ang kapatid mo! Duwag!" Inis na sigaw ni Roseanne sa papalayong si August.
"Shut up Rosie. Why are you even here?" Napalingon si Roseanne sa gilid nito nung narinig nito ang boses ng kapatid. Nakasandal sa pader ang nakakatandang kapatid nito na si Ray habang may nakapaskil na inis sa mga mata nito.
"Kasi fiancè ako ni August. I don't a reason to be here, kuya. Ikaw, bakit ka nandito?" Pagsagot ni Roseanne sa nakakatandang kapatid. Matapang ang batang si Roseanne. Kung noon ay umiiyak lamang ito sa tuwing pinagsasalitaan ito ng kapatid, ngayon ay natuto na itong ipaglaban ang sarili matapos ang ilang taon na pagmamaltrato sakaniya ni Ray.
"Evanor told me to come. Stop pestering August. He cares for his brother more than you, ugly" nakangising wika ni Ray saka nilapitan si Roseanne na masamang nakatingin sakaniya. Pagkadating niya sa harapan ni Roseanne ay hinawakan nito ng madiin ang mga pisnge ni Roseanne at pilit itong ipinatingala sakaniya.
"No one cares for you" walang emosyon na hinawi ni Roseanne ang kamay ni Ray saka ito tumakbo palabas ng palasyo. Hanggang sa nakarating ito sa likod ng palasyo kung nasaan ang parang gubat ng mga rosas at ang iisang fountain sa gitna ng mga dikit dikit na mga rosas.
Napatigil ito nung nakita nito ang isang batang lalaki na nakaupo sa paladpad na nakapalibot sa fountain. Agad nitong pinunasan ang luhang nasa mata nito saka nagsimulang lumapit sa nagiisang batang lalaki.
At napatigil muli ito sa paglapit nung nakita nito ang hawak ng batang lalaki. Isa itong pulang rosas na ngayo'y nababalot na ng dugo ng batang lalaki dahil sa higpit ng pagkahawak nito.
"Bakit nakahawak ka parin kahit nasasaktan ka na?"
"Bakit pinagpapatuloy mo parin kahit marami ka nang nasasaktan?" Walang buhay na tanong ni Roseanne kay Ray.
BINABASA MO ANG
The Blood Above The Roses (Completed)
General FictionW A R N I N G This story is disturbing and dark. This is not child friendly. This contains violence, sexual abuses, dark mentality and other issues that may offend others. ▪▪▪ --Blessing Potterhood's life is equivalent to a mere bug's life. Doing h...