Roses 23

348 8 1
                                    

The Confrontation
Chapter 23

3rd person's

10 years ago

"Daddy! Daddy! Welcome homee!" Malakas na sigaw ng batang si Kaydence saka tumakbo papunta kay Lune na kakarating lang mula sa trabaho nito.

"Kaydence anak! Dahan dahan lang!" Nagaalalang wika ni Adesa na siyang ina ng magkapatid na Reoisè. Ang panganay na si Francine naman ay nakatayo lamang sa hagdan habang nakatingin sa ama nito at kapatid na nagyayakapan. Tila wala itong pakealam sa pagdating ng kaniyang ama.

"Kaydence, listen to Mom" matigas na wika ni Francine sanhi upang mapatigil sa pagtakbo si Kaydence at tumingala upang makita si Francine. Nakangiti lamang itong tinanguan ni Kaydence saka ito nagsimulang naglakad papunta kay Lune.

"Francine, di mo man lang ba babatiin ang iyong ama?" Wika ni Adesa kay Francine na nagsimula nang maglakad pababa ng hagdan. Walang pagbabago ang emosyon nito.

Sila ang tanging pamilya ng Reoisè sa Mainland. Ang padre de pamilya na si Lune Reoisè ay isang Commander ng mga Sundalo sa palasyo. Kaibigan nito ang hari noong panahon ng mga kabataan nito kung kaya't mabuting magkaibigan ang pamilyang Zenoir ng mainland at ang pamilyang Reoisè.

"Walang akong balak na salubungin yan Mom" aroganteng wika ng panganay na anak saka eleganteng naglakad papunta sa dining room ng kanilang napakalaking mansyon. Nakasuot pa ito ng light blue na victorian dress na paborito nitong isuot dahil ito ang ineregalo ng kaniyang kapatid na si Kaydence noong ika walong kaarawan nito.

"Anak naman.." nagaalalang wika ni Adesa. Napangiti nalamang ng malungkot si Lune saka nito sinalubong ang asawang nalulungkot dahil sa pakikitungo ng dating masiyahin at mapagmahal na batang si Francine sa dating paborito nitong ama.

"Wag kang mag alala Adesa. Desisyon ko ito, handa akong tanggapin kung ano mang magiging kapalit nito" wika ni Lune saka humalik sa labi ng asawa nito.

"Daddy! Wag kang pong magalala! Love na love ka ni ate!" Nakangiting wika ni Kaydence saka naunang tumakbo papunta sa dining room.

Pagkarating ni Kaydence sa dining room ay nandodoon na ang ate nito na nagaantay sa pagdating nito. Agad nitong sinalubong ang nakakatandang kapatid saka ito umupo sa tabi nito kahit nahihirapan pa itong makaakyat dahil sa taas ng upuan nila.

"Ate! Happy birthday! We love you ate! Maliit lang po yung gift ko sayo ate eh.. ito lang ang naabot ng naipon ko this year ate" nakangiting wika ni Kaydence saka inabot ang isang maliit na box sa harapan ni Francine.

"I love you too, Kaye" wika ni Francine saka hinalikan sa noo ang nakababatang kapatid. Nakatanaw naman mula sa pintuan si Lune at Adesa na nakangiti habang nakatingin sa magkapatid.

Natapos ang munting hapunan nila ng may mga ngiti sa labi dahil sa kakulitan ng kanilang munting prinsesa na patuloy na nagpapasaya sakanila. At bago bumalik sa kwarto si Francine ay pinigilan ito ng kaniyang ama upang kausapin tungkol sa bagay na siyang sanhi ng hindi nila pagkakaunawaan.

"Anak, bukas ay pupunta tayo sa palasyo upang bisitahin ang fiancè mo" wika ni Lune na napakaseryoso na ng mukha. Tila nawalan ng buhay ang batang si Francine dahil sa narinig nito.

The Blood Above The Roses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon