Live and Be free!
Chapter 263rd person's
"And that's it."
Hindi maintindihan ni Feitan ang mararamdaman matapos marinig ang kwento ni Francine.
"About that.. blonde haired girl, Roseanne. Do you often see her in the palace before?" Sa dami ng nasabi ni Francine ay ang tungkol kay Roseanne ang unang nakakuha ng atensyon nito.
"No" giit ni Francine.
"Parang awa mo na, mahal na hari. Ako nalang ang parusahan mo. Please... wag si Kaydence. Not her" pagmamakaawa muli ni Francine. Alam narin ni Feitan kung sino ang gumawa ng bagay na yun kay Kaydence ngunit wala itong lakas upang sabihin kay Francine ang katotohanan. At dahil dito nabuo ang isang desisyon na hindi nito inaasahan.
"Go back to the castle, Francine. Live and Be free. Spend your days together with your husband and sister. I, myself will kill the suspect for Kaydence" tila nalaglag ang panga ni Francine dahil sa sinabi ng hari. Sunod sunod itong napalunod at di lubos na maintindihan ang sinasabi ng Hari.
"Po?" Nagtataka nitong tanong.
"But in exchange of that.." wika ng Hari. Muling napalunok si Francine habang inaantay ang kapalit na hihingiin ng hari.
"Your child. Give your child to me, Francine. Make your child my child's right hand in exchange of Kaydence's justice" wika ni Feitan saka nagpamalas ng isang ngiti na hindi inaakalang makikita ni Francine.
Matagal nang alam ng hari na may ibang agenda ang magkapatid kaya lagi niyang binibigyan ng mabibigat na gawain si Francine upang di nito mapansin na iniimbistigahan na ng hari si Kaydence at dahil sa nahanap ni Chain ay napagdesisyunan na ng haring tapusin ang matagal nitong pagbabantay sa dalawa.
"You are my right hand, Francine. And i want the same for our childs" wika ni Feitan. Agad na yumuko si Francine bilang napakalaking pasasalamat sa hari dahil sa kakaibang kabaitan na pinakita nito. Nagawa lamang ito ng hari dahil sa pagbanggit nito kay Roseanne. At dahil narin sa koneksyon ni Francine kay Evan. Walang kaalam alam ang hari sa nangyayari sa labas dahil sa pagiging busy nito sa pagpapamahala sa buong deathland.
"Now go, i'm letting you go now. Live the rest of your life with your sister" wika ng Hari saka tumayo.
"Yes, your highness!" Malakas na sigaw ni Francine na may hindi na maitagong ngiti sa labi. Lumabas narin si Feitan ng kwarto.
Sa pintuan nito ay nagaantay ang isa sa mga bantay nito.
"Ihatid mo na. Ikaw nang bahala sakanila" bilin nito saka nakangising naglakad papunta sa kwarto kung saan itinago si Kaydence na nakatulog nanaman.
Nasa tabi nito si Deeona na mukhang kanina pa inaantay.
"Your highness!" Sigaw nito saka yumuko sa hari.
"Kapag dumating dito si Francine pakawalan mo na si Kaydence" wika ng hari na nakapagpataka kay Deeona. Tila naghugis patanong ang utak nito dahil sa sinabi ni Feitan.
"Ha? Bakit po?" Tanong nito na siyang ikinasalubong ng kilay ni Feitan. Nasa isip nito na.. 'eto nanaman tayo kay Deeona'
"They're leaving" wika ng Hari habang nakatingin parin kay Kaydence. Dun rin lang napansin ng hari ang mga daliri nitong di kakulay ng balat niya.
BINABASA MO ANG
The Blood Above The Roses (Completed)
General FictionW A R N I N G This story is disturbing and dark. This is not child friendly. This contains violence, sexual abuses, dark mentality and other issues that may offend others. ▪▪▪ --Blessing Potterhood's life is equivalent to a mere bug's life. Doing h...