Roses 6

689 17 0
                                    

A/n: Long update everyooooneeee! Enjoy!

Angel with a Shotgun
Chapter 6

Feitan

"Mahal na Hari,

Kasalukuyan pong may nangyayari sa Arena 3. Nagkakagulo po dahil sa anim na mamamayan ng Deathland ang gustong sumabak upang makaalis dito sa ating lugar. Sila po ngayon ay nilagay namin sa underground arena pansamantala habang hinihintay ang pagdating ng mahal na hari. Kayo po ay malugod naming inaantay at inaasahan. Maraming Salamat, Kamahalan.

VictorianHugo"

Ito ang nakasulat sa papel na binigay ng butler ng palasyo.

Gusto ko mang tignan pa ang babaeng yun pero bilang Hari at dahil may kailangan akong panoorin doon ay kailangan kong dumalo sa Mice Hunt. Sumakay ako sa carriage na nakahanda para saakin para sa pagpunta sa Arena 3. Kasama si Kill at si Chain na siyang bantay ko at si Kaydence na papunta na sa Arena 3.

Habang papunta sa lugar ay maraming nakakalat na mga patay na katawan sa paligid. Ang mga bahay ay nakasara at tila walang tao sa paligid. Ito ang oras ng tulog nila. Hanggang madaling araw. Sunod sunod parin ang mga tunog ng palitan ng baril at ang mga kalansing ng mga nagsasagupaan na armas. Puro dugo ang paligid, puro lamog na katawan. Nakakaawa mang tignan pero napakaganda sa paningin ko.

Ang mga dugong parang gawa ng pinakamagaling na pintor. Ang mga katawang nakalatag pa sa sahig at sa ibat ibang lugar pa sa Deathland.

Nakarating kami sa Arena 3 na ang kumpol ng mamamayan ang aming nadatnan. Lahat ito ay dugo dugo pa pero wala itong armas dahil kinumpiska namin ito para walang mangyaring pagpatay sa loob ng Arena maliban sa nasa loob ng cage na nakahanda.

Puro ito lalaki pero may makikita karing mga babae. Mga lisensyadong mga assasin ang mga ito. May mga kumpol pa sa bandang likod na puro babae.

"Kamahalan, nasa loob po sila. Kakausapin mo pa ba?" Tanong ni Chain saka naunang pumasok. Nasa likod naman sa Kill. Si Kaydence ay nakita ko narin at nasa pinakamataas ito ng parte ng Arena 3 habang hawak hawak ang riffle nito.

Pagkapasok ko ay nakita ko kaagad ang anim na lalaki na naka posas at nakatali sa poste. Napangisi ako nung nagtagpo ang tingin namin ng isang pamilyar na lalaki. Galit ang nakasulat sa mukha nito.

"Oh? Bakit nandito ka Gregory? Sumuko ka na ba sa pagtakas sa lugar at mas piniling lumaban nalamang?" Tanong ko saka ngumisi. Hindi ito makagalawa sapagkat nakaposas ang paa at kamay nito.

"Isa kang malaking gago Feitan! Akala ko napakabait mo dahil prinotektahan mo ang pamilya ko noon! Pero gago ka! Bakit inalis mo?!" Sigaw nito at naiiyak na ata. Napatawa ako ng sobrang lakas dahil sa sinabi nito. Ako? Gago?

Nginisian ko nalamang ito at kasunod non ang pagsipa ni Kill sa sikmura nito kung kaya't napaubo pa ito ng dugo. Nangyari yan sa pamilya mo, dahil sayo.

"Inaasa mo na ba ang buhay ng pamilya mo saakin Gregory? Ang tanda tanda mo na, may asawa't anak ka na nga eh. Hindi ba dapat ikaw ang nag proprotekta sakanila? Ngayong wala na sila, tinatakasan mo na? Hindi ba't ikaw ang gago sating dalawa? Gumawa ka ng pamilya para ano? Iasa sakin?" Nakangisi kong wika saka ito nilapitan. Hinawakan ko ang baba nito saka ito pilit na iangat para magkaharap kami.

The Blood Above The Roses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon