Her kind of despair
Chapter 163rd person's
Walang buhay na bumalik si Titania sa loob ng palasyo. Alam nitong wala na itong magagawa pa upang maibalik sa buhay si Claude. Alam rin nitong hindi ito pwedeng maghiganti dahil alam nitong agad itong susunod kay Claude. Hindi rin nito pwedeng hayaan na kainin ang sarili ng galit dahil alam nitong hindi iyon gugustuhin ni Claude na mangyari kay Titania.
Wala itong ibang pwedeng gawin kung hindi tanggapin ang pagkamatay ng pinakamamahal nito.
Unang beses itong natutong magmahal. Gaya ng kapatid nitong si Feitan ay nakahanap ito ng liwanag sa walang humpay na kadiliman ngunit tulad rin nito, inagaw mula sakaniya ang liwanag na siyang unti unting nagpabago kay Titania.
Bumalik muli ito sa kadiliman bilang ang babaeng tinatawag nilang Titania, the shadow princess.
Pagkabalik nito sa loob ng palasyo ay dumeretsyo ito sa throne room kung saan nito inaasahang makikita ang ina.
At gaya nga ng inaasahan nito ay nandoon ang kaniyang ina na nakatingin sa isang litrato, litrato ni Claude.
"Ina" wika nito ng may awtoridad. Agad na nagangat ng tingin si Amanda. At nung nakita nito ang napakadilim na mata ng anak ay isang malaking ngisi ang gumuhit sa labi nito.
"Welcome back, Titania" wika ng ina nito saka inilapag ang litrato sa tabi at tumayo. Nakangiti itong lumapit sa anak pero bago pa nito ito malapitan ay nakaramdam na ito agad ng sakit sa tagiliran at pagtingin nito ay dumudugo na ang tagiliran nito at ang punit na damit nito.
"Oh no.. you ruined my favorite dress" wika ng kaniyang ina na hindi matanggal tanggal ang ngisi sa labi. At sa muling pag angat nito ng tingin ay wala na itong nahahilap na Titania. Na para bang nawala nalamang ito ng parang bula.
"The death of Claude is worth it. My first daughter is back, right Salvador?" Nakangiting wika ni Amanda saka tinanggal ng walang kahirap hirap ang isang patulis at mahabang klase ng metal na dart na mismong si Titania ang gumawa. Mabilis ito na hindi mo ito mapapansin dahil sa lakas ng pagkabato nito at sa hugis ng armas ni Titania.
"Why would you have to go that far, wife? You know that Claude is an important pawn for the Deathland, yet you still sacrificed him" wika ni Salvador saka pinagkrus ang braso habang nakatingin kay Amanda na nasa baba. Kasalukuyan itong nasa second floor at tahimik na nanonood sa ginawa ng asawa at anak nito.
"He's a nuisance. He just dug his own grave by loving his sibling" wika ni Amanda saka inis na binato ang armas ni Titania. "Now my dress is ruined" sabi nito saka pinakatitigan ang tinamaan na parte nito.
Hindi natutuwa si Salvador sa mga ginagawa ni Amanda ngunit wala itong magawa dahil sa kasunduang ginawa nilang magasawa.
Pagkatapos ng pangyayaring yun ay palagi nang umaalis si Titania upang mag palakas pa lalo. Naglayas ito sa palasyo upang pakalmahin ang sarili at palakasin pa lalo upang sa pagbalik nito ay siya na mismo ang papatay sa ina nitong nagluwal sakaniya.
•••
"Ilang araw na ang nakakalipas ah? Ano to.. tambay ka lang sa palasyo Blessing?" Wika ni Deeona saka itinaas ang paa habang nakaupo sa upuan.
BINABASA MO ANG
The Blood Above The Roses (Completed)
Ficción GeneralW A R N I N G This story is disturbing and dark. This is not child friendly. This contains violence, sexual abuses, dark mentality and other issues that may offend others. ▪▪▪ --Blessing Potterhood's life is equivalent to a mere bug's life. Doing h...