I'm sorry
Chapter 203rd person's
Kinabukasan ay maagang nagising si Blessing ng may ngiti sa mga labi nito.
Nagunat unat muna ito saka nakangiting pinakiramdaman ang lamig ng hangin na tumatama sa mga balat nito. Ala una na ng madaling araw sa kasalukuyan at ito ang oras ng gising ng mga tao sa Deathland.
Pero agad ding nawala ang mga ngiti nito nung bigla itong nakaramdam ng sakit mula sa kaliwang bahagi ng ulo nito. Bahagya itong napahaplos dito habang iniinda ang sakit na nararamdaman.
"A-aray" bulong nito habang pilit na ninanamnam ang sakit. At sa isang iglap tila may isang senaryong nagpakita sa isipan nito.
"Tama na!" Malakas na sigaw ng isang batang babae habang nakatingin sa isang lalaki na may hawak hawak na kadena at pilit na isinasakal sakaniya.
"Manahimik ka!" Sigaw ng lalaki at malakas na sinipa sa dibdib ang batang babae sanhi para mauntog ang kaliwang bahagi ng ulo nito sa igid ng patusok na lamesa.
"S-sino yun...?" Tanong nito sa sarili saka binuksan ang pareho nitong mata.
Pero agad rin nito itong isinara nung nakarinig ito ng yapak na papunta sa kwarto nito.
At kasunod nito ang pagbukas ng pintuan nito.
"Magandang umaga, Blessing" wika ni Aldois na siyang pinagmulan ng mga yapak na narinig nito. Nakangiti naman itong hinarap ni Blessing kaya agad na namula ang parehong pisnge at tenga ng binata na agad nagiwas ng tingin.
Sinara nito ang pintuan at saka ito lumapit sa dresser na nasa bandang gilid ng kama ni Blessing. Kinuha nito ang isang wooden brush saka lumapit sa kama kung saan nakaupo si Blessing.
"Ano.. magandang umaga rin, Aldois. Si Deeona?" Tanong ni Blessing. Umupo si Aldois sa bandang likod ni Blessing saka sinimulang suklayin ang gulo gulong buhok nito.
"Nasa bayan, may inaayos na gulo doon kasama si Chain" wika ni Aldois saka namumulang sinusuklayan ang kulay itim na buhok ni Blessing.
"Blessing, may hapunan mamaya ang royal family. Kasama ka doon" wika ni Aldois saka ibinaba ang suklay matapos suklayin si Blessing. Nagtataka itong nilingon ni Blessing.
"Ako? Bakit ako?" Tanong ni Blessing na nagulat dahil sa sinabi ni Aldois. At nagulat din si Aldois dahil sa tono ng pagkakasabi ni Blessing, na parang nagibang tao ito. Kadalasan kasi ay tahimik lamang ito at mahinhin kung magsalita. Na parang isang babasagin na bagay. At ang tono ng pagsasalita nito ay parang isa itong matapang na babae.
At hindi ito napansin ni Blessing, na nagiba ang tono ng pananalita nito at patuloy parin sa pagaantay sa sasabihin ni Aldois.
Sa sobrang gulat ni Aldois ay hindi agad ito nakapagsalita at nanatiling nakay Blessing parin ang paningin.
"Aldois?" Tanong ni Blessing na siyang nakakuha ng atensyon ng binata.
"G-gusto kang ipakilala ng Hari" wika ni Aldois saka pilit na inayos ang sarili dahil tila nanigas ito sa gulat. At habang nakatingin kay Blessing na tinalikuran na ito ay bumaha ng tanong ang isipan ni Aldois.
BINABASA MO ANG
The Blood Above The Roses (Completed)
Narrativa generaleW A R N I N G This story is disturbing and dark. This is not child friendly. This contains violence, sexual abuses, dark mentality and other issues that may offend others. ▪▪▪ --Blessing Potterhood's life is equivalent to a mere bug's life. Doing h...