Matched
Chapter 293rd person's
Bored na bored na nilalaro nito ang ink pen na nasa table. Patuloy itong nagiisip kung paano ito makakatakas sa advisor nito na palaging nanenermon sakaniya sa tuwing tumatakas ito sa mga gawain upang makapaggala sa bayan at personal na pagmasdan ang lugar na pinamumunuan nito.
Naging hobby na nito ang pag susuot ng disguise saka pagtakas sa palasyo upang gumala gala sa bayan upang makipaginteraksyon sa mga mamamayan ng lugar na pinamumunuan.
Ilang saglit lamang, ay bumukas ang pintuan ng study room nito.
Bumungad dito ang kaniyang advisor na si Marc. Mas matanda ito sakaniya ng labing dalawang taon ngunit tinuturing parin nito itong mas bata sakaniya sapagkat mas matangkad ito kaysa sa advisor nito.
Derederetsyong pumasok si Marc dala dala ang isang liham na ipinadala para sakaniya.
"King Templeton, may liham na nakasulat para sa iyo" magalang na wika ni Marc saka yumuko sa harap ng Haring ito na si King Templeton Zenoir ng Northland.
Gumuhit ang isang napakalaking ngiti sa mga labi nito nung nabasa nito kung kanino nanggagaling ang liham.
Napatayo ito at nagsimulang tumalon talon habang patuloy na sumisigaw at nagbubunyi dahil napakatagal tagal na nitong inaantay ang isang sulat mula sa naturing kaibigan.
Dahil sa ginawa nito ay nagulo nanaman muli ang nakaayos na kulay puti nitong buhok na may hindi pangkaraniwang pagkakulot. Palagi itong inaayos ni Marc upang hindi ito sumabog at makaabala sa paningin ng Hari ngunit dahil sa kakulitan nito ay nawawalang bahala lamang ang mga ginagawa ni Marc dahil paulit ulit lamang itong sumasabog.
"King Templeton naman!" Pagrereklamo ni Marc nung nakita nito na nagulo nanaman ang buhok nito. Tila nawala ang mga mata ni Templeton nung ngumiti ito ng parang humihingi ng tawad kay Marc.
"Paumanhin Marc! Pero kasi! Sa wakas, nakatanggap narin ako ng sulat mula sakaniya! Namiss narin kaya niya ako?" Excited na wika nito saka muling umupo. Kaingat ingatan nito itong binuksan, na tila natatakot itong masira at madumihan.
"Ipapaframe ko ito! Isa itong ala ala na minsang sumulat saakin ang ulupong na iyon!" Natutuwa nitong wika saka dahan dahang inalis ang liham sa lalagyan nito.
Unti unti nito itong binuklat saka sinimulang itaboy si Marc papaalis. Nakangiti lamang na lumabas ng kwarto si Marc. Alam nito kung gaano kasaya ang alaga nito na si Templeton. Dahil sa alam nito na sa lahat ng pinsan nito ay itong naturang taong ito lamang ang lubos na minamahal at pinagkakatiwalaan ni Templeton.
Naalala pa nito ang pinakapaboritong kwento ni Templeton na hinding hindi nito makalimutan dahil araw araw itong kwinekwento ng batang Templeton sakaniya hanggang sa pagbibinata nito.
"Marc! Marc! Marc! Before you sleep i want to tell you a story! A really, really great story!" Pangungulit ng batang si Templeton sa binatang si Marc na siyang kasalukuyang nagtratraing ng pagiging advisor ng susunod na hari.
Nagtataka man ay pumayag si Marc sa kagustuhan ni Templeton.
Bago pa man ito magsimula sa pagkwekwento ay may isang napakalaking ngiti na sa mga labi nito at nagsisimula nang mamula ang napakaputi nitong balat na halos maging kakulay na ng puti nitong buhok.
BINABASA MO ANG
The Blood Above The Roses (Completed)
Ficción GeneralW A R N I N G This story is disturbing and dark. This is not child friendly. This contains violence, sexual abuses, dark mentality and other issues that may offend others. ▪▪▪ --Blessing Potterhood's life is equivalent to a mere bug's life. Doing h...