Roses 13

426 14 1
                                    

WARNING!

THIS IS DISTURBING!

---

Does God even exist?
Chapter 13

3rd Person's

Sunod sunod na luha ang tumulo mula sa mata nito. Napaluhod ito. Nanghihina sa balitang natanggap.

Sirang sira na ito. Dahil ang nagiisang taong pumipigil sakaniyang pagiging masama ay tuluyan nang inagaw sakaniya. Nagmamadali itong tumakbo paakyat sa tore.

Bawat hakbang, limang beses kumakabog ang dibdib nito. Sa takot at galit na bumabalot sa buong pagkatao nito.

Naghalong sipon at luha ang dumudumi sa mukha ng prinsesa. Dahil sa balitang inagaw na ng Diyos ang prinsipe ng buhay nito.

Bakit nga ba nangyari to? Bakit nauwi sa pagkawala ng taong nagmamahal sakaniya?

Natigil ito sa bungad ng tore habang nakapaskil ang tingin sa duguang katawan na binalot ng kulay puting rosas na nagkukulay pula na dahil sa dugong sinisipsip nito. Nakangiti ito habang nakayakap sa isang larawan. Larawan nito noong unang beses na nasilayan ito ni Claude. Ang larawan ni Titania nung sanggol palamang ito. Nilagay ito ni Damari bago nito iniwan ang walang buhay na katawan ni Claude.

Nanghihinang napaupo si Titania habang ang isang kamay nito ay nakatakip sa bibig nitong pilit na kumakawala ng hikbi.

Lumapit sa dalaga ang Hari na mas naunang dumating sakaniya. Nilaglag nito ang isang piraso ng papel sa harapan nito.

"Wala na si Claude, Titania. Wag mong sasaktan si Damari. Baka sumunod ka kay Claude. Ang Valley ang pumili kay Damari na magparusa" wika ng Hari saka tinapik ang balikat ni Titania saka akmang aalis na sa tore.

"Bakit parang wala kayong pakealam?! Namatay si Claude! Namatay ang kuya natin! Pinatay siya ni Damari! Wala na si kuya! Feitan wala na ang k-kuya.. w-wala na si C-claude... ang s-sakit. Wala na s-siya.." hindi na kinaya pa ni Titania ang nararamdaman at bumigay na sa sakit na nararamdaman. Sobrang lakas na hagulgol ang nilabas nito. Umiiyak ito habang nakatingin sa nakangiting katawan ni Claude. Na para bang pumanaw ito ng masaya at walang pag sisisi.

"Huminahon ka Titania. Ayokong mabawasan nanaman tayo" wika ng Hari saka tuluyang bumaba sa tore. Nanghihinang gumapang si Titania sa tabi ni Claude. Niyakap nito ang katawan ni Claude saka hinalikan ang labing puno ng dugo.

"I-i love y-you" bulong nito saka isinandal ang ulo nito sa dib dib nito saka nagpatuloy sa paghagulgol habang patuloy na binibigkas ang salitang gustong gusto nitong sabihin kay Claude.

Naluluha habang nakatanaw sa dalawa si Deeona na nakaalalay kay Blessing na kinekwentuhan ni Deeona ng tungkol sa kung anong meron si Claude at Titania.

"Kasi nga diba, isang kasalanan ang bastusin ang hari. Pero ginawa ni Prince Claude yon. Kaya boom! Tapos muntik pa nitong saktan ang hari kung hindi pinigilan ni Princess Titania baka mas malala pa sa kamatayan ang ipapataw ng Valley" wika ni Deeona saka pinunasan ang luhang tumulo habang nakatingin kay Titania na hindi parin tumitigil sa kakaiyak habang nakayakap sa walang buhay na katawan ni Claude.

"Wag kang umiyak. Ang pangit mo" wika ni Aldois na naiinis na. Nakaupo ito sa taas ng puno habang si Blessing at Deeona ay nakaupo naman sa bench sa ibaba. Nasa taas itong dalawa dahil inutos ng Hari na dalhin si Blessing sa tore. Dahil kasalukuyang nagkakagulo sa baba at ayaw madamay ng Hari si Blessing. Kung kaya't iniwan niya muna ito kay Deeona at Aldois.

The Blood Above The Roses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon