Roses 37

320 7 0
                                    

Side by side
Chapter 37

3rd person's

"Blessing?" Nagtatakang tanong ni Deeona pagkarating sa kwarto. Aksidente pa nitong natamaan si Roseanne pagkabukas nito ng pintuan kaya ganun nalamang ang pagtataka nito nung nakita niya ito sa likod ng pintuan.

Napahawak nalamang sa noo si Aldois dahil sa katangahan ni Deeona.

"Bakit ka nanjan?" Tanong parin ni Deeona na wala atang balak tulungan patayo si Roseanne. Hindi nalamang ito pinansin ni Aldois at inunahan na si Deeona. Binuhat nito si Roseanne at iniupo sa kama. Nakapikit si Roseanne gaya ng inutos ni Feitan. Kaya wala paring kaalam alam ang dalawa sa kung ano ba ang nangyari kay Roseanne.

"Blessing, magaling ka na ba?" Tanong ni Deeona saka lumapit kay Blessing. Inayos ni Aldois ang gulo gulong buhok ni Roseanne. At dun nito napansin ang namumulang mukha ni Roseanne. Napansin din nito ang namumulang leeg ni Roseanne na punong puno ng mga halik at kagat ni Feitan.

Sumakit ang dibdib ni Aldois dahil dito. Alam na ni Aldois na inangkin na ng Hari si Blessing at nasasaktan siya ng sobra sobra pa kaysa sa inaakala niya.

"Ano.. Deeona at Aldois.. pwedeng dalhin niyo ako sa tore?" Wika ni Roseanne saka nito sinubukang tumayo. Yun lamang ang naiisip niya na magandang pwesto upang matunghayan ang pangyayari sa labas. Para alam din nito kung kailan ito magsisimulang gumalaw. Ito ay kapag dumating na ang mga ipapadalang tauhan ni Evanor.

Hindi sigurado si Roseanne kung sasama ba si Evanor sa laban pero kapag sumama man ito ay gusto niya na siya mismo ang tatapos sa buhay ni Evanor.

Pero sa daan papunta sa tore ay may nakasalubong sila na hindi gugustuhin mang makita ni Roseanne.

"Oh? Magaling na si Blessing-- i mean, Roseanne?" Nakangising bungad ni Killan pagkakita kay Aldois at Deeona na kasama si Roseanne.

"Roseanne?" Nagtatakang tanong ni Deeona. Pero agad itong bumalik sa wisyo nung nakita nitong naglabas ng patalim si Kill.

Agad namang hinarangan ni Aldois si Roseanne pero agad din siyang hinawi ni Roseanne. Nasira ang plano nila ni Feitan dahil sa biglaang pagdating ni Kill na hindi niya inaasahang makakasalubong pala.

Binuksan nito ang kaniyang mata at derederetsyong tinignan ang kapatid.

Nilingon nito si Aldois at Deeona at agad na bumilog ang mata nito nung nasilayan nito ang imahe ng dalawa na lagi nitong kasama noon.

"Oh?! Ang ganda mo pala Deeona? Di bagay sayo! Pero hala ang pogi ni Aldois! Teka.. Aldois?! Aldois.. Zenoir?! Kapatid mo si Kuya Santi!" Bulalas ni Roseanne na di niya napigilan dahil sa sobrang excitement na naramdaman nung nakita ang dalawa. Pero agad ding bumalik sa dating emosyon si Roseanne nung napansin nito si Kill na nakangisi sakaniya.

"Deeona, Aldois. I'm giving you the rights to kill my Brother" nakangising wika ni Roseanne saka hinugot sakaniyang bewang ang magnum 45 na binigay sakaniya noon ni Feitan at itinutok agad kay Killan na siyang kapatid niya.

"Yes, your highness!" Sigaw ng dalawa saka sinimulang umatake kay Kill.

•••

"Ina.. pwede ko po ba silang patayin?" Tanong ni Damari sa kaniyang Ina na nakaupo sa trono nito. Nasa tabi nito si Damari na nakaupo naman sa trono na para sakaniya. Habang si Salvador ay galit lamang na nakatingin sa walang buhay na katawan ng anak nito na si Titania. Nagagalit ito sa sarili dahil wala itong magawa upang mailigtas ang mga anak.

The Blood Above The Roses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon