Roses 1

2.2K 28 0
                                    

Blind Murderer
Chapter 1

Blessing

"Now let me explain the details, Mr. Furrer" narinig kong sabi ng isang lalaki sa microphone kaya naririnig ng lahat ng nasa court. Napahigpit lalo ang aking hawak sa aking baston habang patuloy na tinatatagan ang aking loob.

Wala akong kasalanan. Yan ang nakatatak saakin isip at patuloy na nagpapatatag saaking loob. Na hindi ko naman ginusto ang lahat ng nangyayari na ito. Baka isa ito sa way ni God para mas mapatatag ako at mapalakas para mas maharap ko ang mga pagsubok na parating saakin.

"Blessing Potterhood is proven guilty and ready to take the consequences" i'm not guilty. Napangiti nalamang ako ng mapait saka unti unting napayuko habang patuloy na dumadaloy ang mga luha mula saaking mata na di nakakakita.

Mas lalong humigpit ang aking hawak sa baston nung nagpatuloy sa pagsasalita ang lalaki.

"September 13, 5037. 3:01 am at Daydream's Bay. Potterhood is found holding a piece of knife and a dead body by her side. She is proven guilty and will be taken to Deathland after 2 days of torture" wala akong hawak na kutsilyo.

Natutulog ako sa labas ng bahay namin noon, nakatulog ako habang nagaantay sa pag uwi ni Nanay. Hanggang sa nagising nalang ako na nasa di pamilyar na lugar. May posas ang aking kamay. Walang sumasagot sa lahat ng tanong ko. Ilang beses nila akong sinaktan. Hinahanap ko ang aking ina hanggang sa napagalaman kong binenta ako nito, sa mayayamang ito upang sumalo sa kasalanan na nagawa ng kanilang anak.

Natatakot ako.

Sa maaring mangyari saakin lalo na't hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid. Puro mga boses lamang nila na naghihiyawan at nagbabato ng masasamang salita saakin.

Maniniwala kayo? Na isang bulag na tulad ko ang makakapatay sa isang lalaki na nasa edad bente otso? Habang ako na isang labing limang taon na dalaga, bulag pa ha ang inaakusang pumatay?

Kung hindi ba naman mga tanga to at nagpapaniwala sa sinasabi ng matapobreng bumili sakin.

Pero wala na akong magagawa dahil nandito na eh. Nasa harap na ako ng judge at napagdesisyonan na nilang itapon ako sa Deathland. Kung saan ako maninirahan hanggang sa dumating ang panahon ng kamatayan ko.

Ang Deathland ay isang napakalaking syudad na nasa isang isla sa malayo. Ang pamilyang Zenoir ang namamahala sa buong Deathland. Ang dating hari ay kapatid ng Dating Hari namin dito sa Mainland.

Lahat ng mga kriminal at may masasamang nagawa ay ipinapatapon dun bilang kaparusahan sa nagawa nila. At isa na ako don.

Pagkatapos ng dalawang araw ay magiging mamamayan na ako dun at magsisimulang makipaglaro kay kamatayan araw araw.

3rd Person's

Naluluha man sa nangyayari ang batang si Blessing ay pilit parin nitong pinapalakas ang loob. Habang ang mag asawang Furrer ay nakangisi at tila nasasayahan sa inabot ng batang inosente.

Ang ina nito na siyang nagbenta kay Blessing ay ngayo'y napapakain at nabubuhay na ang walong nakababatang kapatid ni Blessing. Alam ni Blessing na ginawa ito ng kanyang ina para sa mga nakababatang kapatid niya kaya'y wala itong nagawa kundi tanggapin nalamang ang katotohanan at maging masaya para sa mga kapatid nito na sana'y nakakakain na ng masasarap na pagkain ngayon.

The Blood Above The Roses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon