His love
Chapter 313rd person's
Ramdam na ramdam ni Feitan ang mga luhang patuloy na kumakawala sa mga mata ni Roseanne habang nakadikit ang mga labi ng isa't isa. Agad na humiwalay si Feitan at akma na sanang pipigilan si Roseanne.Pero bago pa ito makalayo ng tuluyan ay agad na umupo sa Roseanne sa binti ni Feitan saka yumakap sa bewang nito. Sinandal nito ang ulo sa dibdib ni Feitan saka nakangiting hinigpitan ang yakap. Habang si Feitan naman ay nakangiting nilagay ang palad sa ulo ni Roseanne.
"Namiss kita.. hindi, miss na miss kita." Nakangiting wika ni Roseanne. Mas lalong lumaki ang ngiti nito nung narinig nito ang nagwawalang damdamin ni Feitan. Nung narinig na walang sinagot sakaniya si Feitan ay tumingala ito.
At agad na nagtaasan ang balahibo nito nung nakita nito ang ekspresyong pinapakita ni Feitan habang nakatingin sakaniya.
"Y-yikes.." nauutal na wika ni Roseanne saka dahan dahang humiwalay pero agad din itong natigil nung mabilis itong niyakap pabalik ni Feitan sakaniya.
"I missed you so much, Roseanne" wika ni Feitan sa boses nitong malalim. Ramdam na ramdam nito ang init na hindi nito maramdaman noon. Ang yakap na may kasamang pagmamahal at pagaalaga na ilang taon nitong hinahangad na makuha. Pitong taon na ang nakalipas noong huling nagkita ang dalawa, kung kaya't hindi nila mapigilang mapangiti at mapaiyak habang sa wakas ay yakap yakap na ang isa't isa.
Walang makakapantay sa saya na nararamdaman ng dalawang iyun sa panahon na iyon. Pinaglayo man sila ng mga taong sakim at galit, mas nangingibabaw parin ang pagmamahal na mayroon sila sa isa't isa kung kaya't wala ni isa ang bumitaw kahit isang manipis na sinulid nalamang ang nagdidikit sakanila.
Alam ni Roseanne na may gagawin sakaniya ang mga taong nandodoon noon kung kaya't gumawa ito ng paraan para mailigtas ang sarili, kahit ang kapalit man nito ay sariling buhay. Kumapit sa 0.5% tsansa si Roseanne para lamang makarating sa kinaroroonan nito ngayon kung kaya't ganon nalamang ito kaemosyonal.
"Tantan? T-thorn? Feitan? Ikaw t-talaga yan diba?" Nakangiting wika ni Roseanne saka hinaplos ang mukha ni Feitan ng nakapikit. At nung nakumpirma nito na tama ang lahat, mula nung napakadilim pa ng mundo nito, hanggang sa nagliwanag muli at ang mukha ng pinakamamahal nito ang bumungad sakaniya ay wala na itong nagawa muli at napaiyak nalamang.
"Yes, my lady" nakangiting wika ni Feitan. At muli, umiyak nanaman si Roseanne. Iyak na hindi puno ng sakit, kundi saya. Saya na nahanap muli nito ang lalaking minamahal nito.
Umiyak ito ng umiyak hanggang sa nauwi nalang ito sa ngiti habang paulit ulit na hinahawakan ang mukha ni Feitan.
Hanggang sa nainis na si Feitan at agad na sinalubong ng halik si Roseanne. Gulat man, lumaban ito at humalik ng may ngiti sa labi.
Pero nung akma na itong ihihiga ni Feitan sa kama ay agad itong umiwas at tumayo. Tumakbo ito patungo sa pintuan ng kwarto nito at nakangiting nilock ang pintuan. Humarap ito kay Feitan ng may ngisi ang labi habang nakasenyas ng nagpapatahimik.
Napatawa nalamang si Feitan sana nakangising hinawi ang bangs nito pataas.
Nakangising tumakbo pabalik si Roseanne sa kama kung nasaan si Feitan. At doon, sinalubong nito ng isang nangaasar na halik si Feitan.
![](https://img.wattpad.com/cover/204166903-288-k365895.jpg)
BINABASA MO ANG
The Blood Above The Roses (Completed)
Genel KurguW A R N I N G This story is disturbing and dark. This is not child friendly. This contains violence, sexual abuses, dark mentality and other issues that may offend others. ▪▪▪ --Blessing Potterhood's life is equivalent to a mere bug's life. Doing h...